@_@
Bata pa lang ako ramdam ko na mag-isa lang ako. Parang outcast kung baga. =[
Wala na nga akong kapatid.
Wala naman akong malapit na kaibigan.
Iniwan pa kami ng papa ko.
Diba nakaka-sad yun?
Kaya noong bata pa ako ramdam ko talaga na mag-isa ako sa buhay. Tanging si mama lang ang andyan para sa akin pero busy naman siya sa trabaho nyan kaya minsan nalang din kami nagkikita.
Lumaki akong mag-isa.
Naglalaro mag-isa.
Nag-aral mag-isa.
Kumakain mag-isa.
Natutulog mag-isa.
Umiiyak mag-isa.
Nananaginip mag-isa.
='(
Nag-iba lang ang takbo ng aking buhay ng makilala ko si Jaz, ang tinuturing ko ngayon na kalaro, bestfriend at kapatid. Siguro masasabi ko na siya ang hulog ng langit para sa akin.
T_T
Masaya ako kapag andyan siya. Kahit minsan lang siya magsalita pero alam ko nakikinig siya kapag may sinasabi ako. Minsan nga kahit tahimik ako alam ko nakikinig parin siya. Sinasakyan niya lahat ng mga kalokohan ko. Tumatawa siya sa mga jokes ko.
Simula ng makilala ko si Jaz, feeling ko kahit kailan hindi na ako mag-iisa. Hindi niya ako iiwan. Hindi niya ako sasaktan. Hindi niya hahayaan na masaktan ako. Ganyan ako ka importante sa kanya at ganun naman siya sa akin.
Kaya tinawag namin ang aming mga sarili na..
BEST SISTER FRIEND!
BINABASA MO ANG
BEST SISTER FRIEND
Teen Fiction(COMPLETED) Paano kaya kung malaman ng ibang tao ang totoong katauhan ng tinuturing mong kapatid? Ano ang gagawin mo kung malaman mo din ang katutuhanan tungkol sa pagkatao mo? Paano mo haharapin ang mga taong nakapaligid sa inyo?