16th Chapter

3.5K 114 4
                                    

"HANGGANG kailan mo pipipiin 'yang burger mo?"

Natigilan si Kring-Kring sa ginagawang pagpipi sa burger niya dahil sa sinabi ni Paul Christian. "Hmm?"

Ininguso ni Paul Christian ang burger niya na nakaipit sa mga kamay niya. "Masyado nang pipi 'yang burger mo."

"Mas madali kasing kainin kapag pipi ang burger," katwiran niya. "Ikaw? Hindi mo pa nauubos 'yang spaghetti mo."

Tinulak nito ang plato nito palayo sa kanya. "I don't like the taste. Sa'yo na lang."

"Wala kang taste sa spaghetti. Jollibee kaya ang fast food chain na may pinakamasarap na spaghetti."

Paul Christian 'tsked' at her. "'Yong totoo, magkano binayad ng Jollibee sa'yo?"

Natawa lang siya. Kahit wala nang sense ang pinag-uusapan nila ni Paul Christian, napapatawa pa rin siya nito.

Ngumiti naman si Paul Christian, saka hinawakan ang kamay niya. Dinala nito iyon malapit sa bibig nito at mayamaya lang, pinupupog na nito ng mumunting mga halik ang likod ng kamay niya. "Lasang burger."

Tinangka niyang bawiin ang kamay niya mula rito, pero ayaw nito iyong bitawan. Nag-init ang mga pisngi niya nang mapansing nakatingin na ang ibang customer. "Paul Christian, pinagtitinginan na tayo ng mga tao."

"Hayaan mo sila. Hindi naman tayo kilala ng mga 'yan."

"Sa tingin ko, nakikilala ka nila. Lalo na 'yong girls."

Nagkibit-balikat ito. Then, he brushed his lips against her knuckles. "I don't care. I need this. Napagod ako kanina sa marriage seminar natin."

Ngumiti siya. Maging siya ay napagod dahil sa in-attend-an nilang marriage seminar na kailangan nila para makakuha ng marriage contract. Pero dahil nilalambing siya ni Paul Christian – kahit pa nasa pampublikong lugar sila – ay napapawi na ang pagod niya.

"Kring, madalas ba tayo sa Jollibee noon?" tanong ni Paul Christian mayamaya.

"Oo, bakit?"

Umiling ito. "Wala naman. Nagtataka lang ako. Ngayon kasi, ayoko ng mga pagkain sa kahit ano'ng fast food chain. Pakiramdam ko, sumusubo ako ng sandamakmak na food preservatives. I prefer eating at fine-dining restaurants."

"Well, ayaw mo naman talaga noon, pero dahil mahilig ako sa Jollibee, nahilig ka na rin. Kasi nga –"

"Mahal na mahal kita noon," natatawang sansala ni Paul Christian sa sinasabi niya. "Malapit na yata akong makumbinsi d'yan."

Nagkatinginan sila ni Paul Christian. Walang nag-iwas ng tingin sa kanila. At nakikita niya na may kakaibang emosyon sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Sigurado siyang iyon din ang nakikita nito sa mga mata niya ng mga sandaling iyon.

Matapos nang halikan nila ni Paul Christian sa loob ng kotse nito noong nakaraang gabi, napansin niyang parehong may nagbago sa kanila. For example, he couldn't get his hands off of her. At hinahayaan niya lang ito dahil gusto rin niya ang pakiramdam na magkadikit sila.

"It's funny how I came to love so many things because of you," nakangiting sabi ni Paul Christian. "Sa tingin ko, I was a better man before than I am today. Because I had you then."

"Totoo 'yan," mabilis na sang-ayon niya.

Pero gano'n din kabilis nawala ang ngiti niya, lalo na nang marinig niya sa kanyang isipan ang sinabi ni Louie noong araw na nagtalo sila.

"Tell me, can you even tell what's reality from your fabricated stories?"

Hindi na.

Sa dami ng mga gawa-gawa niyang kuwento, minsan ay hindi na niya alam kung ano sa mga iyon ang totoo at hindi. Nakakatakot din kung gaano kabilis siyang nakakapaghabi ng istorya tungkol sa "nakaraan" nila ni Paul Christian na hindi naman nangyari noon.

A Fabricated Romance: The Girl In The JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon