Ngayon habang naglalakad ako yung mukha parin nung babae ang naiisip ko. Saan ko ba kasi siya nakita? Bakit ang familiar naman?
"Bakit ka tulala?"
Halaa! Sino yung nagsalita? Tinignan ko naman kung sino ang nagsasalita. Nasa gitna kasi ako ng hallway ngayon at feel ko yung nagsasalita nasa loob ng classroom. Pumasok ako sa vacant room at hindi nga ako nagkakamali, nasa loob si Jaz.
"Anong ginagawa mo dito?"
Hindi naman kasi ito yung classroom namin eh. Bakit ba siya andito?
Hindi naman siya sumagot. Eto na naman si Jaz oh tinopak na naman siguro.
Tumabi nalang ako sa kanya.
"Jaz? Samahan mo ko."
"Saan?"
"Sa canteen. Nagugutom na kasi ako eh."
"Aba Meg! Dapat kana ata magpaporga. Oras-oras nalang nagugutom ka."
"EXCUSE ME?"
Nakakainis 'to! Kung makasabi ng magpaporga ako. Eh ano ba magagawa ko eh nagugutom ang tao. Kesa naman pigilan kong kumain, eh di ako naman yung magiging kawawa. >.<
"Totoo naman kasi yun Meg. Dapat kana talaga magpaporga."
Inulit pa talaga ha. Nang-aasar ba talaga 'tong si Jaz? Hindi na kasi ako natutuwa eh. Pikon na kung pikon. Basta naiinis na ako.
Tumayo naman ako at nagsimula ng maglakad. Hindi na ako nagsalita. Dere-deritso lang akong lumabas sa pinto ng classroom.
"Saan ka pupunta Meg?"
Pasigaw naman na tanong ni Jaz. Nakalabas na kasi ako ng classroom ngayon. Hindi ko parin siya pinapansin. Bahala ka jan Jaz.
"Meg! Ano ba? Galit ka ba?"
Tinatanong pa ba yun? Aissshh. Nakakainis lang kasi. Bakit ba siya ganyan ngayon? Paano kapag may ibang tao nakarinig nun? Nakakahiya naman. >.<
Sumunod naman si Jaz sa paglalakad. Naririnig ko kasi yung mga yapak niya sa likuran ko. Hindi ko parin siya pinapansin.
"Sorry na Meg."
Deadma! Binilisan ko nalang yung paglalakad ko. Pero bigla akong napahinto sa may pintuan ng canteen ng makita ko yung girl na nakabangga ko sa labas ng library. Hindi naman ako natatakot sa kanya kasi mukhang mabait naman siya pero bakit parang nakita ko na siya pero hindi ko matandaan kung saan.
Napahinto naman si Jaz at nakatayong tumabi sa akin. Bilis naman niya akong nahabol. Bilis talaga maglakad nitong si Jaz.
"Bakit ka huminto Meg? Hindi ka ba papasok? Diba gutom ka na?"
"Eh kasi yung girl...."
Tumingin tingin naman si Jaz sa mga tao sa loob ng canteen. Napahinto yung mata niya ng mahagip siguro ng mata niya yung girl. Nagulat naman ako ng biglang hawakan ni Jaz yung kamay ko.
"Bakit Ja----"
Hinigit na niya ako kaya hindi ko na natapos yung tanong ko sana. Bakit ba siya nagmamadaling makaalis doon sa canteen? Anong meron? Dahil ba dun sa babae?
Binitawan lang ako ni Jaz ng makapasok na kami sa classroom namin. Konti pa lang yung andun kasi nga yung iba naglunch pa. Ayt! Lunch! Nakalimutan ko na tuloy bumili ng pagkain, gutom pa naman ako. -_-
"Anong meron Jaz? Bakit bigla kang nagmadaling makaalis dun sa canteen?"
Hindi siya nagsalita. Sa halip umupo lang siya sa upuan niya kaya umupo narin ako sa upuan katabi niya.
BINABASA MO ANG
BEST SISTER FRIEND
Teen Fiction(COMPLETED) Paano kaya kung malaman ng ibang tao ang totoong katauhan ng tinuturing mong kapatid? Ano ang gagawin mo kung malaman mo din ang katutuhanan tungkol sa pagkatao mo? Paano mo haharapin ang mga taong nakapaligid sa inyo?