"LOLO, I want you to meet Kring-Kring, my ex-girlfriend. The one that I've been looking for for the past months."
Nagulat si Kring-Kring nang hawakan ni Paul Christian ang kanyang kamay at titigan siya nang deretso sa mga mata. Ang sinasabi pala nitong "honeymoon" ay ang pagpunta sa mansiyon ng lolo nito para daw "makapamanhikan" siya. Ang kapal talaga ng mukha nito!
"Kring-Kring, meet my Lolo Pablo."
Ngumiti siya sa lolo ni Paul Christian na mataman siyang pinagmamasdan. "Hello po, Lolo Pablo."
Nanatili lang nakatitig si Lolo Pablo sa kanya. Tantiya niya ay nasa late eighties na ang matanda pero maliksi pa rin itong kumilos at matikas pa ring tingnan.
"Ikaw si Chrissy Cristel Pascual... ang nobya noon ng apo ko bago siya maaksidente?" tila naniniyak na tanong ng matanda.
"Ako nga po, Lolo Pablo."
Pinagsiklop ng matanda ang mga kamay. "Noong nakaraang anim na buwan, nabanggit sa 'kin ng apo ko na may nanunumbalik siyang alaala ng isang babae. Kaya naman umupa kami ng imbestigador para malaman namin kung may nobya ba siya bago ang aksidente."
Gulat na nilingon ni Kring-Kring si Paul Christian. Hindi nito nabanggit sa kanya na may nanunumbalik sa mga alaala nito. Nag-iwas ng tingin sa kanya ang mokong.
"I'm glad my grandson found you, hija," pagpapatuloy ni Lolo Pablo. "Nabasa ko ang mga dokumentong nakolekta ng private investigator. Nagulat ako na malalim pala ang naging relasyon ninyo ng apo ko."
Binalingan ni Kring-Kring ang matanda. "Ho?"
"Inalok ka noon ng kasal ng apo ko pero tinanggihan mo siya. Bakit, hija?"
Ikiniling ni Kring-Kring sa kanan ang kanyang ulo. Magaling siyang mag-imbento ng kuwento kaya kahit nape-pressure siya, nakagawa pa rin siya agad-agad ng palusot. "M-masyado pa ho kasi kaming bata ni Paul Christian noon para magpakasal. Hindi pa ho ako handa, lalo't magte-take pa 'ko ng board exam after graduation. At ganoon din ho si Paul Christian para maging ganap siyang engineer..."
Tiningnan siya ni Paul Christian na para bang tinatanong siya kung totoo ang lahat ng kanyang sinabi. Siya naman ang nag-iwas ng tingin.
"Tama ka, hija," tumatangong sabi ni Lolo Pablo. "Masyado pa kayong mga bata no'n para magpakasal. It may have been painful to go separate ways, but that was probably the best thing to do, then."
Ngumiti lang siya.
"So, hijo. Any progress?" tanong ni Lolo Pablo kay Paul Christian. "Nanunumbalik na ba ang mga alaala mo?"
"Hindi pa, Lolo," sagot ni Paul Christian. Pagkatapos ay nakangiti siyang binalingan ng binata. "Pero bumabalik ang mga pamilyar na pakiramdam ko kapag kasama ko si Kring. Even if it sounds mushy, ever since I met her again, I feel lighter. Like I didn't lose a portion of my memories. She makes me feel... complete."
Naramdaman ni Kring-Kring ang unti-unting pagkatunaw ng pobre niyang puso sa matatamis na salitang binitawan ni Paul Christian habang tinutunaw din siya nito ng mainit na tingin. Kung makatingin ito sa kanya, parang siya lang ang nakikita nitong babae.
Makalaglag-panty pero sumabit din ang puso niya. Ang problema, sa matinong bahagi ng isip niya, may sumisigaw na arte lang iyon.
Ang galing um-acting ng loko.
"Hijo... that was beautiful," namamanghang papuri ni Lolo Pablo sa speech ng apo nito.
Nakangiting hinarap ni Paul Christian ang matanda. "Kring makes me feel wonderful, 'Lo."
Tiningnan siya ni Lolo Pablo. "Do you still feel the same way for my apo, hija?"
Baliw pa ba siya kay Paul Christian gaya ng pagkabaliw niya sa binata noong nasa kolehiyo sila? Ang alam niya, noong isang linggo, hindi na.
Hindi lang niya alam ngayon.
Pasimpleng binunggo ni Paul Christian ng binti nito ang binti niya.
Bumalik ang pekeng ngiti sa mga labi ni Kring-Kring. "Yes, Lolo Pablo. I still... feel the same way about Paul Christian."
Ngumiti si Lolo Pablo. Napansin ni Kring-Kring na nawala na ang pagiging istrikto ng mukha nito. May kakaiba na ring kislap sa mga mata ng matanda. Luha ba ang kislap na iyon? "God, your love story is beautiful. Masaya ako na nagkita uli kayo, at hindi nagbago ang pagmamahal ninyo para sa isa't isa sa mga lumipas na taon. Ano nang balak ninyo ngayong magkasama na uli kayo?"
Ngumiti nang pagkatamis-tamis si Paul Christian. "Magpapakasal na ho kami ni Kring-Kring, Lolo."

BINABASA MO ANG
A Fabricated Romance: The Girl In The Journal
Romance"It's funny how I came to love so many things because of you. I was a better man before than I am today. Because I had you then." Napilitan si Kring-Kring na gumawa ng pekeng love story sa kanyang blog at pinalabas na boyfriend niya ang guwapong sch...