Part 7

9.1K 245 4
                                    


SA AKING apong si Ailene,

Marahil ay nagulat ka dahil may kondisyon ang pagbibigay ko ng mana sa inyong lahat. Ako ang tipo ng tao na hindi naniniwala sa suwerte. Ang tagumpay at kayamanan ay pinaghihirapan at hindi basta na lamang nakukuha. Gusto kong pagsumikapan ninyong makuha ang kayamanang inilaan ko para sa inyo at nang matutunan ninyong pahalagahan ang mga matatanggap ninyo mula sa akin.

For the past few months ay pinasusubaybayan kita, Ailene. At kahit hindi tayo nagkasama, pakiramdam ko ay kilalang-kilala na kita. Ikaw ay isang batang materyosa at walang interes sa kalikasan.

Gusto kong makita mo ang kagandahan ng kalikasan. Gusto kong mahalin mo ito gaya ng pagmamahal naming mga taga-Sagada sa aming lugar. At higit sa lahat, gusto kong mahanap mo ang kaligayahan na hindi nagmumula sa materyal na bagay...

Itinigil ni Ailene ang pagbabasa sa sulat ni Don Alfonso. Iyon ang ika-sampung beses na binasa niya ang sulat ng kanyang lolo ngunit hindi pa rin niya matanggap na ang kondisyong hiningi kapalit ng pagpapasakamay ng kanyang mana ay isang adventure tour sa Sagada.

Hindi siya adventurous na tao at ayaw niya ng kagubatan, kabundukan o kahit anong madamo at malupang lugar. In fact, gustung-gusto na niyang umalis sa Sagada. Pagkatapos ay gigipitin siya ng kanyang lolo na galugarin ang Sagada? Pero may magagawa ba siya para suwayin ang gusto ng kanyang lolo? Wala.

Kaya ayaw man niya ay gumayak na siya para umpisahan ang challenge sa kanya ng lolo niya. Naghihintay sa kanya si Attorney Guzman. Sasamahan daw siya ng abugado sa tourist information center para iparehistro siya at upang makakuha ng tour guide para sa kanya.

Napili niyang isuot ang kanyang Dolce and Gabanna wool flare coat na kulay brown, Levi's black skinny jeans at brown suade boots na nabili niya sa tiangge. Wala siyang baong damit na pang-gubat at wala rin siyang baong sweater kaya coat ang isinuot niya. Hindi naman bagay ang baon niyang sneakers sa outfit niya kaya boots ang isinuot niya.

Yes, she would wander around the wilderness with that outfit. For all she knew, baka may mga makakita sa kanyang ibang tourists at maging trend pa ang fashionable trekking outfit niya at gayahin ng iba.


Barely Heiresses Series  #1 : Ailene [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon