Chapter 3 (Lalaki na si cinderella)

104 3 0
                                    

April 14 yung araw ng kamatayan nila. Pero ngayon april 20 na.

Siyempre birthday ko, 13 yearsold na ko. 6 days na palang nakakalipas no? Di ba kayo nagtataka kung san ako kumukuha ng pagkain ko?

Onga pala. Pumasok ako bilang isang body guard ng anak ng isa sa mayayaman sa aming village.

Dahil sa naawa sakin yung mommy ni julie. Oo si julie, siya yung babaeng binabantayan ko.

Simple lang naman trabaho ko, protektahan siya. Siyempre magkasama kaming natutulog sa isang kwarto. Pero hindi kami magkatabi.

Ako sa lapag at siyempre siya sa kama. Araw araw sa pag pasok sa school niya binabantayan ko siya. Hinihintay ko lage ang pag uwi niya.

Sa araw araw kong ginagawa to, master ko na to. Pero isang araw nag ka conflict. Bigla nalang nakatakas sa paningin ko si julie. Sa sobrang pag panic ko tinawagan ko mama niya.

"Hello mam? Si julie po nawawala"

"ANO?!! Di ba trabaho mo bantayan siya? Hanapin mo. Kundi mawawalan ka ng trabaho!"

"Opo mam."

Kung san san ako nag punta hanggang sa makita ko siya sa park. May kasamang lalaki at teka bat parang umiiyak siya?

"Ehem. Mam julie inaaway ka ba neto? Sinaktan? Ano? Ano gusto mong gawin naten?"

"No! Don't ever try to hurt him. Ako makakalaban po pag ginawa mo yun!!" Sinigaw niya habang umiiyak.

"Pero mam bat ka ba umiiyak? Ginagawa ko lang trabaho ko. Na protektahan ka ata bantayan"

"Nothing ian. Uwi nalang tayo" sabay kinuha niya bag niya at pinunasan luha.

Sumakay na kami sa kotse at umuwi na. Pag ka uwi namin sinermonan siya ng mama niya.

"Julie bee! Ano ba ginagawa mo sa sarili mo? San ka nag pupunta punta ha? At ang dumi pa ng uniform mo. Mag palit kana dun. Ang baho baho mo na. Jusmiyo, para kang hindi babae niyan. Talo mo pa mga pulubi. Umayos ka nga."

"Si mama. Nag gmrc nanaman, german machine ratatat combat" Bulong ni julie.

"Julie bee nakikinig ka ba?" Sigaw nanaman ng mama niya

"Ma naman. Ang bantot pag kinukumpleto mo pangalan ko. Ang layo ng muka ko kay jollibee ano ba? Dapat sa wendy restaurant mo nalang ako pinangalan endi mas okay diba? Bahala ka nga diyan." Biglang pumanik si julie.

Tignan mo to si julie. Manang mana sa mama niya, walang tigil sa pag sasalita haha. Masundan nga yung isa dun sa kwarto niya.

"Mam julie?"

"O?"

"Ano po ba problema niyo?"

"It's non of your business. And hindi naman kita bestfriend a? So ano naman sayo?"

"Pwede mo naman ako maging bestfriend mam e. If gusto mo."

"Really? Yey. Thankyou ian! Finally may boy bestfriend na ko."

"Wala po yun. Balik tayo mam, ano problema niyo?"

"Ian. Stop calling me mam okay? Bes nalang itawag mo saken. And about sa lalaki kanina, boyfriend ko yun. Kaya ako umiiyak kase naki pag break siya saken. May mahal na daw siyang iba at mas maganda saken."

"Okay. A julie bee, wala sayo ang problema."

"Ano ba?!! Wag mo ko tawaging julie bee" hirit ni julie.

"Srry. Yun nga wala sayo yung problema. Maganda ka. Mayaman, maputi, maganda buhok, may brace, mabait. Kaya ano pa ba hahanapin niya sayo?"

"Hindi ka lang din pala mapang asar no ian? Bolero ka pa."

"Totoo naman yun bes e."

"Sus." Sabay bato ng unan.

"Aray a? Masakit yun."

"Pake ko."

"Aganun ha? Eto sayo."

"Aray ian. You panget!"

"Okay lang. Alam naman natin kung ano katotohanan e ."

"K."

Julie's Pov

Si ian. Siya yung bodyguard ko. Gwapo naman siya e. Kahit bata palang pogi na, maputi siya. Siguro kinakain niya yung aircon nila nung bata pa siya?

Mabaet naman siya e. Actually nga crush ko siya e.

Kaya naman nung nakita niya ko na umiiyak sa park nahiya ako sakanya nun.

Masama pa dun napag salitaan ko siya ng masama.

Sa totoo nga mas pogi si ian sa boyfriend ko e. Ay, ex nalang pala.

Nung naka uwi kami sa bahay nung after nun tinanong niya ko kung ano problema ko. Sa sobrang badvibes ko nun nasungitan ko nanaman siya.

Pero napangiti ako kase kahit tinatarayan ko sya ginusto niya akong gawing bestfriend.

Pero gosh? Bestfriend lang? Huhu.

After namin mag pillow fight, naging close na kami sa mga next day.

Hanggang sa naging komportable kami sa isa't isa. At mas lumalalim pagtingin ko sakanya.

Ian's Pov

Si julie, makulet. Pero may napapansin ako sakanya.

Parang madalas siyang tumitig saken.

Hmm. Baket kaya? Tinitigan ko siya sa kama niya. At siyempre nagkatitigan kame.

Bes? May tatanong lang ako. Sabi ko sakanya.

"Ano yon panget?"

May gusto ka ba saken? Na fall in love ka na ba?

"Kapal mo a. Panget panget mo kaya!"

Di nga seryoso.

"Oo na sige na. Bes pano ba naman sweet ka e. Anong gagawin ko?"

Bes totoo niyan na fo'fall inlove na den ako sayo pero 13 palang tayo. Mag 14 sa susunod na taon. Di kaya magalit mama mo?

"Loko ka bes? Siyempre di naten sasabihin!"

Sigurado ka ba? Kasi lahat ng sikreto nabubunyag.

"Oonaman. Trust me bae, basta mahalaga nagmamahalan tayo." Tas nag wink siya.

Sige. Julie Bae bleeeh :p

"Hahaha. Funny"

Wahahah pikon. Pikon pikon. Tas hinabol niya ko hanggang sa baba. Biglang nahuli kami ng mama niya at nag suspisyo na kami.

Pinagbantaan niya ko nun at pinahirapan. Nilipat niya den ako sa paglilinis ng bahay. Kung dati body guard ngayon paglilinis nalang sa bahay.

Kaya naman ako na si cinderella na lalaki. Pero hindi kami mag ka exact story. Naalila lang naman ako dahil minahal ko yung anak nila ata ayaw nila yun.

Bawal daw magka relasyon kami. Dahil mayaman sila at isa lang akong alila nila. Kaya naman di nagtagal nag break kami ni julie.

Di ko na kayanan pang aapi nila e. Pero naka ipon naman ako ng almost 20 k. Pano libre naman pag kain dun e. At wala akong problema. Kase may tree house pa naman ako. Dun ako matutulog.

Pero bat parang wala nalang saken yung pag break namin ni julie? Sa bagay. Yung pag kawala nga ni ciara na kayanan ko e.

Hmmm. Pangalawang beses ko na to. Bigo sa pag ibig.

Ang babaeng mataray sa aking panaginip?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon