MASAMA ang tingin ni Ailene kay Eira na mukhang busy sa pagkuha ng mga larawan ng halos bawat maraanan gamit ang cellphone nito. Tila walang pakialam ang kapatid niya sa kipot ng trail at mga bangin. In fact, makailang beses nang natisod si Eira pero sige pa rin sa pagkuha ng mga larawan ng nature.
Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang sumama ni Eira sa kanila ni Marco. Hindi niya nagustuhan ang pang-iistorbo ng bunsong kapatid sa kanila. Mukhang gusto lang magpapansin kay Marco. Pati sa tour guide niya ay feeling-close si Eira.
"So, Marco," tawag ni Eira kay Marco habang naglalakad sila sa trail. "What do you think of my sister?"
Nagkatinginan sina Ailene at Marco.
"Do you like her?" direktang tanong ni Eira. "'Cause you know, you look good together. You look like a cute couple."
Medyo nabigla siya sa itinanong ng kapatid kay Marco. Nang tingnan niya ang lalaki ay nakita niya na tumaas ang isang sulok ng mga labi nito. Kung ganoon ay sumama pala si Eira para lang tudyuin siya kay Marco?
"Eira! Stop it," saway niya kunwari pero ine-expect niya na sasagutin ni Marco ang tanong kung gusto siya ng huli. Kaya nadismaya siya nang iba ang sabihin ng lalaki.
"Close ba kayong magkapatid?" Kay Eira nakatingin si Marco.
"Yes!" tugon ni Eira na hindi man lang nahiya sa isinagot.
"Kung gano'n, alam mo na siguro ang tipong lalaki ng ate mo. At hindi ako iyon. Tour guide lang ako. Hindi ako bagay sa isang Banal na tulad niya."
Naalala ni Ailene na nagmula mismo sa bibig niya ang mga huling pangungusap na sinabi ni Marco. Somehow, she regretted she ever said that.
"So what naman kung mayaman siya at mahirap ka lang?"pangangatwiran pa si Eira. "Kapag nagmamahalan ang dalawang tao, walang mahalaga sa kanila kundi ang pag-ibig sa isa't-isa. Hindi na nila tinitingnan kung ano ang kulang o labis sa isa't-isa. Basta—"
Tinakpan ni Ailene ang bibig ng kapatid. "Shut up, Eira."
Nakangiti lang si Marco. Nagpatuloy sila sa paglalakad.
"Ilang taon ka na, Marco?" tanong ni Eira.
"Twenty-nine."
"Twenty-four si Ate Ailene. Five years ang gap n'yo. I think it's an ideal age gap for lovers. Anong favorite color mo?"
"Blue."
"Pink ang kay Ate Ailene. Bagay ang colors n'yo. Parang standard colors for males and females. Anong zodiac sign mo?"
"Leo."
"Aries si Ate Ailene. Compatible ang signs n'yo! Akalain mo 'yon. Meant to be!"
"Tumigil ka, Eira," saway ni Ailene habang nandidilat. Nahihiya na siya sa ginagawa ng kapatid.
Itinaas ni Eira ang dalawang kamay na tila ba sumusuko at sumenyas na para bang izini-zip ang bibig.
Nagpatuloy sila sa paglalakad. Nang tumigil si Marco sa paglalakad ay tumigil din siya. Tumanaw ang lalaki sa likuran niya kaya lumingon siya. Naiwan si Eira sa kinatatayuan ng kapatid niya kanina. Abala sa pagkuha ng mga larawan sa mga halaman.
"Eira, hurry up!" malakas na wika niya sa kapatid.
"Wait lang, please. Kailangan ko lang ma-picture-an ito. Mga ten shots pa."
Nang balingan niya si Marco ay ngumiti ang binata. "She's that annoying."
"Sa tingin ko, mabait siya at masayahin," komento ni Marco. "At medyo pilya."
Alam niyang ang panunudyo ni Eira sa kanilang dalawa ang tinutukoy ni Marco. Medyo nailang tuloy siya. "'Wag mo siyang intindihan," tukoy niya kay Eira. "She's just goofing around." Lagot talaga sa kanya si Eira pag-uwi nila. Papakainin niya ang kapatid ng maraming-maraming gulay. Sinisira nito ang diskarte niya.
"Mukhang gustung-gusto ka niya."
"Sabik kasi siya sa kapatid."
"Bakit hindi mo siya bigyan ng chance na mapalapit sa 'yo? Nakikita ko na tunay ang intensiyon niyang makipaglapit sa 'yo."
"Bakit ba pinipilit mo ako na makipaglapit sa mga kapatid ko?"
"Para rin kasi sa 'yo iyon. Sa tingin ko, makakatulong sa 'yo kung magkakaroon ka ng magandang relationship sa mga kapatid mo."
Umangat ang kilay niya. "So, concerned ka na sa akin ngayon?"
"Gusto ko lang makatulong."
"Iyon lang ba talaga?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wala nang ibang dahilan kung bakit concerned ka sa akin?"
"Ibang dahilan?" kunut-noong tanong ni Marco.
"Halimbawa... nahuhulog na ang loob mo sa akin..." she asked playfully.
Ilang segundo na nakatitig lang si Marco sa kanya at pagkatapos ay unti-unting ngumiti ang binata na tila ba naaaliw sa sinabi niya. Bigla na lang may tumulak sa kanya kaya napayakap siya kay Marco at napasubsob siya sa dibdib ng huli. Nang mag-angat siya ng tingin ay halos magtagpo ang mga mukha nila. Nagtama ang mga paningin nila at naghinang nang matagal. Niyon lang niya na-realize na nakayakap din sa kanya ang lalaki. Parang biglang may nagtatambol sa loob ng dibdib niya.
Bumaba ang tingin niya sa mga labi ni Marco. Ang totoo, these past few days, sa tuwing mapapatingin siya sa mga labing iyon ay iniisip niya kung paano humalik ang mga iyon. Nang bumaba rin sa mga labi niya ang mga mata ni Marco ay naramdaman niya na mukhang pareho sila ng gustong mangyari. She wanted him to kiss her. Kusang pumikit ang mga mata niya at hinintay ang pagdampi ng mga labi nito sa kanyang mga labi. Ngunit nabigla siya nang bigla siyang bitiwan ni Marco.
"Mag-iingat ka," sabi ni Marco sa kanya at saka tumingin sa likuran niya. "Ikaw rin, Eira."
Napalingon siya at nakita niya si Eira. "Sorry! Nadulas ako kaya naitulak kita, Ate Ailene."
May hinala siyang sinadya ni Eira ang pagtulak sa kanya. Nang muli niyang balingan si Marco ay naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi. Did she really close her eyes and wait for his kiss a while ago? Parang gusto niyang magtatakbo paakyat sa trail sa sobrang hiya sa ginawa.
BINABASA MO ANG
Barely Heiresses Series #1 : Ailene [COMPLETED]
RomanceSi Ailene ay isang sosyalerang walang pera. Lahat halos ng damit at sapatos niya ay branded pero galing lang ang mga iyon sa ukay-ukay. Ang mga signature bags niya ay class A replica. Updated siya sa latest high-end gadgets pero binibili lang niya a...