RED LETTER

396 12 1
                                    

"No matter how many times I get hurt, I will always fall in love with you again and again."

Hanggang ngayon yan pa din ang laging laman ng isip ko. Aiissh! Ano ba yan! Mukha na tuloy akong baliw. Bakit ba kasi hindi ka maalis sa isip ko? Sa isip ko lang kaya o pati na sa puso ko? WAAAAAAAHHH. Ang sakit na ng ulo ko dahil hindi ako makatulog. Buti pa si Jaz oh, natutulog na. Tsk!

Kasalanan 'to ni Tom eh. Bakit niya ba kasi ginawa yun? Fresh pa din sa isip ko yung ginawa niya kanina sa school.

*flashback*

Kadarating ko lang at naglalakad na ako papunta sa classroom namin ng salubungin ako ng isang kaklase namin. May binigay siyang pulang post-it.

"Ano 'to?"

Naguguluhan kong tanong. Ngumiti lang naman siya tapos umalis na agad kaya binasa ko ang nakasulat. 

'Life without you is...'

"Uy Joe! Ano 'to?"

"Itago mo yan! Haha."

Tumakbo na agad si Joe. Tinawanan pa ko! Ano kayang ibig sabihin nito? Itago? Bakit ko naman itatago ‘to? Kanino kaya galing ‘to? Pambihira naman oh! Ang aga-aga ginugulo yung isip ko. Tsk! Tsk!

Kaya naglakad na ako ulet papunta sa classroom namin ng salubungin ako ni Grace na nakangiti. Nababaliw na kaya siya? Hahaha.

“Oh Meg! Para sa’yo..”

May inabot siyang pulang post – it. Pulang post – it na naman? Ano na naman kaya ‘to?

“Aanhin ko ‘to, Grace? Tsaka saan galing ‘to?”

“Huwag ka ng magtanong pa dyan. Bye!”

Nakangiting iniwan ako ni Grace. Ano bang nangyayari? Ang weird naman ng umagang ito. Tinignan ko nalang yung nakasulat sa post – it.

“... worthless!”

Napangiti naman ako sa nabasa ko. Kadugtong ito ng post – it na binigay ni Joe kanina. Life without you is worthless! Sino kaya nagbigay sa kanila nito at bakit sa akin nila binibigay? Nakakainis na ah! Curious na talaga ako. K

Andito na pala ako sa pintuan ng classroom. Teka nga! Bakit walang tao sa classroom? Maaga pa ba? Tinignan ko naman agad yung relo ko. Lapit na mag-7:30am ah! Bakit walang tao dito? Bahala sila. Pumasok na ako para malapag ko na yung bag ko sa upuan, medyo mabigat eh.

Nagulat naman ako ng may nakita akong tao nakatalikod sa loob ng classroom. Bakit kaya siya nakatalikod? :]

“Tom? Ikaw ba yan?”

Humarap na siya sa akin. Si Tom nga! Bakit siya andito sa classroom namin eh hindi naman kami magkaklase ah. Baka maabutan si Tom ng teacher at mapagalitan siya.

“Bakit ka andito, Tom? Naku! Kapag ikaw napagalitan ng teacher lagot ka.”

“Meg, may sasabihin ako sa’yo.”

“Ano? Hindi na ba yan makakapaghintay? Mamaya mo nalang sabihin pagkatapos ng klase.”

“Please Meg. Pakinggan mo muna ako. Saglit lang naman ito eh!”

“Oh siya sige! Ano ba yun?”

Nakakapagtaka ang kinikilos ni Tom ah! Parang natatakot na din tuloy ako. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. Ang arte! HAHAHA!

“Ano na Tom? Sabihin mo---“

"Meg, no matter how many times I get hurt, I will always fall in love with you again and again."

BEST SISTER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon