Part 18

8.4K 235 5
                                    


SINUBUKAN ni Ailene na huwag magpakita ng reaksiyon sa ekpresyon ng mukha ni Marco nang makita siya. Halatang nabigla ang kanyang tour guide sa hitsura niya.

Nakasuot lang siya ng maluwang na sweatshirt at maluwang na pantalon at rubber shoes na binili niya kahapon sa souvenir shops. Wala siyang suot na makeup at hindi naka-blowdry ang buhok niya. "What?" patay-malisya niyang tanong.

"Ba't ganyan ang hitsura mo?"

"Na-late ako ng gising. Hindi na ako nakapag-ayos."

Ang totoo ay hindi talaga siya nag-ayos dahil gusto niyang akitin si Marco. Gusto nito ng babaeng hindi mahilig mag-ayos kaya ganoon nga ang ginawa niya. Hindi siya nagpaganda dahil mas naa-appreciate ni Marco ang natural beauty.

Unti-unting ngumiti si Marco. "Mas gusto ko 'yang ganyang getup. Mas angkop sa nature trip na ginagawa mo. At saka..." Tinitigan siya nito. "Maganda ka kahit wala kang makeup at kahit hindi magarbo ang suot mo."

She wanted to grin big but she suppressed it. Kaunting ngiti lang ang ibinigay niya sa binata. "Thanks." Mukhang nakapuntos kaagad siya. "Tara na."

"Wait!"

Lumingon si Ailene sa pinaggalingan ng boses. Si Eira ang nakita niyang tumatakbo palapit sa kanila. Naka-sleeveless shirt at shorts ang kapatid. Naka-ponytail ang buhok ni Eira at may sukbit na maliit na backpack sa likod. Eira was smiling widely, looking as if excited.

"Sasama ako!"

"What?" bulalas niya.

Tumigil si Eira sa tabi niya. "I'm coming with you, guys!" Bumaling ang kapatid kay Marco. "Hi, I'm Eira! Ate Ailene's younger sister and the youngest in the family."

Family? Oh, yes. Eira went there because she was very eager to have a family. Pero hindi niya alam kung nagtatanga-tangahan ang kapatid dahil kahit saang anggulo niya tingnan ay hindi sila matatawag na isang tunay na pamilya.

Inalok ni Eira ang kamay kay Marco na tinanggap naman ng huli.

"Ako naman si Marco," nakangiting sabi ni Marco. "Ikinagagalak kitang makilala."

"I'm so pleased to meet you, too!" masiglang wika ni Eira.

Nakita niya ang pagkislap ng mga mata ni Eira. Nasisiguro niyang naaalala ni Eira ang sight ng abs ni Marco na nakita ng kapatid niya sa video clip sa laptop niya. Napatingin siya sa kamay ng dalawa na magkahawak. Bakit wala silang ganoong moment ni Marco noong una silang nagkakilala? Hindi siya makapaniwalang naiinggit siya.

Tumikhim nang malakas si Ailene. Saka pa lamang nagbitiw ang kamay ng dalawa.

"Ano kamo? Sasama ka sa amin?" may himig-paninitang tanong niya sa bunsong kapatid.

"Oo, Ate!"

"No way!" mahinang asik niya. Sisirain ni Eira ang plano niya para sa araw na iyon. Sisimulan na niyang gawin ang hamon ni Berry.

"Pero, Ate, gusto kong i-explore ang nature."

"Kung gusto mong i-explore ang nature, kumuha ka ng sarili mong tour guide," aniya.

"Ayoko. Gusto kong sumama sa inyo," makulit na sabi ni Eira. Bumaling ang kapatid kay Marco. "Puwede naman akong sumama sa inyo, 'di ba?"

Pinandilatan niya si Marco habang mabilis na umiling-iling para isenyas sa lalaki na huwag itong papayag na sumama sa kanila si Eira.

"Oo naman," tugon ni Marco na ikinainit ng bungo ni Ailene. "Sa Twin Falls ang punta namin."

Suminghap si Eira. "Falls! I had a feeling na sa falls nga kayo pupunta kaya nagsuot na ako ng swimsuit. Come on, guys! Tara na!" Naglakad na si Eira.

Parang gusto niyang magdabog pero wala na siyang nagawa nang umagapay na si Marco kay Eira. Ailene growled inside. Parang gusto niyang hilahin si Eira at ikulong sa gulayan sa inis sa kapatid.

Barely Heiresses Series  #1 : Ailene [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon