1 week have passed walang padama si arrheng.
Ang dami ng fans namin nagtataka na bat di na daw kami nagkikita.
At tinatanong kung wala na daw ba kami.
Tinext ko si arrheng para mangamusta.
To: Honey ko
Kamusta ka na?
Oo. Honey ko pa din yung pangalan niya sa cp ko.
Kase umaasa ako na babalik pa siya at isa lang tong hamon sa pagsasama namin.
Maya maya may nag text.
Meet me 5 pm at starbucks -Jake to.
Hmm. Bat kaya?
Hinintay ko mag 5 pm at pumunta na ako sa starbucks
Nakita ko si jake at kinamusta niya ako.
"Bro masaya na kami ni arrheng." sabi niya.
"Hindi totoo yan. alam ko nalulungkot siya at hinahanap hanap ako" Sabi ko.
Tas may binigay siya saken na box.
Nakita ko yung picture ni arrheng at may pula sa leeg.
"Ano to?" sabi ko
"Chikinini. Nilagyan ko siya ng chikinini. Sabi sayo masaya na kami e." sabi niya.
Tas nakita ko yung sulat ko kay arrheng bago ako umalis sa bahay nila.
Crumpled ito.
Tas nakita ko yung sim ni arrheng putol.
"Pinutol na ni arrheng at ayaw ka na daw niya makatext" sabi ni jake.
Tas next ko nakita sulat ni arrheng
"Hoy aso. I hate you! I hate you so much. Hindi ka manlang nagpaparamdam at iniwan mo lang ako sa ere? I hate you super I hate you I hate you." Yan yung nakasulat sa papel.
"Bro. Alagaan mo siya tulad ng ginagawa ko sakanya a? Papakainin mo siya kahit sinusumpong siya ng topak. Pag titiyagaan mo yung pagiging moody at hahatid sundo mo siya. Wag na wag mong papabayaan si arrheng" sabi ko.
Lahat ng nakalagay sa box. Binalik ko kay jake at umalis ako.
Umiyak ako nang papunta ako sa kotse.
Sabi niya walang iwanan pero bat ganto?
Sabi niya ako lang pero bat bigla niya akong iniwan?
Ang tanga tanga ko.
Nag paloko ako.
Sige magpakasaya siya kay jake.
Kung san siya masaya dun na den ako.
Basta wag lang siyang sasaktan ni jake.
WAG NA WAG. At makakapatay ako.
Ayokong makikitang umiiyak siya kay jake.
At ayokong papabayaan niya sarili niya.
Siguro it's time to let her go.
Lahat ng pinagsamahan namin ibabaon sa lupa.
lahat ng masasayang ala ala ilalagay nalang sa hangin at hayaang lumipad.
Lahat ng pagmamahal ko sakanya itatapon ko nalang sa dagat at hayaang maanod.
Siguro tama nga. Siguro walang forever.
Pero atleast dumating siya sa buhay ko.
At aaminin ko.
Sumaya ang buhay ko nung kasama siya.
Napunan niya yung mga pagkukulang sa buhay ko.
Sakanya umikot ang mundo ko.
At sa isang iglap lahat ay naglaho.
Lahat ay nagbago.
Nawala siya sa tabi ko pero mananatili siya dito sa puso ko.
Lahat ng sakit? Mawawala din to.
Mawawala to...
Mawawala...
BINABASA MO ANG
Ang babaeng mataray sa aking panaginip?
Teen FictionMaraming storyang pareparehas. May nainlove sa bestfriend. May na first love. May nagmahal ng totoo at niloko lang. May mga natatapos sa happy ending at meron din namang masaklap ang ending nila. Sa storyang ito halos lahat ng storya sa lovelife nar...