SCHOOL FAIR

834 14 6
                                        

Nakalimutan ko pala sabihan si Jaz na may school fair kami ngayon. Ngayon na kasi siya papasok dito sa school na pinapasukan ko. Galing diba? Lage na talaga kami magkakasama at magkikita ni Jaz nito.

"MEG!!!"

Narinig ko na may tumatawag sa akin. Lumingon naman ako kung saan nanggagaling yung boses. Si Grace pala ang tumatawag.

"Uy! Grace. Bakit hindi ka sumabay sa school bus?"

"Eh kasi late na ako nagising. Nagpahatid nalang ako kay dad dito. Kanina ka pa?"

Kaya pala hindi nakasabay si Grace kanina. Akala ko may sakit siya. Buti nalang talaga at andito siya. Ipapakilala ko siya mamaya kay Jaz. Speaking of Jaz, asan na kaya yun ngayon?

"Meg! Tulala ka jan."

"Ay sorry Grace. May iniisip lang ako."

"Punta na tayo dun sa quadrangle. Maraming booth dun."

Sumunod naman ako kay Grace sa paglalakad. Malapit na kami sa quadrangle ng mahagilap ng mata ko yung taong naka itim na shirt at pants na nasa ilalim ng kahoy na nakatayo. Hindi na ako nakasunod kay Grace ngayon kasi nilapitan ko yung taong nakatayo sa ilalim ng kahoy.

"Jaz! Anjan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap eh."

"Kanina pa din kita pinagmamasdan."

Ha? Pinagmamasdan? So kanina pa siya dito? Si Jaz talaga oh. :]

"Bakit hindi mo naman ako nilapitan Jaz? Kanina ka pa pala dito."

Hindi naman siya sumagot. Eto na naman 'tong si Jaz. Minsan na nga lang siya magsalita, hindi pa ituloy tuloy. Hinila ko naman siya papunta sa quadrangle. Ililibot ko siya dito sa school.

"San ba tayo pupunta Meg?"

"Doon oh.."

Sabay turo ko sa quadrangle kung saan andun yung ibang mga estudyante at mga booth. Pagkatapos namin tumingin tingin dun sa mga booth, nilibot ko naman siya dito sa school. Kakapagod! Kaya ngayon, naupo nalang kami dito sa hagdanan ng 5th floor. Hindi ko na kasi kayang maglakad pa pero si Jaz, eto parang wala lang. Hindi man lang hiningal.

"Anong tingin mo dito sa school Jaz?"

Hindi pa muna siya sumagot. Tumingin tingin lang siya sa paligid.

"Okay lang."

"Okay lang? Yun lang?"

"Ano naman gusto mong sabihin ko?"

"Hindi ka man lang ba nagandahan o nalakihan dito sa school natin?"

Kung sa bagay, marami ng school na napasukan si Jaz. Siguro may mas malaki pa siyang nakitang school maliban dito. Pero ako, gustong gusto ko dito. Ang laki kaya ng buildings dito tapos mababait pa ang mga tao.

"MEG!!"

Nakita ko naman na tumatakbo si Grace papunta sa kinauupuan namin ni Jaz ngayon. Bakit ba siya tumatakbo?

"Oh Grace. Bakit?"

Hinihingal pa siya. Ano kayang meron at tumatakbo siya?

"Eh kasi..."

"Nga pala Grace, ito nga pala si Jaz. Jaz, ito naman si Grace. Magiging classmate natin siya Grace."

Pakilala ko naman sa kay Jaz dito sa hinihingal na si Grace.

"Hello Jaz."

Ngumiti si Grace at nginitian lang din naman siya ni Jaz. Sana magkasundo silang dalawa. Mabait naman 'tong si Grace eh, madaldal nga lang. Kabaliktaran dito kay Jaz na minsan lang nagsasalita.

BEST SISTER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon