Chapter 12 (Woof vs. Meow)

50 3 0
                                    

Papunta ako sa library.

Namili na ako ng librong babasahin ko.

Pag wala kase prof namin dito ako dumidiretso para magbasa.

I love books kase.

Kinuha ko yung readers digest at binasa ko to.

Habang binabasa ko to naglalakad ako papuntang upuan.

Syempre kabisado ko na tong library kaya kahit walang tingin tingin sa daan okay na e.

Pag ka dating ko sa table 8 umupo na ako.

"If you meet a person in your dreams and you met him/her in some area of this world. It means you and him/her are meant to be." -Readers digest.

Natawa ako. Kase parang kalokohan naman ata yun?

Sa sobrang tawa ko napalakas ito.

"Shhhhhh. Ang ingay mo naman!" Sabi nung kaharap kong babae.

Halaaa? Si arrheng pala to. Kahit kelan talaga epsi to e.

"Kill you!" Sabi ko.

"Ano?" Sabi niya sabay irap.

"Sabi ko ang ky mo. Parang kj ganon. Ang panget mo maiwan ka na nga diyan" Sabay tumakbo ako.

Tumakbo na ako kase alam ko naman na gagawin nun e.

Kahit madaming tao kaya akong sapukin nun. Napaka wild na babae.

Sa sobrang pagmamadali ko nadala ko pa yung libro.

Papunta akong Starbucks ngayon para mag palamig.

Maya maya parang may sumusunod sa akin.

May stalker ba ako? Natatakot tuloy ako.

Pag dating ko sa counter umorder na ako.

"Miss isa ngang coffee jelly large"

"I received 1000 pesos" sabi nung cashier nung pag abot ko ng pera.

Sabay gumilid na ako para hintayin yung inorder ko sabay umupo na ako.

"Kringgg-kriinggg" May nag text sakin at binasa ko to.

Habang binabasa ko umupo na ako

"Kala mo matatakasan mo ako a?"

May nag salita di ko alam kung sino. Pero familiar boses e.

Pag tingin ko napagsigaw ako "Ay pusang kalbo"

Wala pang ilang segundo ayun tumama na yung kamao niya sa muscles ko.

"Ang sakit nun a? Kawawa naman ang muscles ko sinasaktan mo lang" Tas nag pout ako.

"Ay kapal. Muscles yan? O maskels? Maskelschupol. Tampalin kita e" Sigaw niya.

"Hoy babaeng parang pusa kung makagalit at nakalunok ng mikropono, wag kang mag iskandalo dito pwede ba." Tas nilakihan ko siya ng mata.

"Hoy lalaking hilaw ka. Kahit pandilatan mo ko ng mata muka ka pading tulog. Kaya manahimik ka" Pambabasag niya.

Kahit kelan hindi nag papatalo to e.

"Para bati na tayo order mo nalang ako ng isang chocolate mousse at coffee jelly" Pahabol niya.

Edi ano pa ba magagawa ko umorder ako. Matakaw to e.

Tapos nun kumaen kami.

Pinicturan ko sya kase ang cute niyang kumaen e.

Tapos nag picture na den kami.

Salamat naman. Natahimik yung tenga ko kahit papaano.

"Iaaaan. Ian gumising ka na. Nandito na yung katulong na pinapa hired mo"

Pag tingin ko, naknang teteng. Si harold at napanaginipan ko nanaman yung babae.

Pero buti naman naging mabaet siya saken sa huli.

Kaya thankyou na den kay God.

"Oo ligo lang ako saglet harold. Tas pupunta na ako diyan" tapos pumunta na akong banyo.

Ang babaeng mataray sa aking panaginip?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon