"SERIOUSLY? Are you an old woman?"
Hindi pinansin ni Kring-Kring ang reklamo ni Paul Christian na halatang bored na bored na. Nginuso niya si Lolo Pablo na nag-e-enjoy habang sumasayaw ng zumba kasama ang mga kababaihan na nalalapit sa edad nito. "Look at Lolo Pablo. Nag-e-enjoy siya kaya huwag kang KJ d'yan."
Tuwing Biyernes ng hapon ay sumasali siya sa zumba aerobic fitness program na ginaganap sa tapat ng Bulacan Capitol Gym. Tutal naman ay hindi siya nakapasok sa trabaho niya, dumiretso na siya ro'n kasama sina Paul Christian at Lolo Pablo para libangin ang mag-lolo.
Kinulit kasi siya ni Paul Christian na ayusin na nila ang mga requirement para makakuha sila ng marriage contract, kaya kaninang umaga ay nagpunta silang munisipyo. Nag-schedule na sila ng mga a-attend-an nilang marriage seminar, dahil kabilang ang certificate niyon sa hinihingi ng munisipyo bago sila makakuha ng marriage contract.
Pagkatapos ng maghapong paglalakad ng mga papeles, tumawag si Lolo Pablo at sinabing gusto sila nitong makausap tungkol sa lakad nila ng araw na iyon. Dahil naroon na sila ni Paul Christian sa bayan niya, si Lolo Pablo na ang pumunta sa kanila tutal ay may sasakyan at driver naman ito.
"Exactly. This kind of activity is for old people. Bakit ka sumasali rito?" kunot-noong tanong ni Paul Christian.
Uminom muna siya ng tubig bago niya ito sinagot. "Kapag may nakarinig sa'yo rito na tinawag mo silang "old people", bahala ka sa buhay mo."
Akmang may isasagot na naman si Paul Christian nang tumugtog bigla ang kantang Starships ni Nicki Minaj. Natawa siya nang sumayaw si Lolo Pablo, kasabay ng mga zumba-mates nito. Maging siya ay napaindak.
Nasapo ni Paul Christian ang noo nito. "God, this is embarrassing."
Pabirong binunggo niya ang balikat nito. "Shut up ka na nga lang d'yan. Bakit hindi ka na lang sumali sa'min?"
Namaywang si Paul Christian at binigyan siya ng kakaibang tingin. "Hindi ako sumasayaw ng zumba. Pang-sexy dance lang ako."
Natawa siya dahil sa sinabi nito. Gumagana na naman ang kapilyuhan nito. "Sample nga!"
At talagang pinatulan nga ni Paul Christian ang hamon niya rito. Gumiling-giling ito na animo'y macho dancer.
Unti-unting nawala ang ngiti niya. It wasn't because of the sexy way his hips moved, but because there goes Paul Christian's seductive stare again. Hindi man nasisinagan ng araw ng pagkakataong iyon, nagliliwanag pa rin ang binata sa paningin niya. Mukhang hindi lang siya ang nakapansin sa kalandian nito dahil maging ang ibang babae ay napatulala sa lalaki.
Kinagat ni Paul Christian ang ibabang labi nito na tila nang-aakit, kasabay ng pagkislap ng hikaw sa kaliwa nitong tainga.
Hot combination.
"Manong, pabiling fishball!" sigaw niya sa tindero sa likuran ni Paul Christian para mawala ang tensiyong biglang namuo sa dibdib niya.
Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Paul Christian na tila ba may alam itong sekreto tungkol sa kanya. "I think halo-halo ang kailangan mong bilhin at hindi fishball. Ang init, 'no?"
At alam nito na naapektuhan siya sa pang-aakit nito! Manyak talaga ito!
Binunggo niya ang balikat ni Paul Christian nang lagpasan niya ito para kuhanin ang fishball niya. Tatawa-tawang sumunod sa kanya ang mokong.
"Manong, pabili rin ng bibilhin niya," sabi ni Paul Christian sa tindero, sabay turo sa kanya.
Hindi niya nilingon si Paul Christian kahit na nabunggo nito ang braso nito nang sabay nilang abutin ang cup ng fishball na inabot ng tindero sa kanila. Hot pa rin kasi ang tingin niya rito kaya baka mahalata na naman siya nito at tuksuhin pa siya uli.
Pabirong binunggo siya ni Paul Christian matapos nitong bayaran ang mga fishball nila. "Hey, Kring. Naalala ko lang, may nabasa ako sa printed version ng blog post mo na madalas tayong kumain ng fishball."
Ang totoo niyan, sa dami ng p-i-n-ost niya noon na gawa-gawa niyang "date" nila ni Paul Christian para sa mga follower niya, hindi na niya matandaan iyon. "Ano naman?"
Nagkibit-balikat ito habang tinutusok-tusok ng stick ang fishball nito. "Wala naman. Wala pa kasi akong naka-date na pinakain ko ng fishball. 'Yong Paul Christian ngayon, kung hindi sa fine-dining restaurant, sa isang bar dinadala ang mga nakaka-date niya."
Noong panahong patay na patay pa siya kay Paul Christian, parati niyang na-i-imagine na sa fishball stand siya nito dadalhin sa first date nila. Una, dahil madalas niya iyong mapanood sa mga teleserye. Pangalawa, dahil fishball monster siya. Iyon ang paborito niyang merienda noong nasa kolehiyo siya.
"Well, 'yong kilala kong Paul Christian, sa fishball stand o kaya sa Jollibee ako parating dinadala," pagsisinungaling niya.
"Gano'n ako ka-cheap dati?"
"Hindi cheap 'yon," kontra naman niya. "Sweet pa nga kasi parati mo kong sinusubuan. Parang ganito." Tinapat niya ang fishball na nakatusok sa stick sa bibig nito. "Say 'ah', baby munchkin."
Tiningnan lang siya ni Paul Christian.
Pinagtawanan tuloy siya ng mga babae sa paligid dahil sa lantarang pangdededma sa kanya ng mokong.
Napahiya siya kaya nag-walk out siya, bitbit ang fishball na dinedma ng loko.
"Hey, Kring!"
Umagapay ng lakad si Paul Christian sa kanya pero hindi pa rin niya ito pinansin.
Pabirong binunggo siya ni Paul Christian. "Hey, are you mad?"
Sumubo lang siya ng fishball.
"Kring-Kring."
Sumubo uli siya ng fishball.
"Chrissy Cristel Pascual."
Dedma pa rin siya.
"Baby munchkin."
Nabilaukan siya.
Kinuha ni Paul Christian ang tubig sa bag niya, saka siya binalikan. Inalalayan siya nito sa pag-inom. "Okay ka na?"
Tumango lang siya, hindi pa rin makapaniwala sa tinawag nito sa kanya kanina. "Paul Christian, ulitin mo nga 'yong sinabi mo kanina?"
"Alin do'n? Ang dami kaya no'n," pagmamaang-maangan ng mokong.
Niyugyog niya ang balikat nito. "Sige na. Ulitin mo na 'yong tinawag mo sa'kin kanina."
Humawak ito sa sentido nito at umarte na parang nahihirapan. "Wait. Dumodoble yata ang amnesia ko. Sino ka nga uli?"
Pabirong sinuntok niya sa braso si Paul Christian na natawa lang. Tinangka niyang mag-walk out uli pero hinila siya nito sa braso at inakbayan. Hindi na rin siya nakapalag nang subuan siya nito ng fishball sa bibig.
Pinisil ni Paul Christian ang baba niya. "Masyado ka namang pikon, baby munchkin."
Hindi siya nabilaukan sa pagkakataong iyon.
Nag-blush siya.
BINABASA MO ANG
A Fabricated Romance: The Girl In The Journal
Romance"It's funny how I came to love so many things because of you. I was a better man before than I am today. Because I had you then." Napilitan si Kring-Kring na gumawa ng pekeng love story sa kanyang blog at pinalabas na boyfriend niya ang guwapong sch...