"Wag ka nang tatawag sa gf ko naiintindihan mo ba?!"
"Huh? Hoy aso bat ka sumisigaw diyan inaantok pa ko"
"May tawag lang naman ng tawag sayo"
"Ha? Sino?"
"Jake daw bestfriend mo. Ayan inaway ko kulet e"
"Hala ka bat mo ginawa yun?" Sabi ko sabay bangon.
Kinuha ko yung cp sakanya at nakita yung mga missed calls ni jake.
34 at sinagot lang ni pierce nung naka 35 na siyang tawag.
Tae talaga tong lalaking to.
Pero pano nalaman ni jake number ko? Nakakagulat lang.
"Hoy ano mo ba talaga yan ha? Mamaya pinagpapalit mo na ako" sabi niya.
"BESTFRIEND NGA DIBA"
"Bestfriend ang turingan pero may ibang nararamdaman?" pambabasag niya.
"Zzz. Bahala ka diyan."
"Baket mo ba ako mahal?" sabi niya.
"Kase pogi ka." Sabi ko.
"Dahil dun?" Sabi niya sabay sumimangot.
"E ako baket mo ba ako mahal?" sabi ko.
"Kase wala."
"Pwede ba yun? Minahal mo ko kase wala?"
"Oo walang rason."
"Che bahala ka nga diyan." sabay binato ko unan sakanya.
Lumapit siya sakin at hinawakan kamay ko.
"Pano pag sinabi ko sayong mahal kita kase sexy ka?"
"Sexy naman talaga ako e." tas nag belat ako.
Inangat niya yung damit ko at nakita yunga baby bilbil ko.
"Sexy? Dati. Pero may bilbil ka na e. So hindi na kita mahal?" sabi niya.
"Che! Okay."
"Kaya nga wala akong rason kung bat kita mahal e. Pano kung sinabi ko sayo minahal kita dahil maganda ka o sexy ka? Tas isang araw bigla kang pumanget at tumaba? Sa tingin mo mamahalin pa ba kita? Walang rason kung bat kita mahal kase ayoko den magkaron ng rason para iwan ka." Sabi niya tas nakatingin sa mata ko.
"Ewan! Bumabawi ka lang kase nalasing ka kagabe!" Tapos nag blush ako at ngumiti.
"Anong ginawa ko?"
"Papanuod ko sayo mamaya punta tayo kay mark. Pero bago yan maligo ka muna. Ang baho mo na!" sabi ko tas kinurot ko cheeks niya.
"Kahit di ako naliligo mabango ako" sabi niya sabay smirk.
Humihirit pa talaga tong asong to e.
"Oona maligo ka na. Lulutuin ko lang tong almusal naten" sabi ko.
"Ikaw den maligo na asim na ng kili kili mo e. Oh" Tas inangat niya kili kili ko tas inamoy.
"Che ligo kana!" sabi ko tas binato yung twalya niya sakanya.
Tas ako bumaba na at nagluto.
Nung matapos na siya maligo, pumasok na ako sa kwarto at naligo na den.
Tas kumaen kami ng sabay. Hinintay niya muna ako matapos maligo bago kumaen e.
Gusto niya kase lagi kaming sabay.
Sinanay ko daw kase siya ng ganun.
Nung matapos na kaming maligo pumunta na kami sa kotse para puntahan si mark.
Kaso nung pag punta namin sa bahay ni mark wala siya dun.
So tinawagan namin yung pinagpapasukang office ni mark. Pero di den daw nila alam.
Wala naman akong gagawin sa office e. Kaya pumunta nalang kami sa mall.
Habang naglalakad kami may mga nagsipuntahang tao samin.
Nag pa autograph tas picture. Parang artista kami e.
Pero ayoko ng ganun. Ayokong exposed masyado sa tao.
So tahimik lang ako at si pierce ang kumakausap sa mga tao.
Magaling siyang makipag communicate sa mga tao e.
Friendly siya at mahaba ang pasensya.
Habang tinitignan ang mga tao biglang nanlaki ang mata ko nung nakita si jake.
Tinitigan ko siya at biglang kumaway sakin.
Nilapitan ko siya para mag sorry sa nangyare kagabe.
So ayun nilapitan ko siya.
"Hi" Sabi ko
"Hello" sabi niya at ngumiti
"About sa kagabe..."
"A wala yun. Ikaw pa kaya kong patawarin. Yung bestfriend kong maganda" sabi niya tas ginulo niya yung buhok ko
"Ehem ehem."
Si pierce pala nasa tabi ko na.
At paubo ubo effect pa zz.
"tignan niyo sila oh love triangle. at halatang nagseselos si ian"
sabi nung mga fans na pabida.
Magsasalita sana ako ng binuhat ako bigla ni pierce.
Yung ulo ko nasa likod niya at yung paa ko nasa ulo niya.
"Hey san mo ko dadalhin" sabi ko
"Sa lugar kung san walang epal" sabi niya.
Tapos nakita niya na sinuaundan kami ni jake.
"Bro ano ba problema? San mo dadalhin si arrheng" sabi ni jake.
"Kung san wala ka" sabi ni pierce tas tuloy tuloy pa den sa paglakad.
Hinawakan ni jake si pierce sa likod tas biglang huminto si pierce tas binaba niya ako.
Biglang hinawakan ni pierce si jake sa damit.
"Ano bang problema mo?" sabi ni pierce
"Ikaw ano bang problema mo ha? Nasasaktan si arrheng sa ginagawa mo" sabi ni jake.
"Di siya nasasaktan sa ginagawa ko. Mahilig siya magpabuhat ng ganyan kaya wala kang pake."
"Ano mo ba si arrheng?"
"Girlfriend ko lang naman."
"A. Bestfriend niya ako." sabi ni jake tas tumalikod.
"Hoy humarap ka!" sabi ni pierce.
Tas humarap naman ulit si jake.
"Brad nakakabastos na muka mo" Sabi ni pierce at biglang sinapak.
Inawat ko agad si pierce at niyakap.
"Baby problema mo ba? Bestfriend ko lang yan wag ka nang magalit" sabi ko tas umiyak.
Niyakap naman ako agad ni pierce. Kinuha niya yung panyo sa bulsa niya, pinunasan luha ko at nagsalita.
"Sorry honeybabey. Ayoko lang naman na may ibang lalaki diyan sa buhay mo. Bestfriend? Di mo naman kailangan yan. Kaya ko maging tatay mo, bestfriend mo, asawa mo, yaya mo. Kung gusto mo nga maging clown mo pa ako e. Kaya ko maging lahat mapasaya ka lang baby. Kaya sana naman wag ka nang maghanap ng iba."
"Srry." sabi ko tas biglang tumalikod si pierce. Lumuhod siya at sabi niya pumasan daw ako sa likod niya.
Tapos pumunta kami agad sa parking lot at sumakay sa kotse.
"Uuwi na tayo" sabi ni pierce
"Ge." sabi ko. Naiinis kase ako e. Meron pa naman ako ngayon kaya tinotoyo ako.
BINABASA MO ANG
Ang babaeng mataray sa aking panaginip?
Teen FictionMaraming storyang pareparehas. May nainlove sa bestfriend. May na first love. May nagmahal ng totoo at niloko lang. May mga natatapos sa happy ending at meron din namang masaklap ang ending nila. Sa storyang ito halos lahat ng storya sa lovelife nar...