Ian's POV
Umuwi na kami ni arrheng. Ayoko na kase makita pagmumuka ni jake na bestfriend niyang yun.
Muka namang koreanong hilaw yun. Sobrang puti parang wala ng dugo.
Nung pagkauwi namin ni arrheng binatukan niya ako.
"Ano ba pumasok sa isip mo kanina? Bat mo ginawa yun?" sabi niya.
"Wala." sabi ko tas yumuko.
"Bukas mag sorry ka kay jake a!"
"Ano? Over my dead body."
"Makikipagbati ka o sasapakin kita?"
"Sabi nga e. Makikipagbati. Zz" sabi ko tas dumiretso ako sa dating kwarto ko.
Naasar ako sakanya. Dahil lang dun nagagalit siya sakin?
Di ako matutulog sa tabi niya bahala siya.
Nakakaasar lang.
"Knock knock" sabi niya.
Pero di ako nagsalita nababadtrip ako e.
"Hoy buksan mo to" sabi niya ulit.
Nilagay ko earphone ko sa tenga ko nag soundtrip ako at nagtaklob ng kumot.
Para di ko marinig yung bunganga niya.
Mamaya pumasok siya sa kwarto at pinalo ako ng unan.
Pero di ko pa den siya pinansin.
Tinanggal niya yung kumot sakin. Pati earphone ko tinanggal niya.
"Ano ganto nalang tayo? Di na tayo magbabati?" sabi niya.
Tumingin ako sakanya tas inirapan siya.
"Baby naman napaka immatured mo." sabi niya.
"K." sabi ko
Di siya nagsalita tapos maya maya pinakelaman niya buhok ko at tinali yung bangs ko.
Tinirintas pa niya tapos minake up-an niya ako.
Pero pinabayaan ko lang siya.
Tapos pinicturan niya ako tas humiga siya sa tiyan ko at nagpicture ulit siya kasama ako.
Tas ako hindi ngumingiti. Nag facebook nalang ako kase badtrip ako e.
Tas nag facebook den siya.
Mamaya maya shinare niya yung pic namin. Tas ang description?
"With my honey babey. Boyfriend ko, bestfriend ko, clown ko. Siya na yung lahat ko. Look oh :D Hindi siya ngumingiti kahit pinagtripan ko na muka niya. Galit kasi eh :3 Hoy aso bati na us. Alam ko nag fe'facebook ka. Katabi kase kita eh :p Srry na pangetzxc ha? Ickaw lnq szxapuat nuah! HAHAHA. Jejedays </3 Jk. Iloveyou :* <3"
Yan ang nakalagay at naka tag ako.
Nag comment naman ako.
"Baket walang space yung iloveyou mo? Diba dapat (I love you) yan? tss."
tas nag comment den siya.
"Walang space yan kase wala na den space sa puso ko kung hindi ikaw lang"
tas nag comment ulit ako.
"tss. paloko ewan bahala ka dun kana sa jake mo."
tas mamaya ang dami ng nag comment.
"Kuya ian naman patawarin mo na si ate arrheng"
"Oo nga. Ang sweet sweet oh."
"Kung may gf lang ako ng ganyan ang swerte ko."
"Lahat ng babae topakin kaya unawain mo nalang"
"Patawarin mo na kuyaaa"
"Tama patawarin na yan ^.^"
Yan mga comment nila. Yung iba di ko na binasa e.
Tas nag post ako sa wall niya
"Oo na. Bati na tayo matitiis ko ba yung mahal ko?"
Tapos daming naglike.
Tapos nag signout na ako.
Biglang numiti si arrheng at kiniss ako.
"Baby sorry na ha? Iloveyou" sabi niya at niyakap ako.
"Oona. Iloveyoutoo" tas niyakap ko siya at natulog na kami.
BINABASA MO ANG
Ang babaeng mataray sa aking panaginip?
Teen FictionMaraming storyang pareparehas. May nainlove sa bestfriend. May na first love. May nagmahal ng totoo at niloko lang. May mga natatapos sa happy ending at meron din namang masaklap ang ending nila. Sa storyang ito halos lahat ng storya sa lovelife nar...