18th Chapter

4.1K 111 3
                                    

ALAM ni Kring-Kring na mali. Na hindi na dapat. Na kailangan na niyang itigil ang mga kasinungalingan niya. Pero ngayong nakahiga sila ni Paul Christian sa kama habang magkayakap, alam din niyang hindi na niya kayang lumayo. Infatuated siya kay Paul Christian noong nasa kolehiyo pa lang sila, kaya ito ang itinuturing niyang first love. Pero ngayon, pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan nila sa maiksing panahon, mahal na niya si Paul Christian. Sa lahat ng kasinungalingan niya, iyon lang ang natitirang katotohanan.

"Kring?"

Tumingala siya kay Paul Christian. Seryoso ito habang nakatingin sa kanya. "Hmm?"

"Huwag ka na uli sasama kay Louie kung saan-saan, okay? Mabuti na lang at si Mr. Chua ang may-ari nitong resort kaya nakapagpa-reserve agad ako ng mga kuwarto para sa buong klase," naghihinanakit na sabi nito.

"Nagseselos ka ba kay Louie?"

"Kung ang pagseselos ay nangangahulugan na nabubuwisit ako tuwing may kasama kang ibang lalaki, na natatakot akong maagaw ka nila sa 'kin, siguro nga nagseselos ako," seryosong sabi ni Paul Christian. "And mind you, ngayon lang ako nagkaganito."

Tumaas ang kilay ni Kring-Kring. "Huu. Ako nga dapat ang magselos kasi dala-dalawa 'yong chicks mo no'ng nagkita tayo. Saka, 'di ba, gano'n 'yong mga type mo? 'Yong malalaki ang boobs?"

Natawa si Paul Christian. Ang ganda ng kislap na makikita sa mga mata nito ng mga sandaling iyon. "Huwag mo namang masyadong dibdibin 'yong sinabi ko sa 'yo noon. Type kita." Dumako ang kamay nito sa kanang dibdib niya at pinisil iyon. "Kahit maliit ang hinaharap mo."

Kinurot niya sa tagiliran si Paul Christian na ikinasinghap nito. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi hindi lang dahil sa panunukso nito, kundi dahil hinawakan nito ang dibdib niya. Well, that wasn't the first time. Hindi rin siya nagrereklamo. It was just... she got turned on. "Paul Christian!"

Tumawa lang uli ito. "Sorry na. Ang sarap mo kasing i-bully. Ang cute mong mag-react."

Bumangon si Kring-Kring. Sinasabi na nga ba niya at masama ang sumama sa manyak na ito. Pati tuloy siya ay pinapasok ng kamunduhan. "Babalik na 'ko sa kuwarto ko."

Umungol bilang reklamo si Paul Christian, saka siya dinamba. Dinaganan siya nito at binigyan ng mabilis pero malalim na halik. "Ang tagal nating hindi nagkasama. Stay here with me tonight, please?"

"Hahanapin ako ng mga kaibigan ko."

"Alam naman nilang magkasama tayo."

Well, may punto si Paul Christian. Pero kinuha pa rin ni Kring-Kring ang kanyang cell phone. May mga missed call na sina Pretty at Tiara sa kanya. Pinadalhan na lang niya ng mensahe ang mga kaibigan at sinabing nasa mabuti siyang kalagayan. Hindi na nga lang niya sinabing nasa kuwarto siya ni Paul Christian sa hotel dahil tiyak na maeeskandalo ang mga kaibigan. Pero malamang ay mababatukan siya ng mga ito bukas.

Habang nagte-text si Kring-Kring ay naramdaman niya ang mga halik ni Paul Christian sa kanyang leeg. Bumuntong-hininga siya at ipinulupot ang kanyang mga braso sa leeg nito. Their lips soon met and locked slowly and longer this time. "Paul Christian..."

"Hmm?" tanong nito habang marahang pinaparaan ang ilong nito sa kanyang pisngi.

"Ano na tayo ngayon?"

Ngumiti ito—hindi sarkastiko, hindi pilyo, hindi peke. Iyong totoong matamis na ngiti na sinabayan pa ng pagkislap ng mga mata. "We're together now, Kring."

"Does it mean... mahal mo rin ako?"

"I don't know if this is already love, but I'm beginning to understand why the old me loved you so much." Hinawakan ni Paul Christian ang kanyang kamay at dinala iyon malapit sa bibig nito nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "And why the current me can't keep you off my mind."

A Fabricated Romance: The Girl In The JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon