8 am.
Umaga na pala. Nakita ko nakayakap sakin si jellah ng mahigpit.
Tinanggal ko yung kamay niya sa ibabaw ng chest ko.
Tapos nung tatayo na ko bigla siyang nag salita at niyakap ulit ako.
"Please ian? Wag mo muna ako iwan?"
"Ian? Pano mo nalaman ako si ian?" Sabe ko.
"Ian. Bat naging ganto ka? Marami akong tanong sa isip ko. Bat naging bakla ka? Bakit nag ibang bansa ka?"
"Zheee-eellle? Ikaw ba yan?"
"Oo ako to ian. Iniwan ko pilipinas. Sinundan kita. Ian mahal na mahal kita. Mahal na mahal."
"Mahal na mahal? Wag ako zhelle." Tapos tumayo ako.
Niyakap ako ni zhelle ng mahigpit at umiiyak.
"Ian balik ka na? Balik na naten yung dating tayo?"
"Para san pa zhelle tiyaka di naman tayo talo talo no." tas nag smile ako
"Ian kilala kita. Alam ko nangingibabaw pa den yang pag kalalake mo. Kagabe sa bar? Diba? Alam ko ayaw na ayaw mo nababastos mga babae kaya mo ginawa yun. Tas naaalala ko den kagabe yung binilan mo ko ng mga damit. Ganun ginagawa mo nung tayo pa diba?" Tas umiiyak paden siya.
"Zhelle. Tahan na? Ayoko nakikitang umiiyak yung babaeng minahal ko ng sobra." Tas pinunasan ko luha niya.
"Ian? Imissyou. Yung kay richard? Totoo nun kase..." Tas naputol siya sa pag sasalita kase nagsalita ako.
"Tinakot ka niya? Na sasaktan ako? Na pag di naging kayo papabanat niya ako?" Tas nag smile ulit ako.
"Panoooo.." Tas pinutol ko ulit pag sasalita niya.
"Sa panaginip mo zhelle. Kagabe nanaginip ka. Binabanggit mo yan"
"Sosorry. Sorry ian kung naging mahina ako. Sorry kung di ko nagawang paglaban yung nararamdaman ko at mas nangibabaw yung pagkatakot ko."
"Tahan na zhelle. Okay lang ako. Ayokong nakikitang pinapaiyak ka ang prinsesa ko." Tas niyakap ko siya sabay ginulo buhok niya.
"Di ka bakla ian?"
"Ano pa nga ba? Nag panggap lang ako zhelle. Nag panggap lang ako. Para malaman ko kung ano ba yung ugali ng mga babae. Kinikilos nila. Kung baket malandi yung iba. At marami akong natutunan zhelle." Sabay kinuha ko tshirt ko.
"Ian. Uwi na tayo sa pilipinas? Wag na tayo mag paalam kanila annah?"
"Sige zhelle. Bili tayo ng ticket."
"Talaga?" Tas nag smile siya.
"Hindiii. Hindi tayo aalis." Sabi ko
"Ayyyy." Tas sumimangot siya.
"Hindi tayo aalis hanggang di ko sinasabi to. Zhelle? Will you be my forever?"
"Papakasal ba to?" Tas tumawa siya ng malakas.
"I mean will you be my girl." Tas nag pout ako.
"Ang cute cute mo talaga iaaaaaan ka!!! Tinatanong pa ba yan? Syempre naman oo."
"Yes. Sabay binuhat ko siya at inikot. Iloveyou iloveyou iloveyou zhelle!" Sabay kiniss ko siya sa cheeks.
"Iloveyoutoo. Ian panget" Tas kiniss niya ako sa lips.
Nanahimik ako. Ewan ko ba. Tas pinaligo ko na siya at pinag bihis para diretso uwi na kami.
Naligo na den ako syempre. At nag bihis at pag tapos ay pumunta na kami ng airport.
BINABASA MO ANG
Ang babaeng mataray sa aking panaginip?
Teen FictionMaraming storyang pareparehas. May nainlove sa bestfriend. May na first love. May nagmahal ng totoo at niloko lang. May mga natatapos sa happy ending at meron din namang masaklap ang ending nila. Sa storyang ito halos lahat ng storya sa lovelife nar...