NANG sapitin ni Ailene ang bukana ng hiking trail papunta sa Echo Valley ay inalok ng tour guide niyang si Marco ang kamay sa kanya. Tumingin siya sa kamay ng lalaki.
Naalala niya ang sinabi ni Marco kanina. "'Wag kang mag-alala. Hindi kita pababayaan."
Her eyes squinted at him. Bakit parang concerned ang lalaki sa kanya? Hmmm... Nagka-crush kaya sa kanya ang tour guide at first sight? Kaya ngayon ay gusto nitong hawakan ang kamay niya at gusto lamang idahilan ang pag-alalay sa kanya?
Well, kahit guwapo si Marco ay hindi maaaring magkaroon ng pag-asa sa kanya ang lalaki. Needless to say, he was poor. Kahit hindi mukhang mahirap ang lalaki ay hindi niya kasing yaman si Marco kapag nakuha na niya ang kanyang mana. Walang dugong pang-mayaman na tulad niya. Kaya kung magpapa-cute sa kanya si Marco ay dapat na lang nitong kalimutan iyon.
"Never mind," sabi niya. "Kaya kong maglakad kahit hindi nakahawak sa 'yo."
"Sigurado ka?"
Oh my god. Talagang ipinipilit pa niya. Mukhang gusto talaga niyang mahawakan ang kamay ko. Tumango si Ailene.
"Okay," sabi ni Marco at nagpatuloy na sa paglalakad pababa sa makipot na rough trail at pagkatapos ay tumingala sa kanya.
Tumingin siya sa boots niyang tig-tu-two hundred pesos. Hindi naman madulas ang suwelas niyon pero mukhang madulas ang trail dahil sa mga malilit na bato at ilang patay na damong nakakalat sa daanan. Inilipat niya ang tingin sa mga matataas na damo at mga halamang nasa paligid ng trail. Maaari siguro siyang humawak sa mga iyon kung sa tingin niya ay madudulas siya.
Nagsimula siyang humakbang pababa sa trail. Ingat na ingat siya. Bawat paghakbang ay kalkulado.
"Ma'am, sa tingin ko, aabutin tayo ng gabi sa ginagawa mong paglalakad," komento ni Marco.
She gave him a sneer. "I'm just being extra careful!"
"Bukas, mag-rubber slippers or rubber shoes ka para komportable ka. Magsuot ka rin ng komportableng damit. T-shirt o sweatshirt at pants na medyo maluwang nang kaunti kaysa sa suot mo ngayon."
"But this is where I'm comfortable with," tukoy niya sa suot na damit.
Napansin niya na bahagyang tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Marco. Gusto ba siyang pagtawanan ng lalaki pero hindi lang magawa dahil alam na magagalit siya?
"Hindi bagay sa paligid ang suot mo at baka ma-jeopardize mo ang safety mo sa sapatos mo."
"Well, I have a unique way of wandering around the wilderness. At saka kailangang maganda ako sa pictures ko. And speaking of pictures, kunan mo na ako." Nag-pose siya sa gitna ng trail. Nakapameywang, naka-point ang balakang sa kanan, nakataas nang kaunti ang mukha at naka-pout.
"Seryoso?" nangingiting tanong ni Marco. Hawak ng lalaki ang pink niyang camera.
"Kailangan kong kumuha ng pictures at videos sa bawat parte ng lugar na pupuntahan ko dahil kailangan ko ng evidence na napuntahan ko nga ang mga lugar na ito," pagpapaliwanag niya.
"Ang ibig kong sabihin, 'yang pose mo. Ganyan ba talaga?" halatang naaaliw na tanong ni Marco.
Umigkas ang kilay niya. "Wala ngang pakialamanan ng pose." Ibinalik niya ang kanyang pose. "Go!"
Nakangiti pa rin si Marco nang matapos siyang ma-picture-an.
"Anong inginingiti-ngiti mo?" paninita niya sa tour guide.
"Wala lang."
Nakakaasar ang smile ni Marco. Pero in fairness, perfect at napakaputi ng mga ngipin ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Barely Heiresses Series #1 : Ailene [COMPLETED]
RomanceSi Ailene ay isang sosyalerang walang pera. Lahat halos ng damit at sapatos niya ay branded pero galing lang ang mga iyon sa ukay-ukay. Ang mga signature bags niya ay class A replica. Updated siya sa latest high-end gadgets pero binibili lang niya a...