TINITIGAN ni Ailene ang mga deed of sale na nakahain sa mesa. She could not believe Marco was in front of her and was about to buy all her properties in Sagada.
"Nariyan na ang lahat ng napagkasunduan namin ng lawyer mo," pormal na wika ni Marco. "Pipirma ka na lang."
Wala siyang kaalam-alam sa pagbebenta ng properties kaya hinayaan niyang ang abugado ng kanyang lolo ang mag-asikaso ng lahat para sa kanya. Hindi niya alam na pumayag siyang ibenta ang lahat ng minana niyang negosyo sa Sagada kay Marco mismo.
Si Marco na isang tour guide na ngayon ay nagpapakilalang si Jeremiah na isang mayamang lalaki. Tila walang balak na ipaliwanag ni Jeremiah kung bakit mula sa pagiging isang tour guide ay isa na itong CEO in a span of two months. Kung "Jeremiah" talaga ang pangalan ng lalaki, bakit "Marco" ang ipinakilala nito sa kanya?
Bigla niyang naalala ang kanyang ama. "Edilberto Madlangpuri" ang pangalang ipinakilala ni Alfonso Banal Jr. sa kanyang ina. Niloko ba siya ni Miguel tulad ng kung paano niloko ni Alfie ang kanyang mama? Tumindi ang pait at galit na nadarama niya sa dibdib.
Dinampot ni Ailene ang pen at tumingin siya kay Attorney Ferrer na tumango sa kanya. Muli niyang tinitigan ang deed of sale. Imbes na pirmahan ang papel ay pinunit niya iyon sa harapan ni Jeremiah. Tila hindi man lang nagulat si Jeremiah sa ginawa niya.
"Hindi ko ibebenta sa 'yo ang properties ko!" Hindi niya itinago ang galit.
Matalim ang tinging isinalubong niya sa titig ni Jeremiah.
Tumikhim si Attorney Ferrer. "I think you need to talk privately. I will wait outside, Ailene."
Hanggang sa makalabas ang abugado ay nakatitig pa rin sila ni Jeremiah sa isa't-isa.
"Sino ka?" malamig na tanong niya sa lalaki. "Sino kang talaga?"
"Obviously now, I'm not your tour guide anymore, Ailene. I am rich just like you. In fact, I am far way richer than you are. Bago pa ako nag-stay sa Sagada, mayaman na talaga ako. But I didn't like being rich. So, I decided to leave my world and live a simple, quiet life in Sagada." Bumuntunghininga si Jeremiah. "That's my story."
Hindi siya makapaniwala sa narinig. So all the while, Marco, the tour guide, was rich? Naalala niya ang sa tuwina ay panghahamak niya sa binata dahil sa pagkakalayo ng estado ng pamumuhay nila noon. Siguradong lihim siyang pinagtatawanan ni Jeremiah noon.
Nakakahiya siya. Paulit-ulit niyang pinangangalandakan kay Jeremiah ang pagiging mukhang pera niya. Hindi niya alam na ang kausap pala niya nang mga sandaling iyon ay isang mayamang hindi nasisilaw sa salapi.
"You changed your name..."
"I changed my name so no one will ever find out where I was and who I really am."
"Katulad ka rin ng daddy ko," may himig panunumbat na wika niya.
"Your father might also have a reason why he changed his name and hid his real identity to your mom."
Tumango siya. "Iniwan ng daddy ko ang mama ko nang basta na lang at hanggang sa huli ay hindi niya ipinakilala ang tunay na sarili sa mama ko." Mapait na ngumiti siya. "Ngayon, mas malinaw na sa akin ang lahat." Tinitigan niya si Jeremiah sa mga mata. "Sigurado na akong hindi talaga minahal ng daddy ko ang mama ko. Niloko lang talaga niya ang mama ko. Pinaasa lang. Kasi kung minahal niya ang mama ko, inamin sana niya kung sino talaga siya at hindi niya iniwan ang babaeng mahal niya."
"Ang ibig mo bang sabihin... parang ginawa lang isang 'fling' ng daddy mo ang mama mo?"
Pinigilan niya ang pag-iinit ng mga mata. Fling. Right. Ginawa lang isang fling ng kanyang ama ang kanyang ina. Ganoon din siguro ang ginawa ni Jeremiah sa kanya. Ginawa lamang siyang isang fling nito. Kaya bigla na lang siyang iniwan ng binata. Kaya hindi nagawang ipagtapat ni Jeremiah sa kanya ang tunay na identity nito. Hindi siya minahal ni Jeremiah tulad ng pagmamahal niya sa binata.
Paano nasasabi ni Jeremiah sa kanya ang ganoon na tila ba wala ni katiting na guilt na nadarama ang binata sa ginawa sa kanya? She wanted to slap his face and tell him how such a big jerk he was.
"Maybe you're right. Ginawa lang libangan ng daddy ko ang mama ko."
Hindi na niya kailangan pang itanong kung bakit siya iniwan ni Jeremiah. Mas masakit kung maririnig pa niya mula sa binata na hindi siya minahal nito at ginawa lamang siyang isang libangan tulad ng ginawa ng kanyang ama sa kanyang ina kaya nagawa siyang iwan na lamang ni Jeremiah nang basta.
Tumayo na siya. "I'm sorry for the inconvenience but I will not sell my properties to you."
"Why? Naliliitan ka ba sa offer ko? Gusto mo bang dagdagan ang presyo?"
Mukha ba talagang pera ang tingin ni Jeremiah sa kanya? Gusto sana niyang sabihin sa lalaki na kaya niya ibinebenta ang properties niya sa Sagada ay dahil ayaw niyang maalala ang katangahan niya. Dahil minsan ay nagdesisyon siyang hindi na ibenta ang mga iyon nang dahil sa pag-ibig. Dahil minsan ay nagawa niyang kalimutan ang pangarap para makasama ang isang lalaking hindi naman pala siya minahal.
Sa lugar na iyon. Sa Sagada. Ang lugar na natutunan niyang mahalin dahil sa tour guide na si Marco. Ayaw niyang tumira doon dahil malulungkot lamang siyang lalo. Kaya kailangan niyang ibenta ang mga negosyong hindi niya maaasikaso. Kailangan niyang gawin ang mga nauna niyang plano.
"No. Keep your money," malamig na wika niya. "Hindi ko nga maintindihan kung bakit gusto mong bilhin ang properties ko, eh." Hindi niya itinago ang pagdududa. Mukhang sadyang inalam ni Jeremiah kung ibinebenta niya ang properties niya sa Sagada.
"Dahil nakita kong profitable ang properties mo. I'm a businessman who likes nature. And I love Sagada, remember? I'd love to have business properties there."
"Sinabi mo sa akin na mahal mo ang Sagada at hindi ka aalis doon. Pero umalis ka. What made you decide to go back to your old life?"
"I have reasons behind it."
Hinintay niyang sabihin ni Jeremiah ang dahilan ng pag-alis ngunit hindi na nagsalita ang binata.
Huminga siya nang malalim. "Hindi ko muna ibebenta ang mga negosyo ko sa ngayon," pagdadahilan na lamang niya.
"Kung gano'n, hihintayin kong magdesisyon ka ulit na ibenta ang properties mo sa Sagada."
Tumayo na siya. "Excuse me. I need to go now." Humakbang na siya patungo sa pinto. She had to hurry up or she would cry in front of him. Tumigil siya sa paglalakad nang marinig niya ang tinig ni Jeremiah.
"Are you happy now, Ailene?"
Nilingon niya ang lalaki.
"Ngayong nakamit mo na ang pangarap mo, masaya ka na ba? Masaya ba ang maging mayaman?"
Of course, he was mocking her. The truth was she had forgotten how it felt to be happy since he left her. Kahit nasa kanya na ang kanyang mana at nabibili na niya ang mga gusto niyang bilhin ay hindi niya nadama ang kaligayahang inaasahan niyang makakamit niya. Hindi napagtakpan ng mga mamahaling damit, sapatos at kung anu-ano pang bagay ang lungkot na nadarama niya simula nang iwan siya ng taong mahal niya.
She tried to smile as happily as she could. "Of course. I am happy. Very happy." Pagkasabi niyon ay muli siyang tumalikod at humakbang palabas. Pagkalabas sa pinto ay mabilis na nangilid ang mga luha niya.
BINABASA MO ANG
Barely Heiresses Series #1 : Ailene [COMPLETED]
RomanceSi Ailene ay isang sosyalerang walang pera. Lahat halos ng damit at sapatos niya ay branded pero galing lang ang mga iyon sa ukay-ukay. Ang mga signature bags niya ay class A replica. Updated siya sa latest high-end gadgets pero binibili lang niya a...