Nakauwi na ako sa bahay. 10 pm na ng gabi.
At chineck ko si arrheng at wala pa siya sa bahay. Nag bihis muna ako at bumaba ulit para hintayin siya.
Sa sofa na ako natulog para pag dating niya lilipat nalang ako sa kwarto.
"Kring kringgg.." Nag alarm yung phone ko.
Every hour kase sinet ko to para magising.
Hmm. 1 am na a? Wala pa din siya.
Tinext ko siya.
To: Honey ko
Nasan ka na ba? Nag aalala na ako sayo.
Tapos hinintay ko mag reply siya.
Hanggang sa nakatulog ulit ako.
"Kring kring.."
3 am na.
Chineck ko yung phone ko pero wala pa den siya kahit text wala.
Kaya nag alala na ako.
Pumunta na ako sa sasakyan ko at hindi ko alam kung san ako pupunta.
Basta isa lang nasa isip ko ngayon.
Ang mahanap siya.
Umikot ako kung saan saan. At pinuntahan ang mga place kung san madalas kami pumunta.
Una pumunta ako ng mall pero sarado na to syempre madaling araw e.
Tinignan ko yung likod ng mall kung nandun siya pero wala.
Tapos pumunta ako sa office niya wala din dun.
Pumunta ako sa luneta park at inikot lahat yun pero wala siya.
Sa circle pumunta ako wala den.
Pag tingin ko sa phone ko 5 am na.
Nanghihina na den ako. Pumunta ako sa mcdo para bumili ng makakaen at coffee.
Tapos nag patuloy sa paghahanap.
Pumunta ako sa billiards pero wala soya dun.
Marami akong pinuntahan. Naubos nga yung gas ko kaya nag pa gas na ako ulit e. At full tank to.
Umikot ikot ako at umaasang mahanap siya
Pero wala e. Naubos nanaman yung gas ko at nag pa gas ulit ako.
Arrheng nasan ka na ba? Nag aalala ako. Tas unti unti nang tumulo luha ko.
Kase mamaya may nangyare na sakanyang masama.
Ang tanga tanga ko iniwan ko pa siya kasama si jake.
Time have passed...
8 am na.
Napahinto ako sa paranaque at?
Nakita ko si arrheng kasama si jake.
At galing sa bahay nila jake.
Agad akong bumaba at pinuntahan siya.
"SAAN KA BA NAGPUNTA AT DI KA UMUWI? HINDI NA AKO NATULOG KASE HINAHANAP KITA KUNG SAN SAN!!!" sabi ko at talagang galit ako.
"Ay srry. Nasira kase yung car ni jake kaya dito nalang niya ako pinatulog."
"E bat di ka manlang sumagot sa tawag ko?"
"Na lowbat ako."
"Di mo manlang ba naisip na may nag aalala sayo?"
"O.A a? Srry na nga diba."
"Sorry? Ganun lang yun?"
"Bahala ka sa buhay mo."
"Okay fine. Pakasaya ka ha?" Sabi ko tas umalis.
Siya pa galit. Hindi niya manlang inisip na may boyfriend siya na nag aalala sakanya.
Umuwi na agad ako sa bahay ni arrheng at kinuha yung maleta ko.
At nag iwan ako ng note.
"Text mo nalang ako pag di ka na galet. Text mo nalang ako pag naalala mo ulet na may boyfriend ka palang nag aalala sayo. Text mo nalang ako pag may PAKIALAM ka na ha? Space muna tayo. Salamat sa lahat lahat.. Magiingat ka arrheng"
Tapos umalis na. Nung palabas na ako ng pinto nakasalubong ko siya kasama si jake
"Hey san ka pupunta." sabi niya.
"Papalamig muna" Sabi ko.
"Aalis ka? Then leave. Gusto mo yan e. Ge"
"Bahala ka" sabi ko naman.
Tapos umalis na ako at umuwi sa bahay.
1 pm na siguro naman nabasa niya yung sulat ko.
Nag sign in ako sa facebook at nakita ko picture niya kasama si jake.
Tas yung background? Dun sila sa sofa at kumakaen tas may crumpled na papel sa gilid ni jake.
At blue paper pa. Natatandaan ko blue paper ang papel na ginamit ko sa note na iniwan ko kay arrheng e.
Binabaliwala niya lang? Okay fine.
Nag status ako.
Ang pag sabi ng bahala ka ay pag sabi sa isang tao ng "Ayoko. Pero dahil gusto mo sige ikaw ang ma susunod."
Hinihintay ko mag comment siya pero wala e.
Parang wala lang sakanya.
BINABASA MO ANG
Ang babaeng mataray sa aking panaginip?
Teen FictionMaraming storyang pareparehas. May nainlove sa bestfriend. May na first love. May nagmahal ng totoo at niloko lang. May mga natatapos sa happy ending at meron din namang masaklap ang ending nila. Sa storyang ito halos lahat ng storya sa lovelife nar...