I THINK I AM

522 10 12
                                    

In fairness dito kay Tom noh, consistent ha. Friends na nga talaga kami. Ang bait na nya eh. Wala na ding mga nangyayaring gulo at wala na ding nababalitang pinatay dito sa amin. Oh diba, tahimik na at wala ng dapat ika bahala.

Medyo nagiging friends na din sila ni Jaz at Tom. Hindi na ako pinapagalitan ni Jaz kapag nakikita niya akong kausap si Tom sa school. Noong isang araw nga, nagpumilit si Tom na ihatid ako sa bahay. Eh nagulat lang ako na nandun pala si Jaz. Nagulat nga din siya eh ng makita niya kami ni Tom sa labas ng gate. Hindi naman siya nagalit. Sabi lang niya mag-iingat pa din daw ako.

Galing diba? Peaceful na. Peace na din ata sila Jaz at Tom. Hindi na din nagpapakita yung Vivian. Pati nga si Miss Bree hindi na din bumalik, sana okay lang siya kung asan man siya ngayon. Si Anne naman, sabi ni Jaz bumalik daw sa dati niyang bisyo.. Ang pagiging adik sa mga boys! HAHA. Si Anne na talaga. ToT

"Ano bang iniisip mo dyan Meg?"

"Wala naman Grace. Hehe."

Oo, si Grace ang kausap ko. Bumalik na kasi siya sa pag-aaral. Okay na din siya. Pinaliwanag niya sa akin ang lahat ng nangyari. Kaya pala siya lumayo para mag-aral paano niya kokontrolin yung pagiging bampira niya. Kontrolin kung papaano niya iwasan na mauhaw at manabik sa dugo. Buti nalang daw at may tumulong sa kanya. Hindi naman niya sinabi kung sino yun kasi ang bilin sa kanya, wag daw ipagsabi ang pangalan niya.

"Eh bakit ka nagday-dreaming dyan? Ikaw ha!"

"HA? Hindi ah. Ito talaga kung ano-ano ang iniisip mo."

"Oh siya sige na. Hindi ko na iisipin na ini-imagine mo si Tom. HAHAHA."

"HALA! HINDI KO SIYA INI-IMAGINE NOH!!"

"Weehh?"

"Sinong ini-imagine mo Meg?"

ABA! Si Tom nasa likuran lang pala namin. Narinig kaya niya ng sinabi ni Grace na ini-imagine ko siya? WAAAAAHH. Nakakahiya naman! Akalain pa niya totoo ang sinasabi ni Grace. Tss. Napatingin tuloy ako kay Grace na pinanlakihan ko ng mga mata ko. Ngumisi naman siya sa akin. Nanunukso ba siya? Aish!

"Oh ano na? Sinong ini-imagine mo Meg? Sayang, may iba ka palang ini-imagine maliban sa akin..?"

"TSE! Tumigil ka nga. Asa ka naman dyan!"

"Oh siya sige, alis na muna ako. Kakahiya naman sa mga naglalandian dito."

Binatukan ko naman siya. Kainis 'to. Naglalandian daw? Napahawak naman siya sa ulo niya. Napalakas ata yung pagbatok ko. HEHE!

"ARAY! Ang sakit nun ah."

"Ikaw naman kasi eh. Naglalandian ka dyan! HMP!"

"Hmppffff."

Nagpipigil naman si Grace na tumawa habang naglalakad paalis. Itong si Tom naman umupo sa harap ko. Nakangiti pa ang loko.

"At bakit pangitingiti ka dyan? May nakakatawa ba?"

"Wala! Masyado ka namang HB."

"HB ka dyan! Umalis ka nga. Tsk."

"Kakadating ko nga lang, pinapaalis mo na ako agad?"

"Eh kasi naman noh, bakit ka ba andito? Anong kailangan mo?"

"Kailangan ko ba ng reason para lumapit sa'yo? Kung ganun, mag-iisip muna ako ng rason. Saglit lang ha? Hmmm.."

"BALIW! Wala ka bang klase ha at andito ka sa canteen?"

"Meron. Late na nga ako eh."

"Yun naman pala eh. Alis na!"

BEST SISTER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon