Part 27

8.7K 250 5
                                    


NATAGPUAN ni Ailene ang sariling nakatitig sa bukana ng Lumiang Burial Cave. Noong unang araw na umpisahan niya ang adventure tour niya ay nakapunta na siya roon ngunit umatras siya dahil sa tingin niya ay hindi pa niya kaya ang mag-caving. Ngunit sa pagkakataong iyon ay naroon siya dahil iyon na lang ang kailangan niyang gawin. Iyon ang huling destinasyon na kailangang mapuntahan at ma-accomplish niya sa adventure tour niya sa Sagada.

Kailangan niyang ma-accomplish ang Cave Connection na ang entry point ay ang Lumiang Burial Cave at ang exit ay Sumaguing Cave.

Nang pasukin nila ang Lumiang Cave ay ni hindi siya natakot sa mga kabaong na bumungad sa kanya sa bibig niyon. Hindi siya nag-panic sa mga maliliit na butas sa loob ng kuweba kung saan kailangan niyang sumuot. Hindi niya ininda ang hirap ng pagra-rappel at pag-climb sa mga bato. Kasama kasi niya si Marco. Alam niyang hindi siya pababayaan ng binata.

Naging inspired siyang ma-accomplish ang mahirap na technical spelunking sa kuwebang iyon dahil sa tour guide niya. Gusto niyang ma-impress si Marco sa kanya. Gusto niyang makita ng binata na kaya rin niyang maging adventurous tulad nito.

Nang marating nila ang Sumaguing Cave ay namangha siya sa limestone formations na nasa loob ng malaking kuweba. May natural pools doon at limestone formations na may mga pambihira at weird na porma na ikinaaliw niya. Kakaiba ang kuwebang iyon sa dalawang kuwebang napuntahan niya.

"Nahirapan ka ba?" masuyong tanong ni Marco habang magkatabi silang nakaupo sa itaas ng isang limestone kung saan sa ibaba ay may natural pool. "Natakot ka ba?"

"To be honest, nahirapan ako pero hindi ako gaanong natakot."

"Ang akala ko nga magpa-panic ka dahil talaga namang nakakatakot sa Lumiang."

Tumango siya. "Siguro nasanay na ako sa panganib dahil for the past few weeks, laging nasa risk ang buhay ko. Pero hindi mo naman ako pinabayaang mapahamak kaya alam kong kakayanin ko ito kahit mahirap. Tinotoo mo 'yong sinabi mo sa akin noong una tayong magkita. Hindi mo ako pinabayaan." Humilig siya sa balikat nito. "Thank you."

Naramdaman niya ang pag-akbay sa kanya ni Marco.

"Noong una kitang makita na nakasuot ng stylish coat at boots, sa totoo lang, nagduda ako na kaya mong gawin ang activities dito. Ang akala ko mabibigo ka."

Nahimigan niya ang amusement sa tinig ni Marco.

"Pero nagawa mo," patuloy nito. "Congrats."

"Hindi ko magagawa ito kung hindi dahil sa 'yo."

"Dahil sa akin o sa mana mo?"

Natigilan siya. Ang totoo, these past few days ay hindi na niya gaanong naiisip ang tungkol sa mana niya. Noon ay halos araw-araw ay nagde-daydream siya na nasa ibang bansa siya at nagsa-shopping, nagmamaneho ng cherry red Ferrari, nakaupo sa isang komportableng lounger sa likod ng isang executive table kung saan may name plate na "Ailene Solis. CEO" ng sarili niyang beauty and fashion company at marami pang iba.

Ngunit simula nang magkaroon siya ng damdamin para kay Marco ay puro ang binata na ang iniisip niya. Ini-imagine niyang magkasama sila sa pag-akyat sa Mt. Pulag sa Benguet at pag-explore sa Calbiga Cave sa Samar. It was weird when she had never thought of being in those kinds of places ever.

The only thing she was thinking about was being next to Marco all the time. Then she realized that what she felt about him was not merely physical attraction.

Maybe she was already in love with him, regardless of the fact that he was poor.

"Pareho," sabi niya.

Hindi nagsalita si Marco kaya tiningnan niya ito. Mukhang may iniisip ang binata.

"Nalibot mo na ang buong Sagada. Kahit paano man lang ba, nagustuhan mo ang lugar na ito? Kahit papaano man lang ba, natutunan mong ma-appeciate ang nature?"

Ngumiti siya. "Yes. Araw-araw ko ba namang makita, hindi mo matututunang ma-appreciate? Parang ikaw, noong una isa ka lang tour guide para sa akin. Pero ngayon..." Natigilan siya. Ano nang sasabihin niya pagkatapos? Bigla siyang nahiyang pag-usapan ang relasyon nila. "I mean, people will learn to appreciate anything when they see them everyday and learn things about them. Bit by bit, they will see the beauty in things that they thought was not so beautiful before. You know what I mean?"

Ngumiti si Marco. "Ibig sabihin ba niyan, nagtagumpay ang lolo mo?"

Niyon lang niya na-realize ang tungkol sa dahilan kung bakit hiniling sa kanya ng lolo niya ang kondisyong iyon. She laughed briefly. "I guess so."

"Masaya ako para sa 'yo." He looked genuinely happy for her.

Kinintalan niya ng halik ang mga labi ni Marco. "Thank you. For helping me see the beauty of this place."

Dinampian din ni Marco ng halik ang mga labi niya. "You're welcome."

Soon, they were kissing fervently on top of the limestone.

Barely Heiresses Series  #1 : Ailene [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon