"AILENE."
Parang nagising sa isang magandang panaginip si Ailene at nang magmulat siya ng mga mata ay nakita niya ang mga kapatid niya na nakaupo sa harap ng hapag-kainan kasama niya. Napatingin siya kay Yumi.
"Kanina ka pa namin tinatawag," kunut-noong sabi ni Yumi.
"Sorry. May naisip lang ako."
"May naisip? I think it's more like 'daydream,'" may paghihinala sa tinig ni Vera habang bahagyang nakangiti.
"Hulaan n'yo kung sino ang dine-daydream ni Ate Ailene," sabad ni Eira. "Clue: guwapo siya."
"Eira!" asik niya sa bunso nila.
Alam niya kung sino ang tinutukoy ni Eira. Si Marco nga ang pumasok sa isip niya ngayun-ngayon lang. In fact, si Marco ang parating laman ng isip niya.
These past few days with Marco had been amazing. Since the day they first kissed, they started to act like lovers. They held hands, hugged and kissed. Marco made her feel very special. And she had never felt that happy.
Iyon ang unang pagkakataon na hindi signature brand items ang nagpasaya sa kanya. It was actually a guy. And ironically, a poor guy.
"Oh my god. Don't tell me it's the tour guide," wika ni Vera.
Hindi siya umimik. Lalaitin ba siya ng mga kapatid kapag nalaman na nakikipag-date siya sa isang mahirap na tour guide?
"Silence means 'yes,' I suppose?" pangungumpirma ni Yumi.
Sadya niyang sinulyapan si Amira. Nasa mukha ng kapatid na tila naging interesado ito sa topic tungkol sa kanya at sa tour guide. Gusto niyang isipin kaya mukhang interesado si Amira ay dahil hindi makapaniwala ang kapatid na papatol siya sa isang lalaking mahirap gayong napakaambisyosa niya. Ngunit may hinala siyang interesado ang kapatid dahil mukhang type nito si Marco.
"Siya nga," pag-amin niya para mainggit sa kanya si Amira. "May problema ba?"
"Wala naman," wika ni Vera. "I'm happy for you."
"Me, too," sabi naman ni Yumi.
Napatingin siya kay Aunt Carrie na nasa kabisera ng mesa. Bahagyang magkasalubong ang mga kilay ng madrasta nila habang nakatingin sa kanya.
"Really?" pagre-react ni Sky. "Iyon siguro ang dahilan kung bakit blooming ka these past few days."
At siya ring dahilan kung bakit kahit natapunan siya ng juice ni Sky noong isang araw ay hindi siya nagalit sa kapatid. Napakasaya kasi niya at tila walang makakapagpainis sa kanya.
"In fairness, guwapo nga talaga ang tour guide mo," sabi ni Mabel. "You look good together."
May pakiramdam siyang ayaw lang magsalita ng mga kapatid tungkol sa pagkakalayo ng estado ng pamumuhay nila ni Marco.
Nang tingnan niya si Berry ay nakataas lang ang isang sulok ng mga labi ng kapatid.
BINABASA MO ANG
Barely Heiresses Series #1 : Ailene [COMPLETED]
RomanceSi Ailene ay isang sosyalerang walang pera. Lahat halos ng damit at sapatos niya ay branded pero galing lang ang mga iyon sa ukay-ukay. Ang mga signature bags niya ay class A replica. Updated siya sa latest high-end gadgets pero binibili lang niya a...