KIDNAPPED 1

546 11 4
                                    

Dahil weekend ngayon, maglilinis ako ng bahay. Matagal-tagal na din ako hindi nakakapaglinis dito ah. Medyo may mga alikabok na din yung mga decorations sa dividers kaya pupunasan ko na muna. Bigla naman tumunog ang phone ko.

Riiiiiinggg... Riiiiiinggg...

"Jaz? Napatawag ka?"

"Meg, andyan ba si Bree?"

"Ha? Wala Jaz. Bakit?"

"Hindi kasi siya umuwi tapos tinatawagan ko hindi makontak. Masama kasi ang kutob ko eh."

"Saan naman kaya siya nagpunta?"

"Ang sabi ni Anne, nagpunta daw sa cementeryo kung saan nakahimlay yung mga magulang niya. Pero hanggang ngayon wala siya. Pinapuntahan ko na din kay Anne para tignan kung andun ba siya."

"Baka andun lang yun Jaz, wag kang magworry!"

"Sana nga Meg. Oh sige na, mag-ingat ka dyan ha?"

"Oo Jaz. Bye!"

Pinatay ko na din yung tawag. Bakit kaya kinakabahan si Jaz? Okay lang naman siguro si Miss Bree. Miss lang siguro niya ang mga magulang niya. Bumalik na ako sa pagpupunas sa divider ng may nagdoorbell. Tinignan ko kung sino yung nagdoorbell. Si Miss Bree? Bakit siya andito?

"Miss Bree?"

"Megan!"

Nginitian niya ako at binuksan ko naman yung pinto. Hinawakan naman niya yung kamay ko pagkatapos kung buksan yung pinto.

"Sumama ka sa akin Megan."

"PO? Saan tayo pupunta?"

"Basta! Tara na!"

"Pero Miss Bree, hindi po ako pwedeng umalis. Tsaka hinahanap ka po ni Jaz."

Hindi naman siya sumasagot. Hinihila lang niya ako papalabas ng gate. Saan ba kasi kami pupunta? Bakit kailangan niya akong hilahin? Lakad lang kami ng lakad hanggang makarating kami sa isang sementeryo.

"Bakit tayo andito Miss Bree? Anong gagawin natin dito?"

 "Gusto kong makausap ang mga magulang ko Megan sa pamamagitan mo!"

"PO? Anong ibig nyong sabihin Miss Bree? Hindi ko po kayo maintindihan."

"Alam kong nabasa mo ang tungkol dito. May kakayahan kang makausap ang mga nasa kabilang buhay na."

"Pero Miss Bree.."

"MEGAN! Kailangan kong makausap ang mga magulang ko!"

"Hindi ko po alam ang gagawin ko Miss Bree.."

Nakikita ko sa mga mata ni Miss Bree na talagang gusto niyang makausap ang mga magulang niya pero paano? Hindi ko naman alam ang gagawin ko. Pwede ko ba yung gawin? Ang makausap ang mga patay? Katakot kaya nun!! Lumapit naman siya sa akin at hinawakan yung buhok ko.

"ARAAAAAAYYYY!!! MISS BREE... BITAWAN NYO PO AKO!!"

"MISS BREE, NASASAKTAN PO AKO!!"

Hinihila nya kasi yung buhok ko. Naglalakad siya papunta dun sa harap ng isang krus na may nakasulat na pangalan pero hindi ko mabasa dahil hinihila padin niya yung buhok ko.

"Tawagin mo na sila Megan! Ngayon na!"

"Pero Miss Bree.. Hindi ko po alam kung papaano!"

"Gawin mo na Megan kung hindi ako mismo ang tatapos ng buhay mo!"

O.O

Nabigla ako sa sinabi ni Miss Bree. Seryoso ba siya sa sinabi niya? Papatayin niya ako? Ano bang nagyayari sa kanya? Jaz!! Asan ka? Huhuhu. TT-TT Mamamatay na talaga ako dito. Alam ko naman kasi na hindi ko kaya ang pinapagawa niya eh!

BEST SISTER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon