Chapter 24

40 3 0
                                    

"Kring.. kring"

tumunog na alarm clock ko.

Umaga na pala. Agad ako pumunta ng banyo para mag hilamos.

"Pierce.. pierce." Tinatawag ko pero walang sumasagot.

Bigla kong naalala. Pinaalis ko pala siya kagabe.

Pero okay lang. Kesa naman mainlove ako ng tuluyan doon.

May gf siya kaya hindi pwede.

Aaaaghhhh. Bahala na. Ang lungkot nanaman dito sa bahay.

Bumaba ako. Pag tingin ko may pagkain na nakahanda.

Isang pasta tapos soya milk tiyaka biogesic tapos may naka dikit na sticky note sa table.

"Goodmorning! :) Kain ka na arrheng wag mo papabayaan sarili mo. Sorry den pala kagabe. Sana okay ka na ngayon at inumin mo gamot mo.

Love, Woof."

Si pierce pala. Edi ibig sabihin kaka alis niya lang kaninang umaga.

Pero anong pake ko?

Bahala siya. Babaero siya! Paasa. Walang puso.

Kinuha ko yung sticky note tas dinikit ko sa kwarto ko.

Tapos kinain na yung naka handa.

Tapos nun naligo na ako at pumasok sa mall ko.

Habang naglalakad ako papunta sa office ko nakita ko si zhelle.

"Zhelle. Nasan si pierce?"

"Nasa bahay po nila. Sabi niya papahinga lang po siya e."

"A. Okay" sabi ko tas pumunta agad sa office.

Ang boring dito sa office ko. Wala naman akong ginagawa kaya natulog nalang ako tapos umuwi na den.

Araw araw ganto ginagawa ko.

Pag giaing kain. Ligo tapos papasok sa office tas uuwi tas matutulog ulit.

Ang lungkot. Can't take this any more.

Nakakapagod din pala yung ganto. Kaya naman di muna ko pumasok sa office.

At pinanuod ko nalang yung video namin ni pierce.

Natatawa ako sa pinag gagawa netong lalaking to e.

Halos 2 weeks na den pala siya wala dito.

At di ko den nakikitang sinusundo at hatid niya si zhelle.

Kaya naman agad akong pumunta sa bahay ni zhelle at tanungin kung nasan si pierce.

"Zhelle? Nasan ba si pierce? Bat di ko na napag kikita?"

"Ay di niyo ba alam mam?" sabi niya.

"Na ano?!!!" sabi ko.

"May sakit po siya. Na dengue siya at halos 1 week and 3 days na po siya nakaratay. Sabi ng doctor na coma po siya kase stage 4 po e. Kaya naman hinihintay ko nalang na magising siya" sabi ni zhelle.

"Okay. San hospital siya? At anong room?"

"Sa cgh 421" sabi niya tapos tumakbo agad ako para puntahan siya.

Pagtingin ko natutulog si pierce. At mag 2 weeks na den pala siyang hindi nagigising.

Maya maya pumasok yung doctor.

"Miss ikaw ba girlfriend niya?"

"Ah eh.. oo. Baket?"

Tapos may pinakita siyang xray.

"Di lang po pala siya na dengue. Eto po yung nakita namin sa xray. May namuong dugo den sa utak niya"

" E ano yung namuo? Bakit ganon?" Sabi ko.

"Muka pong may pumalo ng baseball bat sakanya at ang lakas ng pressure neto kaya naman bumigay ang isang nerve at nagdugo ito. Ang masama nito kasabay ng pag coma niya ay ang dengue. Kaya hindi po natin alam miss kung magigising pa siya"

"Pero bakit? Bakit ano nangyare?" sabi ko habang humahagulgol na.

"Di ko alam miss. Maaari nalang po kayong humingi ng tulong sa mga pulis." tapos umalis siya.

Agad akong pumunta sa police station

"Chief. Papaimbistiga ko lang sana yung sa kaso ni ian pierce delafuentes."

"Yung na confine sa cgh?"

"Oo. Yun nga!"

"Ay miss buti pumunta kayo dito. Matagal na den naming inaantay na pumunta ang pamilya niya dito. May nagbigay samin ng isang cctv footage."

"Ano ang laman neto?"

"Panuorin niyo nalang miss" sabi niya tapos nag play na yung cctv.

"Pre bat para kang aso diyan at natutulog diyan sa labas ng bahay?"

"Pake niyo ba."

"Aba lumalaban. Paraan nga!"

"Teka san kayo pupunta?"

"San pa ba? Edi sa bahay niyang binabantayan mo. Balita ko sexy yan. Masarap yan pare".

"Wag mong gagalawin yan!"

"Aba pumapalag. Wag kang epal pare!"

"Sinabing wag kayong papasok. Wag na wag niyong gagalawin ang mahal ko."

"Sabing!!" *Boog boog boog boog*

"Hala pare dugo na punasan mo dugo diyan!"

"Ez pare."

"Tara takas na tayo."

"Ge."

-End of cctv footage.

Nakita ko sa cctv may 3 lalaking gusto pumasok sa bahay ko.

At gusto akong rape'in.

Nakita ko si pierce nagbabatay sa bahay ko.

At pinigilan niya yung 3 lalaki.

Kaso ginawa nung tatlong lalaki pinagpapalo siya ng baseball bat sa ulo

Tapos pinunasan dugo sa ulo ni pierce tapos iniwan sa damuhan.

Kaya pala na dengue si pierce tapos na coma.

"Ayan yung nangyare saknya" sabi ng pulis.

Bigla akong umuwi sa bahay ng lumuluha ako.

Kumuha ako ng 1 maleta at nag impake.

At binantayan ko si pierce araw araw sa hospital.

Dun na ko kumakaen at natutulog.

Kasalanan ko ang lahat ng to e.

Kung di ko siya pinaalis sa bahay sana di mangyayare to.

Ang tanga tanga mo talaga pierce bat ka pa naglaban!!!!

Tignan mo nangyare sayo!!! Ang kitid talaga ng utaaak mo.

Habang kinakausap ko siya umiiyak ako.

Ang tanga tanga ko den.

Kinakausap ko pa yung lalaking hindi ko alam kung magigising pa ba.

At ang tanga ko den kase ako dahilan kung baket naman talaga nangyare to e.

Ang babaeng mataray sa aking panaginip?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon