"ANO BANG nangyari sa noo mo?"
Sumimangot si Ailene sa tanong ni Marco. Kasalukuyan silang naglalakad sa masukal na trail patungo sa Pongas Falls.
Kinapa niya ang hindi naman kalakihang bukol sa noo niya. "Kagagawan ito ng isa sa half-sisters ko," iritadong sabi niya. Ikinuwento niya ang nangyari kagabi sa boodle fight dinner nila at ang kapalpakan ni Sky. "She's accident prone! Kung hindi siya ang nadidisgrasya, nakakadisgrasya siya ng iba. I'm surprise she's still alive when she's like that."
Ngumisi si Marco. "'Wag na 'wag mo siyang isasama rito. Baka hindi na siya makauwi."
"I'm sure. Sa eco-tour pa lang, mahuhulog na agad siya sa Echo Valley at kasamang mabibitin sa hanging coffins."
"Hindi mo siya kasundo?"
"Paano mo naman makakasundo ang isang taong kada makikita mo, eh, ipinapahamak ka? Kahit pa hindi naman niya sinasadya. Her clumsiness could potentially kill me someday if I stay with her."
"Siya lang ba ang hindi mo kasundo sa mga kapatid mo?"
"Halos lahat, hindi. Nakikisama lang ako sa iba sa kanila." Ikinuwento niya ang mga katangian ng mga kapatid niya na ayaw niya. "Lalo na si Amira. I don't like her. She's a bitch."
"Amira?"
"Mas bata siya kaysa sa akin ng isang taon. May sarili siyang mundo at mukhang mas gusto ang mga puno kaysa sa mga tao. Siya yata ang nagmana kay Grandpa sa pagiging nature-lover. Environmentalist siya."
"Parang opposites pala kayo."
"Yeah. Kaya lagi kaming nagkakabanggaan. Ako lang kasi sa aming magkakapatid ang umaalma sa kagaspangan ng ugali niya."
"Baka naman kailangan mo pa siyang kilalanin nang mabuti. Malay mo mabait pala siya. Baka hindi lang naging maganda ang first meeting n'yo kaya ganyan ang trato n'yo sa isa't-isa."
"Wala akong balak na kilalanin siya nang mabuti. Hindi ako pumunta rito para magkaroon ng mga kapatid."
"Kapatid mo pa rin sila. Makakaramay mo sila sa lahat ng problema. Ang mga kaibigan, puwede kang iwan. Pero ang mga kapatid, kahit pa parati mong nakakaalitan, sa oras ng kagipitan, hindi ka iiwan dahil hindi ka matitiis."
"Kapatid ko lang sila sa ama. Hindi kami magkakapatid nang buo. Nabuhay ako nang twenty-four years na wala akong kapatid kaya hindi ko kailangan ng kapatid. Hindi ko sila kailangan sa buhay ko. And I don't think tutulungan nila ako kapag nagkaproblema ako. We didn't grow up together kaya hindi namin mahal ang isa't-isa. Parang magkakapatid lang kami sa pangalan. Kaya malabong mangyari na hindi nila ako matitiis."
"Bigyan mo ng chance na maging magkapatid kayo sa tunay na kahulugan ng salita. Masarap ang may kapatid."
"Siguro para sa iba. Pero para sa akin, hindi. Hindi mo ako masisisi. Hindi ako nasanay na may kapatid. Kaya hindi ko alam kung paano sila pakitunguhan. Ang mama ko lang ang pamilya ko."
"Pero malamang ay gusto ng lolo n'yo na magkasundo-sundo at magmahalan kayo bilang magkakapatid."
"Hindi naman niya sinabi sa last will niya na gusto niyang magkasundo-sundo at magmahalan kami para makuha namin ang mana namin."
"Siguro ay gusto niyang mangyari iyon naturally."
"Mabibigo si Grandpa dahil imposibleng magmahalan kaming lahat."
Inalok ni Marco ang kamay sa kanya para makatawid siya sa malalaking boulders na nakaharang sa daanan. Tinanggap niya ang kamay ni Marco dahil masyadong mataas ang batong kailangan niyang apakan.
BINABASA MO ANG
Barely Heiresses Series #1 : Ailene [COMPLETED]
RomanceSi Ailene ay isang sosyalerang walang pera. Lahat halos ng damit at sapatos niya ay branded pero galing lang ang mga iyon sa ukay-ukay. Ang mga signature bags niya ay class A replica. Updated siya sa latest high-end gadgets pero binibili lang niya a...