Arrheng's POV
Pumunta si jake dito sa bahay ang aga aga.
At nako mukang magagalit nanaman si pierce neto.
Maya maya nakita ko sumilip si pierce at nag salita.
Agad ko siyang pinababa para makapag sorry kay jake.
Pero naligo muna siya tapos bumaba na.
Naguusap kami ni jake at siya naglalaro ng cp niya.
Galit nanaman ata sakin e. Kaya di ko nalang siya kinakausap baka mag away lang kami.
Maya maya nakita kong tinatamaan niya si jake habang naglalaro.
Tapos paulit ulit niyang ginawa yun kaya lupimat nalang si jake sa tabi ko.
Tapos pumanik siya at kumuha ng notebook at gumawa siya nang paper airplane at sinapul si jake
Siguro nagseselos to? Kaya nangaasar.
Ang cute cute neto pag nagseselos kaya lalo ko pa siyang pinagselos.
Sumandal ako kay jake tapos gumitna siya sa amin.
Tapos lumipat ako kay jake tas maya maya umalis siya at mukang napikon.
Iniwan niya ako kasama si jake. Anong klaseng tao to?
Hahabulin ko sana siya pero pinigilan ako ni jake.
"Pabayaan mo na. Palamigin mo muna ulo niya at baka mag away lang kayo" sabi ni jake.
Kaya naman umupo nalang ako.
Tapos di na ako mapakali kase iniisip ko si pierce kaya naman sabi ko kay jake na naboboring ako.
"Tara gala tayo?" sabi niya.
Kala ko makakalusot ako e. Pero pumayag na den ako baka sakaling makita ko si pierce habang gumagala kami ni jake.
Pumunta kami sa billiards. At naglaro siyempre.
"Tignan mo si pierce o. Nagtatago kasama yung babae" sabi ni jake.
Pupuntahan ko sana sila tas bigla silang tumakbo sa exit.
"Pabayaan mo na. Kausapin mo nalang mamaya." Sabi ni jake.
Nung pauwi na kami biglang nasira car ni jake at buti nalang malapit na kami sa bahay ni jake.
Kaya naman tinulak niya nalang to papunta sa bahay nila.
"Uuwi na ako. Mag cocommute nalang ako" sabi ko.
"Wag na gabi na delikado pa. At ma rape ka pa no." Sabi niya.
"Asge tatawagan ko lang si pierce" sabi ko.
Nung tatawagan ko na sana. Na lowbat ako.
"Ay. Lowbat na ako may charger ka" Sabi ko.
"Ay wala e. Pano yan? Wala den ako load. Dito ka nalang matulog at I explain mo nalang kay pierce yan bukas" sabi niya.
Nag nod nalang ako at pumasok sa bahay nila.
Kinabukasan maaga ako gumising para maaga den makauwi.
Nung uuwi na kami? Si pierce nakita ko at lumapit saken at galit na galit.
Nabadtrip ako kase di niya naman alam nangyare e tas sisigawan niya ako.
Kaya pabala mga sagot ko.
Nung nasa bahay na ako nakita ko na aalis siya at kasama yung maleta niya.
Tapos kinausap ko siya pero nag away lang kami.
Nalungkot ako kase iniwan niya ko e.
Tapos pumunta ai jake sa kwarto ko at kumuha ng note book at may hawak siya na blue paper pero crumpled to.
"Bakit crumpled yang hawak mo?"
"A. wala nagkamali kase ako ng sulat. O eto notebook. Isulat mo diyan lahat ng galit na mensahe mo kay pierce para gumaan loob mo" sabi niya sabay inabot yung notebook at pen.
Tapos nag sulat ako at sa sobrang inis ko naiyak ako.
Pag tapos ko mag sulat binigay ko kay jake yung notebook tapos bigla ba namang sinipit yung leeg ko.
"Aray bat mo ginawa yun?" sabi ko
"Masakit diba? Ganyan din nararamdaman ko pag nakikita kang ganyan" sabi ni jake.
"Psh." sabi ko naman
Tas maya maya pinicture-an niya yung pula sa leeg ko.
"Bat mo pinicture-an?" sabi ko.
"Wala para remembrance." Sabi niya
Tas inirapan ko siya. Namimiss ko kasi si pierce e.
Di man lang nagtetext.
Tinignan ko yung phone ko tas inagaw to ni jake at kinuha yung sim at pinutol
"Bat mo pinutol yan?" Sabi ko
"Bibili ka ng bago. Kase panget na tong sim mo bulok na" sabi niya.
Nakakapagtaka bat niya ginawa yun.
Di ko tuloy matetext si pierce.
"About kay pierce? Ako na magsasabi sakanya aa bagong number mo pag nakabili na tayong sim. Wag ka na sad diyan" sabi ni jake.
Tapos nagpatawa nalang siya para sumaya ako.
Kaso nandun padin yung lungkot e.
Pag natutulog ako napapaniginipan ko siya.
Ganun din kaya siya?
Napapaniginipan niya den kaya ako tulad nung di pa kami magkakilala?
Nagtatagpo pa den ba talaga kami sa panaginip?
Nakakamiss si pierce.
Nakakamiss.
BINABASA MO ANG
Ang babaeng mataray sa aking panaginip?
Teen FictionMaraming storyang pareparehas. May nainlove sa bestfriend. May na first love. May nagmahal ng totoo at niloko lang. May mga natatapos sa happy ending at meron din namang masaklap ang ending nila. Sa storyang ito halos lahat ng storya sa lovelife nar...