Ang aga ko nagising. Siguro 6 am palang?
Pumunta na ako sa banyo tapos nag hilamos.
Pag tapos nun nagluto na ako.
Pancake tag 3 kami tas soya milk hinanda ko na.
Tapos hinintay ko gumising si arrheng.
Nanood ako ng tv sa sofa tas nakita ko may cd.
Agad kong nilagay to sa dvd tas plinay.
Nakita ko mga pictures niya noong bata.
"Hi daddy. Imissyou may prinefer kami ni mom para sayo para pag uwi mo. Happy birthday po. Sana kasama ka pa namin ngayon at inaabangan ko talaga yun" Sabi niya sa video.
Tas biglang tumugtog yung dance with my father again.
Tas pinakita yung pictures nung dad niya.
Tapos pinakita din dun yung habang lumalaki siya.
Every birthday ng dad niya nag vivideo siya.
Tapos biglang dumating si arrheng.
"Hey hey. Anong ginagawa mo? Don't play it!" Sabi niya tas inistop yung video.
"Kumaen na tayo arrheng. Gising ka na pala."
"Wow naman. May sakit ka ba?"
"Wala no. Mabaet talaga ako. Ikaw lang hindi!" sabi ko.
Tas di niya ako pinansin at kumaen lang. Tapos nun naligo na siya at pinaligo niya na ren ako para ihatid siya.
"Tara na pierce hatid mo nako!"
"Sige" tas nag smile ako.
Maya maya nahatid ko na siya at hindi ako umuwi sa bahay niya. Kundi pumunta den akonsa office niya.
Buti nalang may psp siya at naglaro ako ng tekken.
Tas naka idlip ako.
"Pierce. 8 na. Uwi na us" Tapos tinapik ako ni arrheng.
"Ay oo. 8 na pala. Si zhelle?"
"Nauna na siya. Di na daw muna siya sasabay e."
"A. Okay po" tas nag smile ako.
Pumunta na kami sa car tapos pag ka start ko ng kotse biglang may umilaw sa loob.
Kulay blue and pink. Tapos lumabas ako ng kotse baka kase pati labas may ilaw.
And yeah. Tama ako. May ilaw sa labas.
Half blue and half pink pero sa ilalim ng kotse yun.
Parang naging race car at si arrheng may gawa.
"Oha. Cute diba? Kasing cute ko" tas winave niya hair niya.
"Thankyou ha?"
"Thankyou saan?"
"Sa lahat lahat. Sa lahat ng ginawa mo."
"Hm. Wala yun. Panget kase ng kotse mo kaya naawa ako!" Tas nag belat siya.
Ang cute niya pag mabaet.
Para bang siya si santina sa super baet niya.
Pero di kumpleto niya pag di ako naasar e.
As usual. Nakakamiss kase den ng walang asaran.
Maya maya naka uwi na kami at kumaen muna tapos natulog.
Siyempre di makakalimutan na mag pray kami.
"Oy. Pray muna tayo" sabi ko.
"Para san?"
"Wala. Para mag thanjyou sa mga blessings na natatanggap naten at mga hiling naten ibigay ni God"
"A okay. Start na ako?"
"Oosige"
Tapos maya maya nag pray siya.
"Hi God. First of all thankyou kase di nauubos yung blessings na natatanggap ko. Second kase walang problema sa mall ko. Third kase kahit wala yung papa ko may kasama ako ngayong lalaki na nagpoprotekta saken tulad ng ginagawa saken ng daddy ko noon. At God? Pinagpepray ko po na sana mahanap ko na yung lalaking pang habang buhay akong aalagaan at poprotektahan. Hindi yung panandalian lang. Yun lang po. Thankyou and iloveyou. In jesus name I pray amen."
Tas ngumiti siya saken.
"Ikaw naman!" Sabi niya.
"Oona." tapos nag pray na ako.
"God? Thankyou kase buhay pa kami ngayon at walang problemang dumadating sa buhay ko. Patuloy niyo pong gabayan si arrheng. Alam ko God na wala man yung papa niya ikaw paden yung lalaking poprotekta sakanya. At aalagaan siya ng hindi mapapantayan ng sino man. Ayun lang po. Amen"
Tas nag smile ako. Tas nag smile den siya.
"Tara na ng tulog na tayo" sabi ko tas ginulo buhok niya.
"Thankyou pierce."
"Wala yun. Ikaw pa ba?" tas ginulo ko ulit buhok niya.
Tapos nun natulog na kami.
BINABASA MO ANG
Ang babaeng mataray sa aking panaginip?
Novela JuvenilMaraming storyang pareparehas. May nainlove sa bestfriend. May na first love. May nagmahal ng totoo at niloko lang. May mga natatapos sa happy ending at meron din namang masaklap ang ending nila. Sa storyang ito halos lahat ng storya sa lovelife nar...