Makalipas ang ilang araw at balik skwela na. Hindi pa ata ako ready eh. Gusto ko pa magpahinga. Himiga lang sa kama maghapon. Yan kasi angginagawa ko noong walang pasok. Hinahayaan lang din ako ni Jaz para makapagpahinga daw ako kaya ayun nasanay na tuloy ang katawan ko. Hihihihi.
"Meg!! Ano ba? Hindi mo ba ako naririnig?"
Hala ka! Naku naman oh. Ang lakas ng pagkakabukas ng pinto. Si Jaz galit na ba?
"Jaz!! Good morning!"
"Bumangon ka na nga dyan. Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo. Hindi mo naman ako pinapakinggan. Tsk!"
Tinatawag ako ni Jaz? Hindi ko naman siya naririnig eh. Katamad naman talaga bumangon. Pwede hindi na muna pumasok? Hahaha.
"Opo. Babangon na po."
Wala man lang good morning si Jaz sa'kin? Bad mood ba siya? Siguro dahil kanina pa niya ako tinatawag. Eh hindi ko naman talaga siya narinig eh. Makabangon na nga lang.
Naligo na ako at nagmadaling magbihis. Bumaba na para makapag-agahan. Nakita ko si Jaz nakaupo sa sala.
"Jaz, sabay tayo kumain."
"Busog pa ako. Ikaw na lang."
Anong meron dito kay Jaz at ganyan yan? Hmmp! Kung di ako kinakausap na pabalang at galit, tahimik naman siya. Meron kaya siya? Hihihi. Makakain na nga lang at baka ma-late pa ako at mas mapagalitan pa.
Beep. Beep.
"Andyan na ang school bus. Bilisan mo na dyan."
"Opo. Bye Jaz."
Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya. Yumakap din ako sa kanya at bumulong.
"Wag kana galit ha? Love kita."
Tumakbo na ako papunta sa school bus na naghihintay sa akin sa labas ng bahay. Nang makaupo na ako sa loob ng school bus tinignan ko si Jaz at kinawayan. Nginitian niya naman ako. Malamang hindi na yun galit. Hahaha. Galing ko.
*
"Uy Grace. Bakit hindi ka sumabay sa school bus?"
Nakita ko kasi si Grace sa may activity center ng school nakaupo mag-isa ng dumating ako sa school.
"Maaga kasi akong nagising."
"Natulog ka?"
Pangtutukso ko kay Grace. HAHAHA.
"Tse! Anong tingin mo sa'kin? Dyan ka na nga!"
Umalis na siya. Anong nangyayari sa mga taong 'to. Kanina si Jaz ang init ng ulo ngayon naman si Grace. Ano bang nangyayari sa kanila? Sinundan ko naman si Grace na mabilis naglakad.
"Grace. Sorry na."
"....."
"Grace naman eh. Nagbibiro lang naman ako. Huwag ka ng magalit oh. Please?"
"Huwag ka na nga sumunod, Meg."
Paano ako hindi susunod eh papunta kaya siya sa classroom namin. Ang labo naman nitong si Grace oh. Hmp!
"Grace, sorry na."
Hindi pa din ako kinakausap ni Grace hanggang sa makapasok kami sa classroom. Kukulitin ko pa sana siya ngunit dumating na yung teacher namin. Mamaya nalang ulet ako hihingi ng sorry kay Grace pagkatapos ng klase.
Lunch time na! Sana naman kausapin na ako ni Grace. Sana magkabati na kami.
"Grace, sabay na tayo maglunch ha?"
"May pupuntahan pa ako. Ikaw nalang."
Yan yung sagot ni Grace sa akin bago siya naglakad papuntang parking lot. Galit talaga si Grace sa akin. :[[[ Kaya eto ako ngayon, basang-basa sa ulan.. Awww. Mag-isa tuloy akong kumakain ng lunch. Tsk.

BINABASA MO ANG
BEST SISTER FRIEND
Teen Fiction(COMPLETED) Paano kaya kung malaman ng ibang tao ang totoong katauhan ng tinuturing mong kapatid? Ano ang gagawin mo kung malaman mo din ang katutuhanan tungkol sa pagkatao mo? Paano mo haharapin ang mga taong nakapaligid sa inyo?