Part 14

8.3K 235 7
                                    


NAPAGPASYAHAN ni Ailene na sa verandah na may overlooking pumuwesto habang nagka-kape. Nakapatong sa tea table ang kanyang laptop kung saan i-t-in-ransfer na niya mula sa camera ang mga larawan at video na kinuhanan niya sa mga napuntahan niyang spots sa Sagada.

Lumitaw sa video na kinuhanan niya sa Pongas Falls ang abs ni Marco. Pinindot niya ang backward nang paulit-ulit at i-p-in-lay ang eksenang umaahon na sa tubig ang lalaki. Hindi lamang ang katawan ni Marco ang sexy, kung hindi pati ang bawat galaw ng lalaki. Paano nagkaroon ng ganito ka-hot na tour guide?

Paano?

"Wow!"

Napapitlag siya sa kinauupuan at napalingon sa nagsalita. Nasa likod niya si Eira na naka-bend forward at halos nasa itaas na ng kanyang balikat ang mukha. Nakatingin ang bunsong kapatid niya sa abs ni Marco sa video na i-p-in-ause niya. Mabilis niyang isinara ang laptop. Dumiretso na ng tayo si Eira. Paano nangyaring hindi niya naramdaman ang paglapit ng kapatid?

"Sino siya, Ate? Boyfriend mo ba siya?" tanong ni Eira.

"Boyfriend?!" eksaheradong gagad niya. "Hindi, no! Hindi ako pumapatol sa isang hamak na tour guide!"

Mukhang namangha si Eira. "Tour guide? Tour guide ang lalaking iyan?"

"Oo. Kaya malabong patulan ko siya, okay?"

Umupo si Eira sa isa pang silya sa harap ng mesa. "So, what kung tour guide lang siya?"

"Anong so what? Mahirap lang siya. Mayaman tayo."

Humagikgik si Eira sa pagkalito niya.

"Bakit ka tumatawa?"

"Wala naman tayong matapobreng lolo, lola, papa, madrasta at mga kapatid. And I'm sure, hindi matapobre ang mommy mo. At higit sa lahat, wala naman tayo sa teleserye. Kaya sino ang tututol sa pag-iibigan n'yo ng lalaking iyan? Parang langit at lupa nga kayo pero wala namang tututol, so okay lang."

"Ako ang tumututol!" matigas na sabi niya.

"Huh?"

"Ayoko ng mahirap na lalaki. Kahit noong mahirap pa lang ako, ayoko na ng mahirap na lalaki. Lalo na ngayong mayaman na ako. At saka wala naman kaming relasyon ng lalaking ito. Ni hindi ko siya type."

Nangingiti si Eira. "Hindi type... pero paulit-ulit mong pinanood 'yong eksenang pag-ahon niya sa tubig."

"Shut up!" Ramdam niya ang biglang pag-init ng mga pisngi niya.

Hindi pa rin nabura ang nanunudyong ngiti sa mga labi ni Eira. "Ang pag-ibig ay hindi tumitingin sa estado sa buhay. Kung gusto mo ang isang tao, 'wag mong pigilin ang damdamin mo. Kasi ikaw lang ang mahihirapan."

She squinted at Eira. "Go away!"

"Basta ako, approve na approve ako sa lalaking iyan. Bagay kayo." Humahagikgik na lumakad na palayo si Eira.

Umiling-iling siya. Imposible ang sinasabi ni Eira. Wala siyang gusto kay Marco. Siguro nga ay naguguwapuhan siya at nagagandahan siya sa katawan ni Marco pero hindi niya magugustuhan ang lalaki sa paraang gugustuhin niyang maging nobyo ito. No freaking way.

Barely Heiresses Series  #1 : Ailene [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon