Chapter 38

29 1 1
                                    

Pag kagising ko, napaluha nanaman ako kase naalala ko yung mga nangyare kagabi.

Pababa na sana ako ng may narinig ako,

"Pare sige singhot pa. Tignan mo ko may powers nako!!"

"Jake?" Sabi ko

"Oh, eto na pala si hello kitty e. Gusto mo oblongin ko mata neto?" Sabi ni jake.

Nanlaki mata ko nung sinabi niya yun.

Lalo nanglaki ang mata ko nung tinignan ko sa lamesa puro weeds at rugby ang nasa mesa.

At pinipilit pa niya kong kainin daw ang weeds.

"Hoy hello kitty kainin mo to. Dahil isa kang pusa, ay oonga pala tao kana. Pero kainin mo na din to wag ka nang mag inarte." Sabi ni jake.

"HOY! JAKE WAG MO KONG GINAGANYAN A! NAWAWALAN KA NA NG RESPETO SAKIN!"

"Anong respeto? Lumayas ka nga dito."

"Sige sabi mo e." Sabi ko tapos paalis nako.

Sasampalin ko sana siya pero napag isip isip ko SABOG nga pala siya.

Baka gawin pakong hello kitty talaga nun e.

At gawing oblong ang bilog kong mukha.

Nang palabas nako ng bahay...

Teka bat nga pala ako aalis e bahay ko yun?!

Langya. Mabalikan nga.

"Wag ka nang bumalik dun hindi safe" sabi ng konsensya ko.

At napag isip isip kong hindi nga safe.

Kaya umalis nalang ako kahit wala pa akong ligo.

Di ko alam kung san ako pupunta.

Naglakad ako kung san san.

Nagmumuka na akong pulubing pusa. Yung buhok ko gulo gulo.

Naka sando lang ako tapos pajama.

Tapos tsinelas na pusa ang design.

Di ko nakuha susi ng kotse ko kaya taghirap ngayon.

Habang naglalakad ako may sasakyang huminto sa gilid ko.

"Hoy pusa sumabay kana sakin."

(Sabay bumaba ang salamin ng kotse)

Pag tingin ko si pierce ang nagsalita.

Parang nag slowmo ang paligid ko nun at bumilis ang tibok ng puso ko.

Teka teka rewind rewind.

"Hooooy pusaaaaaa sumaaabaaaay kaaanaaa saaaaakiiiin"

Odiba slowmo na slowmo? Hehe.

Papayag ba ko na sumabay sakanya? Pero teka ang baho ko.

Di pa ko naliligo. Ni sipilyo hindi pa.

Tapos ang gulo ng buhok ko, haaaaynako.

"Sig... Ay ayoko nga! Bleeee" sabi ko sakanya sabay dinilaan ko siya.

Siyempre pakipot muna ko.

Maganda ako e. HAHAHAHAHAHAHAHA.

"Ayaw mo talaga? Edi wag." Sabi niya sabay umalis siya.

"TALAGA!!!!" Sabi ko. Tapos napasimangot ako.

Hays hay pano niya nagawa sakin yun? Hay pano nako.

Dapat pala pumayag nako pero bahala na nga siya.

Hay bahala na! Asar yung asong yun bwiset.

Nagpatuloy ako sa paglakad ko.

Tapos nakita ko yung coke in can sa sahig pero wala ng laman.

At dahil galit na galit ako sinipa sipa ko yun.

Bawat abante ng coke umaabante din ako para masipa ko yun. Iniisip ko kasi na si pierce yun

Dun ko nalang nilalabas sama ng loob ko.

Sinipa ko ulit yung coke tapos kinakausap ko yun.

Ikaw na aso ka ang sama sama mo! Pano mo nagawang iwanan ang isang pusang cute sa daan?

Wala ka bang konsensya ha? Sabay sinipa ko ulit.

Isa kang walang kwenta! Tapos sinipa ko ulit.

Pwe ang pangit mo sabay sinipa ko yung coke ng 5 beses at pinag tatapak.

"Hoy anong ginagawa mo diyan?" May nagsalita sa likod ko.

Pag harap ko si pierce pala.

"IKAW NA ASO KA ANG SAMA SAMA MO!" Sabi ko sakanya tapos pinag sasapak ko siya sa dibdib.

"Sorry na. Kala mo ba matitiis kita? Kahit na ang baho mo ngayon pwede mo padin yakapin idolo mo" sabi niya.

Napangiti nalang ako kasi hindi pa din siya nag babago.

"Tara na kaya?" Sabi niya tapos binuhat niya ko.

Tapos sinakay niya ko sa sasakyan niya at umalis na kami.

Pumunta kami sa condo niya at inabutan niya ko ng towel, toothbrush, suklay, milcu at mga pampaligo.

"Oh maligo kana. May mga damit ka nga pala diyan na hindi mo pa nakukuha remember? Pati bra at panty nandiyan don't worry every week ko yan nilalabhan." Sabi niya sabay nag wink siya.

"Ewan ko sayo maliligo nako!" Sabi ko sabay inirapan siya.

Pagtapos kong maligo may nakahanda ng pizza at bakedmac sa lamesa. Pati soya milk at cold water.

Uggggh sarap. Siyempre nandun din ang fav ko.

Frieeeeees. Nagugutom na tuloy ako.

Nang papalapit nako sa mesa para kumuha ng fries....

"HEP HEP. SINONG NAGSABING SAYO YAN ABER? SAKIN LANG YAN" Sabi ni pierce.

"DAMOT!" Sabi ko tas nag pout ako.

"Nag papacute ka nanaman. Di mo ko madadaan sa ganyan mo che."

"Edi wag."

"Hindi naman to mabiro!" Sabi niya sabay ginulo buhok ko at binuhat ako papunta sa sofa.

Inabot niya sakin ang mga pagkain at nanood kami.

Ang babaeng mataray sa aking panaginip?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon