Part 28

8K 229 1
                                    


PINAGMASDAN ni Ailene ang napakalaking agricultural land na malapit nang mapasakanya.

"Magkano kaya mabebenta ang lupang ito?" tanong niya kay Marco na nasa tabi niya. Naramdaman niya na bumaling sa kanya ang binata kaya sinalubong niya ang tingin nito. Nakita niya ang kunot sa noo ng lalaki.

"Bakit mo ibebenta?"

"Dahil hindi ko kayang mag-manage ng agricultural land. Wala akong alam dito. Magtatayo na lang ako ng ibang negosyo."

"Pero sigurado akong mahalaga ang lupang ito para sa lolo mo. Tiyak kong hindi niya magugustuhan kung ibebenta mo ito." He looked concerned.

"Wala naman siyang hiniling sa last will niya na huwag kong ibenta ito. So, I don't think he would mind if I sell this. Pati ang coffee factory, hotel at porsiyento ko sa minahan. Sa tingin mo, magkano--" Natigilan siya nang mapuna niya ang disappointment sa mukha ni Marco.

"Ayaw mo talaga rito," tila may himig pagtatampong sabi ng lalaki.

Simula nang magkaroon ng romance sa pagitan nila ay unti-unti niyang na-appreciate ang nature. Ang paggawa ng rice terraces ay isa lamang stupid waste of effort para sa kanya noon at ang pananimang tulad niyon ay putikan lamang ang tingin niya. Ngunit ngayon ay nakikita na niya ang beauty at significance ng mga iyon.

The nature suddenly became beautiful in her eyes because they were together in it. Bigla ay nagustuhan niya ang Sagada dahil unang-una ay naroon si Marco. Pero wala namang kinalaman iyon sa pagbebenta niya ang lupaing hindi niya kayang hawakan ang pamamahala. Wala siyang alam sa pagtatanim o negosyo sa pananiman.

"Hindi totoo 'yan," sabi niya. "Gusto ko na ang Sagada."

Mukhang hindi naniniwala si Marco.

Kumapit siya sa braso ng binata. "Gusto ko na ang Sagada. Promise."

"Wala kang balak na magtagal dito, tama ba?"

"Marco... kasi... hindi dito ang buhay ko. Alam mo naman iyon, 'di ba?"

Halata ang disappointment sa mukha ni Marco.

"Sumama ka sa akin sa Maynila."

"Ayokong umalis dito, Ailene," seryosong wika ni Marco. "Hindi ko iiwan ang buhay ko rito."

Para na ring sinabi ng lalaki na kung aalis siya sa lugar na iyon ay tapos na rin sila.

Barely Heiresses Series  #1 : Ailene [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon