Three weeks ago...
NAG-POUT si Ailene habang nakasuot ng Gucci sunglasses at may hawak na mocha frappuccino cup ng Starbucks sa tapat ng secondary camera ng iPhone 5 Gold niya. Pagkatapos ay i-t-in-ype niya sa text box ng Instagram ang "Here at Starbucks with my new sunnies. #Gucci #chillingout". In-scroll niya sa "Share" at pinindot ang Facebook at Twitter para mag-crosspost ang entry niya sa mga nasabing social networking sites. Pagkapindot ng check sign ay ngumiti siya at sumipsip sa mocha frapp cup niya.
May bago na naman siyang sunglasses. Totoong Gucci iyon pero hindi na bago iyon. Second hand na ang sunglasses at nabili niya iyon sa Sulit.com. Slightly used for half the price. Puwede na. Hindi niya afford ang bumili ng brand new. Kalahati ng kanyang suweldo bilang isang call center agent ang halaga ng brand new ng Gucci shield glasses na iyon.
Dati siyang may credit cards. Kaya dati-rati ay nakakabili siya ng branded items pero nang lumaki nang lumaki ang utang niya sa credit card at nabaon siya sa utang ay ipinagbebenta niya ang mga branded bags, shoes, clothes at accessories upang may maipambayad doon. Sinabihan siya ng kanyang mama na huwag nang kumuha pa ng credit card upang mapigil niya ang addiction sa shopping at sinunod niya ito labag man sa kanyang kalooban. Kaya ngayon ay nagkakasya na lamang siya sa pagbili ng mga second hand items.
Siya ang sosyalerang walang pera. Dahil hindi niya afford ay nagtitiyaga na lamang siya sa pagbili ng mga second hand branded items sa online shopping sites at ukay-ukay. Solb na siya sa class A replica ng mga signature bags at jewelleries. Magaling siyang pumili ng mga bibilhin. Walang mag-aakala na peke ang mga iyon, maliban sa mga ekspreto kaya wala pang nakakabuking na marami siyang pag-aaring fake branded items.
Ito ang buhay ni Ailene. Aminado siyang ambisyosa at feelingera siya. Her ultimate dream was to be rich. Hindi naman siya dirt poor. Pero hindi siya mayaman. Marami siyang mga pangangailangan tulad ng Louis Vuitton, Prada, Gucci na hindi kayang ibigay ng kanyang mama at ng trabaho niya.
Kung bakit naman kasi maagang namayapa ang ama niya at iniwan silang mag-ina. Ang kuwento ng kanyang Mama Evita ay nagdadalang-tao pa lang ito nang yumao ang papa niyang si Edilberto Madlangpuri. Ni hindi man lang nakapagpakasal ang dalawa.
Ang kuwento ng kanyang mama ay sinubukan nito na muling mag-asawa noong three years old siya pero nagkahiwalay rin ang mama niya at ang lalaki. Simula noon ay hindi na muling nakipagrelasyon sa kahit sinong lalaki ang mama niya at nakuntento na lang sa pagiging ina sa kanya. Mag-isa siyang binuhay ng kanyang ina.
Ngayong twenty-four years old na siya ay hindi na niya pinagtatrabaho ang kanyang mama dahil iyon ang pangako niya sa ina. Ang sabi niya, kapag naka-graduate at nakapagtrabaho na siya ay pipirmi na lang ang kanyang mama sa bahay. Kaya naman hindi siya makabili ng mga brand new signature items ay dahil kahit medyo malaki ang sinusuweldo niya ay kalahati naman niyon ay ibinibigay niya sa mama niya para sa household expenses at personal expenses nito.
Kaya nagkakasya na lang siya sa pagpapanggap na well-off siya. Pero alam niyang balang-araw ay yayaman siya.
Ipinasok niya sa Louis Vuitton bag niya—na class A replica—ang kanyang second hand Gucci sunglasses at tinapunan ng tingin ang kanyang second hand Chanel watch na napanalunan niya sa bid sa ebay.ph. Mag-aalas tres na pala ng hapon. Magpapa-facial pa siya sa Belo gamit ang promo coupon na nakuha niya sa mall.
Habang inuubos niya ang mocha frapp niya ay nakita niya ang isang babaeng mukhang nasa early thirties na bumaba mula sa isang magarang kotse. Halos mapanganga siya sa ganda ng damit nito. Iyon ang damit na nakita niya sa display window ng Chanel last week at ang sapatos ng babae ay nakita niya sa magazine noong isang buwan. Kung hindi siya nagkakamali ay galing sa Prada iyon. At kahit malayo ang babae ay nakita niya pa sa bag na hawak nito ang logo ng Hermes! Parang gusto nang tumulo ng laway niya. Idagdag pa ang kumikinang na mga alahas malamang na luxury brands din.
Someday she would be like that woman. Hindi na siya magkakasya na lamang sa mga second hand at replicated branded items. Maa-afford na niya ang brand new at authentic ones. Hindi na siya magda-drive ng Honda car na hindi pa niya tapos bayaran sa car loan. BMW na rin ang ida-drive niya.
She could not wait to be rich. She would be filthy rich soon. She could very well feel it.
BINABASA MO ANG
Barely Heiresses Series #1 : Ailene [COMPLETED]
RomanceSi Ailene ay isang sosyalerang walang pera. Lahat halos ng damit at sapatos niya ay branded pero galing lang ang mga iyon sa ukay-ukay. Ang mga signature bags niya ay class A replica. Updated siya sa latest high-end gadgets pero binibili lang niya a...