SCARY DAY

807 13 7
                                    

Pagkagaling sa school, nagpalit na ako ng damit at magluluto na ng hapunan namin. Wala pa kasi si mama ng dumating ako sa bahay. Habang naghihiwa ng karne, bigla ko naman naramdaman na parang may tao sa likod ko kaya nilingon ko. Si Jaz lang pala nakaupo sa sala. Nakz! Parang bahay lang niya ah.

Nginitian ko naman siya pero tumingin lang siya sa akin. Kung siguro, hindi ko kilala si Jaz, matatakot ako sa mga tingin niya. Para kasing nangangain ng buhay eh. Hahaha.

 "Wala ka bang gagawin Jaz?"

Tanong ko naman sa kanya. Para kasing ang comfortable ng pagkakaupo niya. Wala ba siyang balak tulungan ako dito sa pagluluto? Asa naman ako!

"Wala!"

"Ayt!"

Pero laking gulat ko at tumayo siya sa kinauupuan niya. Naglakad papunta sa akin. Tutulungan niya kaya ako? Weh?

"Bakit?"

"Tabi ka nga jan! Ako na maghihiwa. Ang bagal mo."

"Hala! Ang yabang mo!"

"Tagal mo naman kasi eh."

"Ikaw na ang mabilis. Hmp!"

Nakasimangot naman akong tumabi. Sige, ikaw na magaling maghiwa Jaz. Pinagmamasdan ko lang siya habang naghihiwa ng karne. Hmp! Ihahanda ko nalang din yung lamesa para ready na kapag naluto ang ulam.

Kinuha ko yung mga plato, kutsara, tinidor at baso para ilagay sa lamesa ng mabitawan ko yung isang baso.

"AY!!!"

Napatingin naman si Jaz sa akin at ganun din ako sa kanya. Pero biglang nawala yung gulat ko sa pagkakabasag ng baso ng makita ko yung kamay niya na may dugo.

"JAZ!!"

Napatingin naman siya sa kamay niya. Dali naman akong lumapit at hinawakan yung kamay niya. Pero bakit ganun? Bakit nawala lang bigla yung dugo sa kamay niya? Tsaka walang sugat? Kung walang sugat saan galing yung dugo kanina na nakita ko? 

"Bakit ba?"

"Kasi Jaz kanina nakita ko may dugo..."

Kinuha naman nya agad yung kamay niya sa pagkakahawak ko at ngumiti. Pero bakit siya ngumiti? 

"Wala naman ah."

"Jaz, meron! Kanina nakita ko."

Tinignan ko naman ulet yung kamay nya. Sigurado naman kasi ako na dugo yung nakita ko sa kamay nya.

"Baka namamalikmata ka lang Meg. Wala namang dugo oh."

Kinaway-kaway pa niya yung kamay niya. Wala ngang dugo. Pero sure talaga ako, dugo yung nakita ko kanina sa kamay niya.

"Alam ko ang nakita ko Jaz. Sabihin mo na kasi."

"Ano?"

"Tama ako diba? May dugo jan kanina sa kamay mo? Bakit nawala bigla? At alam ko nahiwa mo yung kamay mo nung nagulat ka ng mabasag ko ang baso.. Jaz naman eh!"

Pinagpilitan ko parin yung nakita ko. Kahit hindi niya sabihin, totoo yung nakita ko. Pero gaya kanina, ngumiti parin siya.

"Jaz...."

"Sige na, sasabihin ko na."

Tumingin naman ako sa mga mata niya. Hinihintay ko ang sasabihin niya.

"Hindi ako nasusugatan kasi nga------At kahit anong bagay ang makakasugat sa akin o nang mga gaya ko, nawawala lang yun bigla.. Maliban nalang kung nasugatan kami dahil sa kahoy o yung mga weapon na ginawa talaga para patayin angmga gaya ko o yung silver. Dun masasaktan kami... Pero maliban dun, hindi."

BEST SISTER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon