NASA silid si Ailene nang kumatok si Eira at pumasok sa silid niya. Ipinanood ng kapatid sa kanya ang video na kuha sa cellphone nito. Kinuhanan pala ng kapatid ng video ang paglalaro nila ni Marco sa tubig kanina.
"Para kayong lovers." Humagikgik si Eira. "Ang sweet n'yo."
Pinigilan niya ang magpakita ng kilig sa sinabi ni Eira.
"At alam mo ba noong nakita ka niyang lumulusong sa tubig nang naka-swim suit, nakita ko 'yong desire sa mga mata niya."
"Stop it." Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya.
"Ba't namumula ka?" tudyo ni Eira. Humagikgik ang kapatid niya. "He likes you. He desires you. I'm sure about that."
Pakiramdam niya ay sumasayaw ang puso niya sa loob ng dibdib niya. Marco liked and desired her. Bakit kay sarap pakinggan ng mga salitang iyon?
"Akina ang cellphone mo, dali!" Kinuha ni Eira ang cellphone niya. "Ibu-bluetooth ko sa 'yo pati 'yong picture n'yo habang magkayakap kayo." Nagsimula nang magpipindot ang kapatid.
"Thank you," kusang lumabas sa bibig niya nang ibalik ni Eira sa kanya ang cellphone niya.
"Nag-thank you ka sa akin?" Halatang namangha si Eira. "You must've really liked him!"
"Makakalabas ka na."
Lumabi si Eira ngunit ngumiti kapagkuwan. "Boto na ako kay Marco para maging bayaw ko someday." Humagikgik si Eira. Naglakad na ang kapatid papunta sa pinto ng silid niya pero bago lumabas ay lumingon ito. "Basta, Ate, I'll always be here for you. Susuportahan kita, always."
Nang makalabas na si Eira ay unti-unti siyang napangiti. Ngayon niya lang nagustuhan ang pagka-FC ni Eira.
Habang tinititigan niya ang larawan nila ni Marco kung saan ay magkayakap sila ay kinikilig siya. Tila ramdam pa rin niya ang yakap ng lalaki. Oo, inaamin na niyang attracted siya kay Marco. Pero hanggang doon lamang iyon. She liked to be with him while she was in Sagada.
Biglang tumunog ang cellphone niya at nag-flash ang pangalan ni Marco sa screen. Bakit siya tinatawagan ni Marco? At bakit kailangan niyang mataranta sa tawag ng binata?
"Hello?"
"Hi," bati ni Marco. "Kumusta? Okay ka na ba? Nilagnat ka ba? Sinipon?"
Tumawag si Marco para lang itanong kung nilagnat siya? Nag-aalala ba talaga sa kanya ang binata? Hindi na tungkulin ni Marco bilang isang tour guide ang i-check kung nagkasakit siya. Napangiti siya.
"Okay lang ako. Hindi ako nilagnat at sinipon. Salamat sa body heat mo." Natakpan niya ang bibig. Bakit niya sinabi iyon? Parang ipinaalala niya sa lalaki ang pagyayakapan nila.
"Anytime."
Anytime? Talaga bang puwede siyang magpakulong sa mga bisig ni Marco anumang oras? May pakiramdam siyang gusto niya ang ideyang iyon.
"Ang ibig kong sabihin," dagdag ni Marco. "Maaasahan mo ako kung kailangan mo ng tulong."
BINABASA MO ANG
Barely Heiresses Series #1 : Ailene [COMPLETED]
RomanceSi Ailene ay isang sosyalerang walang pera. Lahat halos ng damit at sapatos niya ay branded pero galing lang ang mga iyon sa ukay-ukay. Ang mga signature bags niya ay class A replica. Updated siya sa latest high-end gadgets pero binibili lang niya a...