13th Chapter

3.4K 120 3
                                    

NAKATINGIN sa labas ng bintana ng kotse si Kring-Kring. Pero hindi niya ma-enjoy ang magandang tanawin na nadadaanan nila dahil marami siyang iniisip.

Ang sabi nina Pretty at Tiara nang kunsultahin niya ang dalawa tungkol sa nararamdaman niya, nagkakagusto na uli siya kay Paul Christian, at sa pagkakataong iyon, seryoso na. Nang tanungin naman niya ang mga kaibigan niya kung ano ang dapat niyang gawin, hati ang opinyon ng dalawa.

"Ngayon pa lang, kumalas ka na sa usapan niyo ni Paul Christian. Kinunsinti kita sa desisyon mong 'yan dahil kailangang-kailangan mo ng pera, pero nangako kang hindi magkakagusto sa kanya," sabi ni Pretty, halatang hindi masaya sa bagong damdamin niya para kay Paul Christian.

"Ano namang masama kung ma-in love uli si Kring-Kring kay Paul Christian?" kontra naman ni Tiara. "Ikakasal naman sila, magkakasama ng matagal. May chance na ma-in love din si Paul Christian kay Kring-Kring."

Bumuntong-hininga siya.

"Ang lalim no'n, ha," komento ni Paul Christian na nagmamaneho ng sandaling iyon. "Ano'ng problema, Kring?"

Nilingon niya si Paul Christian na guwapong-guwapo sa smart casual nitong porma.

Inaya siya nitong maging date sa birthday bash ng pinsan nito ngayong gabi. Pumayag siya dahil gusto rin naman niyang makilala ang ibang kapamilya nito.

"You don't look okay, Kring," kunot-noong komento ni Paul Christian nang sulyapan siya nito. "Kung masama ang pakiramdam mo, puwede namang iuwi kita sa bahay niyo."

"Okay lang ako. May iniisip lang ako."

"Gaya ng?"

Nagkibit-balikat siya. "First time ko mag-bar."

Natawa ng mahina si Paul Christian. "Don't worry, you'll do fine."

"Talaga? Paano mo naman nasabi 'yan?"

Nang ihinto ni Paul Christian ang sasakyan dahil sa traffic light, hinarap siya nito. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa, pero positibo naman ang nakikita niya sa mga mata nito. "You look great, Kring."

Walang kapilyuhan sa mga mata nito, walang pambobola sa boses.

Ngumiti siya, saka nag-iwas ng tingin dito. "Salamat. Ikaw din, Paul Christian. You look super great."

Natawa lang ito, saka muling nagmaneho.

Kahapon, nag-shopping siya kasama si Paul Christian. She chose a typical little black dress.

Nag-ayos na lang siya para hindi naman siya magmukhang bata. Nagpunta siya sa isang mamahaling salon. Nagpa-make up siya, 'yong heavy night make up para bumagay sa okasyon. Nagpaayos din siya ng buhok. She was sporting a wavy hair at the moment.

Ilang saglit pa ay dumating na sila sa bar kung saan nagaganap ang birthday ni Owen – ang pinsan ni Paul Christian. Labas pa lang ng bar, halatang sosyal na. Pati ang mga naglalabas-pasok do'n, halatang mga sosyal din. Bigla siyang inatake ng insecurity.

Problema ng mga probinsiyana.

"Hey, relax. Kasama mo ko," sabi ni Paul Christian, saka nito hinawakan ang kamay niya.

Nagulat siya sa ginawa ni Paul Christian, pero hindi naman siya nagreklamo. Nagkaroon siya ng kumpiyansa sa sarili ngayong hawak niya ang kamay nito. Pakiramdam kasi niya, hindi siya nito pababayaan.

"Don't let go, okay?" bilin ni Paul Christian sa kanya na parang bata ang kausap.

Itinaas niya ang magkahawak nilang kamay. "Nag-e-enjoy ka na yata na ka-holding hands ako, ha?"

A Fabricated Romance: The Girl In The JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon