7th Chapter

4K 133 1
                                    

"INAAYA akong magpakasal ni Paul Christian," anunsiyo ni Kring-Kring sa mga kaibigang sina Pretty at Tiara na kasalukuyang nire-raid ang laman ng refrigerator nila sa bahay.

"Hindi ka pa rin ba nakaka-move on, girl?" tanong ni Tiara na nakakita ng peanut butter.

"Oo nga," sang-ayon naman ni Pretty na na-spot-an ang tasty bread sa ibabaw ng refrigerator. "Saka hindi mo na uli nakita si Paul Christian after nating maka-graduate, 'di ba?"

"Nagkita kami kahapon. May amnesia siya kaya naniniwala siyang totoong naging kami. And he wants me to marry him," seryosong sabi ni Kring-Kring.

Nagkatinginan sina Pretty at Tiara, saka sabay na natawa.

Nanatili siyang seryoso.

Nanlaki ang mga mata ni Pretty, saka hinampas sa braso si Tiara para pahintuin ang huli sa pagtawa. "God! Seryoso ka?"

Bumuntong-hininga siya, saka ikinuwento kina Pretty at Tiara lahat ng nangyari sa kanila ni Paul Christian noong isang araw.

Sa kanyang pagkabigla, biglang tumili si Tiara. "Nakakakilig!"

Binatukan ni Pretty si Tiara. "Tumigil ka nga, Tiara. Hindi 'yan ang issue, okay?"

Nangalumbaba naman si Kring-Kring sa mesa. "Dahil sa mga kasinungalingan ko noon, naniniwala si Paul Christian na ex-girlfriend talaga niya ako. Gusto tuloy niyang magpakasal kami at umarteng mag-asawa sa loob ng anim na buwan. Pero maghihiwalay din kami kapag nakuha na niya ang mana. Ano'ng gagawin ko?"

"Say 'yes,' of course!" mabilis na sagot ni Tiara. "It's like hitting two birds with one stone. Mababayaran mo na ang lupa ninyo, makakasama mo pa ang first love mo."

Marahang binatukan ni Kring-Kring si Tiara. "Sa tingin mo, sapat nang dahilan 'yon para magpakasal?"

"Hindi naman kayo magsasama habambuhay," katwiran naman ni Pretty. "Hindi iyon maituturing na kasal. It's just like a business contract. No feelings involved. Safe."

Tama si Pretty. Mabigat din naman ang loob niya sa pangungutang pero kung "pagtatrabahuhan" niya iyon bilang pretend wife ni Paul Christian sa loob ng ilang buwan, hindi na masamang tanggapin ang ibabayad nitong pera para mailigtas ang bahay nila.

"Pero what if ma-in love uli si Kring-Kring kay Paul Christian?" tanong ni Pretty kay Tiara.

Aminado siya na first love niya si Paul Christian at na hanggang ngayon, attracted pa rin siya sa lalaki. Pero imposibe namang patuloy niyang mahalin ang isang tao na malayo sa kanya at hindi nakakasama o nakikita man lang.

"Hindi mangyayari 'yon," kontra ni Kring-Kring. "Matagal na kong naka-move on sa kanya."

"Kung gano'n, walang dahilan para tanggihan mo ang alok ni Paul Christian," sabi ni Pretty. "Kung may maipapautang kami sa 'yo, pinautang ka na namin. Pero pare-pareho lang tayong magaganda pero waley ng datung. Saka Kring, sa panahon ngayon, bihira na lang ang nagpapakasal dahil sa true love. Marriage nowadays is only for convenience. Pero siguruhin mong rerendahan mo 'yang damdamin mo. Baka hindi ka na makakalas sa usapan ninyo kapag pinairal mo 'yang dati mong feelings para sa kanya."

"Hindi na ako magkakagusto uli sa kanya," pangako niya.


***

"HAVE you made up your mind?" tanong kay Kring-Kring ni Paul Christian.

Pinadalhan niya ng text message si Paul Christian kagabi sa numerong ibinigay nito sa kanya bago sila maghiwalay ng landas sa coffee shop.

A Fabricated Romance: The Girl In The JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon