"ANO? NAKUMPLETO na ba ang buhay mo?"
Bumuntong-hininga si Kring-Kring na tila nangangarap. Pagkatapos ay inangat niya sa mukha niya ang nakabenda niyang kamay. "Oo naman. Heaven, men. Sulit na sulit ang pagsapak ko sa gagong 'yon kahit nasaktan ako ng konti."
Pagkatapos magkagulo sa bar kanina dahil binugbog ni Paul Christian si Owen, sila na lamang ng irog niya ang nag-walk out. Dinala siya nito sa malapit na clinic at pinatingnan ang nasaktan niyang kamay. Hindi naman nabali ang mga daliri niya. Napasama lang ang pagtama ng buto sa panga ni Owen.
Ngayon, kasama niya si Paul Christian at nag-i-star gazing sila sa kotse nito na nakababa ang bubong. Dumaan sila kanina sa 7/Eleven at bumili ng mga snacks, pagkatapos ay nag-park ito sa bakanteng lote malapit sa bahay niya.
Ayaw pa kasi siyang iuwi ni Paul Christian. Gusto pa siya nitong masolo.
Imagination.
"I'm sorry, Kring," halos pabulong na sabi ni Paul Christian mayamaya.
Gulat na nilingon niya ito. "Para saan?"
"Dahil sa ginawa ng pinsan ko. Owen and I have always had our differences since we were kids, dahil mababa ang tingin niya sa'kin bilang anak sa labas ng daddy ko. Pero akala ko nagbago na siya ngayong matanda na kami. When we met again last year, he seemed fine to me. Kaya nang ayain niya ko sa birthday niyang ito, I said to myself, "why not give it a shot?"" Bumuntong-hininga ito, saka umiling-iling. "But I guess he only invited me there para may pagkatuwaan sila ng mga kaibigan niya. Worse, nadamay ka pa. I shouldn't have brought you there. Nabastos ka tuloy."
"Okay lang naman. Hindi mo naman kasalanan 'yon," pang-aalo niya rito.
Hindi pa rin naalis ang guilt nito. Hinawakan nito ang magaling niyang kamay habang nakatingin sa kanya. "What did he do to you when I was gone?"
"Ininsulto lang niya ang trabaho ko."
Hindi na niya sinabi kay Paul Christian ang buong kuwento, lalo na ang pandadamay ni Owen sa ina nito, dahil baka bumalik ang baby munchkin niya sa bar at mapatay pa nito ang pinsan nito.
Paul Christian looked hurt, as if he felt the pang she had when Owen insulted her. Masuyong hinalikan nito ang likod ng kanyang kamay. "Kalimutan mo na kung anuman ang sinabi ni Owen tungkol sa propesyon mo. You know I admire you for what you do, right?"
Nakangiting tumango siya. "Alam ko."
Umaliwalas ang mukha ni Paul Christian. "And that's all that matters."
"That's all that matters," pagsang-ayon naman niya.
Ngumiti lang si Paul Christian at muli, hinalikan nito ang likod ng kanyang kamay. His little kisses on the back of her hand created little shivers down her spine, sending a tingle throughout her body. Pati split ends niya yata, kinikilig na.
"Salamat nga pala, Paul Christian."
"Para saan?"
Pinagkasya niya ang kilig niya sa isang hagikgik. "Kasi ipinagtanggol mo ko sa pinsan mo. Kahit alam mong nando'n ang mga kaibigan niya na puwedeng b-u-m-ack up sa kanya, sumige ka pa rin."
Nalukot ang mukha nito na parang naaalala ang nangyari kanina. "That's what he gets for messing with my fiancee."
Ngumiti lang siya.
Mabuti na rin na hindi nangialam ang mga kaibigan ni Owen. Mukha kasing masyado nang lasing ang mga iyon para makisali sa away ng magpinsan. Or they simply didn't care.
BINABASA MO ANG
A Fabricated Romance: The Girl In The Journal
Romansa"It's funny how I came to love so many things because of you. I was a better man before than I am today. Because I had you then." Napilitan si Kring-Kring na gumawa ng pekeng love story sa kanyang blog at pinalabas na boyfriend niya ang guwapong sch...