PINANONOOD lang ni Kring-Kring sina Paul Christian at Veronika na namimili ng mga bulaklak na gagamitin para sa kasal nila mula sa loob ng kotse. Cancelled ang pictorial ni Paul Christian kaya nasamahan sila nito sa malaking flower shop, pero mayamaya lang ay nahilo siya dahil sa pinagsama-samang amoy ng mga bulaklak. Hindi rin niya alam kung alin sa mga iyon ang nagpasakit ng ulo niya.
Sinabi na lang ni Paul Christian na magpahinga muna siya sa loob ng kotse. Sa tingin naman niya, nahilo lang siya dahil kulang din siya sa tulog. Nagpuyat kasi siya kagabi kaka-check ng test papers ng mga estudyante niya.
Sumilip uli si Kring-Kring sa labas ng bintana. Nagtatawanan na sina Paul Christian at Veronika. Hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa pero base sa ngiti ng ng dalawa, nagkakasiyahan yata ang mga ito.
Nang wala siya.
May kung anong nabuhol sa kanyang sikmura. At hindi kumportable ang init na namuo sa kanyang dibdib. Bumuntong-hininga siya para kalmahin ang kanyang sarili. "Wala kang karapatang magselos, Kring. Si Veronika ang totoong girlfriend ni Paul Christian, inagaw mo lang..."
Naramdaman yata ni Paul Christian na nakatingin siya kaya lumingon ito sa direksiyon niya. Mabilis siyang yumuko at nag-iwas ng tingin sa binata. Bumaba ang kanyang mga mata sa cupcakes na nasa kahon sa kanyang kandungan. Binuksan niya iyon at nilantakan ang isa para ipakita sa binata na nag-e-enjoy siya kahit mag-isa lang siya.
Ayaw ipakita ni Kring-Kring kay Paul Christian na nagseselos siya dahil ayaw niyang isipin nito na makitid ang isip niya. Totoong nai-indulge na siya sa tamis ng kanyang kinakain nang bumukas ang pinto ng driver's side, at dumungaw sa loob ang nakangiting mukha ni Paul Christian. "Hi, baby munchkin. Kumusta ang pakiramdam mo?"
Pilit siyang ngumiti. "Hello, Paul Christian. Okay naman na 'ko. Kayo? Nakapili na ba kayo ni Veronika ng bulaklak na gagamitin para sa kasal natin?"
Sumakay sa driver's seat si Paul Christian at humarap sa kanya bago ito sumagot. "Hindi pa. Ayoko kasing ako lang ang magdesisyon. I'll wait for you to get better, then we'll come back here."
Kumunot ang noo ni Kring-Kring. "Kung gano'n, aalis na tayo?" Sumilip siya sa labas ng bintana. Wala na si Veronika ro'n. "Nasaan si Veronika?"
"Pinauna ko nang umuwi si Veronika. Sinabi kong may importante pa tayong gagawin. But don't worry. I called a taxi for her."
Natahimik si Kring-Kring. Hindi niya maiwasang pansinin na "Veronika" na lang ang tawag ni Paul Christian sa dalaga sa halip na "Miss Veronika" gaya noong una. Malamang ay naging malapit ang dalawa sa pagkukuwentuhan habang wala siya.
Bumuntong-hininga si Paul Christian. "What's wrong, Kring? You look sad."
Umiling si Kring-Kring. "Okay lang ako. Ano nga ba 'yong importante nating gagawin ngayon?"
Matagal siyang tinitigan ni Paul Christian. Unti-unti, nagbago ang ekspresyon sa mga mata nito. They became dark, sultry, and filled with desire.
Dumukwang si Paul Christian at inilapit ang mukha sa mukha niya. Pumikit na lang siya. Ang akala niya ay hahalikan siya nito. Pero naramdaman niya ang mainit at malambot nitong dila sa gilid ng kanyang bibig. He licked the side of her mouth in a very sensual way.
"Hmm. Ang tamis naman niyang kinakain mo," komento ni Paul Christian mayamaya.
Nag-iinit na ang kanyang mga pisngi nang dumilat siya. Malapit pa rin ang mukha ni Paul Christian sa kanya at hindi pa rin nagbago ang nakita niyang emosyon sa mga mata nito kanina. Naunawaan din niya ang ginawa nito. He licked the smudge of chocolate off the side of her mouth. "S-sana, sinabi mo na lang na may mismis ako sa gilid ng bibig ko..."

BINABASA MO ANG
A Fabricated Romance: The Girl In The Journal
Romance"It's funny how I came to love so many things because of you. I was a better man before than I am today. Because I had you then." Napilitan si Kring-Kring na gumawa ng pekeng love story sa kanyang blog at pinalabas na boyfriend niya ang guwapong sch...