MEET THE OTHERS

659 11 6
                                    

Dahil nakabalik na si Jaz, happy na ulet ako. Ganado na para pumasok. Hehe. Sure kasi ako na papasok na din si Jaz so magkikita na naman kami sa school.

"Ma, alis na po ako."

"Sige Megan. Mag-ingat ka ha?"

Humalik ako naman ako kay Mama at lumabas na. Nasa labas na din kasi yung school bus. Nakangiti akong sumakay. Una kong nakita si Tom. Naku! Bakit puno na? Wala akong choice kundi umupo sa tabi niya. Shemay! Bakit naman kasi ako yung last na sinundo?

"Hi."

"Hello."

Awkward, awkward, awkward, awkward, awkwa-------

"Kumusta kana?"

Halaa! Kinakausap niya na talaga ako. Patay ako nito kay Jaz. Naman eh! Bakit ba nangyayari 'to? Bakit kailangan ko pa tumabi sa kanya? Aissshhh. Sasagot ba ako? Ang sama ko naman diba kung hindi. Baka sabihin niya isnabera ako.

"Okay lang!"

Tapos nginitian ko siya. Kinuha ko din yung libro ko para magbasa kunwari. Ayoko talaga kasing makipag-usap kay Tom. Please Manong Driver bilisan nyo na po ang pagda-drive.

"Nakabalik na pala si Jaz."

Aba!! Bakit nasali si Jaz? Alam kaya ni Tom na alam ko ang totoong katauhan ni Jaz? Tsaka alam din kaya niya na alam kong bampira siya? Bigla naman akong natakot. :[

"Ah oo. Hehe."

Ang awkward talaga eh. Bakit ba kasi sumasagot ako sa mga tanong ni Tom? Lagot kana talaga Meg. Lagot ka kay Jaz.

Buti nalang binilisan ni Manong Driver ang pagmamaneho at nakarating na agad kami sa school. Agad naman akong bumaba at naglakad na papunta sa classroom namin. Nagpapasalamat talaga ako at hindi kami magkaklase ni Tom. Nasa ibang section kasi siya.

Pumasok narin agad ako. Teka, naalala ko hindi nga pala namin nakasabay si Grace. Asan na naman kaya siya? Absent? Haist! Umupo nalang din ako sa upuan ko. Pati si Jaz wala pa. Asan na ba yung mga yun? Ilang sandali nalang darating na yung teacher namin.

At natapos nga ang klase namin ngayong umaga pero walang Jaz at Grace na dumating. Asan kaya ang dalawang yun? Kaya eto ako ngayon, mag-isang kakain. Haist! Akala ko pa naman makikita ko na si Jaz dito sa school. Bigla namang tumunog yung phone ko. Halaa! Si Grace tumatawag.

"Hello Grace?"

"Meg, asan ka ba?"

Asan ako? Eh siya kaya asan?

"Nasa canteen. Bakit? Anong nangyari sa'yo? Asan ka ba? Bakit ka absent?"

Sunod-sunod kong tanong kay Grace. Eh bakit ba kasi siya absent? May sakit kaya siya? Bakit hindi niya sinabi agad?

"Okay! Pupuntahan kita dyan."

"Sige."

Binaba naman agad ni Grace yung phone. Andito pala siya sa school ngayon? Eh bakit hindi siya pumasok sa morning class namin? Ang weird! Hihintayin ko nalang si Grace para sabay kaming kumain.

"Hi Meg."

Akala ko si Grace na pero bakit lalaki yung boses? Tinignan ko naman kung sino. Oh noes. Si Tom na naman? Ano bang gusto niya at lapit siya ng lapit sa akin? Nginitian ko naman siya pero hindi ako nagsalita.

"May nakaupo ba dito?"

"Ha? Ah oo si Grace. Padating na kasi siya eh."

Sana wag kang umupo dito. Kainis naman ang tagal ni Grace. 

BEST SISTER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon