EPILOGUE

341 13 4
                                    

Weekend pala ngayon kaya sa Monday ko pa makikita si Tom. May dalawang araw ako para mag-isipan kung ano ba talaga ang nararamdaman ko kay Tom. Sabi naman ni Jaz eh wag daw ako magmadali kaya chill lang. Mwehehe!

"Oh Meg, tulala kana naman? Araw-araw nalang? HAHAHA!"

"Hindi ako tulala ah. Nag-iisip lang po ako."

Umupo si Jaz sa tabi ko. Inakbayan niya ako.

"Alam mo Meg, isa lang masasabi ko sayo ngayon..."

Tumigil siya sa pagsasalita at tumingin sa akin. Parang ang seryoso ng mukha ni Jaz. Alam mo yung mukhang puno ng emosyon? Hindi ko nga lang alam kung anong emosyon yun. Hinihintay ko naman kung anong sasabihin ni Jaz.

"..Ikain mo nalang yan! HAHAHAHAHA."

O.o Talaga lang Jaz ah? Nang-iinis ba siya? Kung makatawa wagas! Ginagawa na niya akong clown nito. :[

"Jaz naman eh! Nakakainis 'to!"

"Ikaw naman kasi eh. Nililigawan ka pa lang nagkakaganyan kana. Paano nalang kung nagkahiwalay kayo? Papakamatay ka? Ganun?!"

"Over Jaz. Ang OA naman nun! Hiwalay agad? Hindi ba pwedeng sagutin ko muna yung tao bago maghiwalay?"

"HAHAHA! Sinasabi ko lang ang mga pwedeng mangyari Meg. Tsaka bago mo sagutin yung si Tom dapat siguradohin mong nararamdaman mo kasi kapag sinagot mo na cya forever na yun."

"Forever?"

"Yes forever and ever and ever."

Grabeh talaga itong si Jaz. Kahit minsan ginagawa niyang jokes yung mga nangyayari pero yung mga sinasabi niya nakatatak talaga sa puso at isip ko. Wala na akong masabi pa kaya niyakap ko nalang si Jaz. Love ko talaga siya super! :)

***BSF***

Hapon na ng biglang may nagdoor bell. Sino naman kaya yun? Katamad pa naman bumangon. :]] Pababa na ko ng hagdan ng mapansin kong wala si Jaz. Nasaan kaya siya? Hindi man lang nagpaalam oh. Tss. Sabagay, tulog naman ako ng umalis siya. Hihi. Kaya ayun dumeritso nalang ako ng pinto at tinignan kung sino ang nagdoor bell sa gate.

Lumapit ako sa may gate pero wala namang tao. Sino kaya yung nagdoor bell? Bakit walang tao? May nakita naman akong isang sulat. Kanino kaya galing 'to? Kinuha ko at pumasok na ulet sa bahay. Mabasa nga. Hohoo!

Magpaalam ka na....

Halaaa!! Ano 'to? Para kanino 'to? Para kaya saken 'tong sulat na ito? Waaahh! Natatakot ako. Kasi eh nasaan na ba si Jaz?

*

Gabi na ah, wala parin si Jaz. Aissh! Mag-isa lang ako dito sa bahay. Hmm.. Nakahiga na ako ngayon sa kama ko. Ang boring talaga! Bigla naman tumunog yung phone ko. Si Tom.

BEST SISTER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon