Nakakainis! Totoo ba talaga yung sinabi ni Jaz? Isa akong mangkukulam? WAAAAHHH. Hindi ko talaga lubos maisip na isa akong witch. TToTT
"Megan!"
Naglalakad papunta sa kinauupuan ko dito sa canteen si Miss Bree. May isang malaki at makapal siyang libro na dala. Hindi gaya ng mga libro na ginagamit sa school. Para saan kaya yan? Umupo siya sa tabi ko at inilapag yung librong dala nya. Ang kapal talaga ng librong 'to!
"Miss Bree, bakit po?"
"Eto.. Basahin mo at pag-aralan mo.."
"PO?"
Napalakas ata yung boses ko buti nalang walang masyadong tao dito sa canteen kasi yung mga estudyante nagsi-uwian na. Pagkatapos kasi ng klase namin kay Miss Bree kakausapin niya daw ako bago ako umuwi. Ano bang gagawin ko dito sa librong 'to? Bakit ang kapal? Pag-aaralan ko 'tong lahat? Seryoso ba siya?
"Kailangan mo maintindihan ang mga pwede mong magawa Megan. Lahat-lahat tungkol sa mga witches para maprotektahan mo ang sarili mo sa mga taong pwedeng manakit sa'yo."
"Pero Miss Bree, hindi ko po alam paano.."
"Kaya nga basahin mo 'to.."
"Itong lahat? Seryoso po ba kayo?"
Nagsmile siya at tumango. Seryoso nga talaga. Ohhh Emmm! Pero siguro tama din si Miss Bree. Kailangan kong malaman ang kakayahan ko, ang mga pwede kong magawa para na din hindi na masyadong mag-alala sina Jaz sa 'kin. Speaking of Jaz, hindi ko pa siya nakikita simula nung nag-usap kami.
"Ah Miss Bree?"
"Yes Megan?"
"Kumusta na po si Jaz?"
"Okay na naman siya! Wag ka ng mag-alala sa kanya. Basta ha, pag-aralan mo yan!"
"Mabuti naman po kung ganun. Hehe."
"Oh sige na Megan, umuwi ka na. Baka gabihin ka pa sa daan."
"Sige po Miss Bree. Maraming salamat po dito."
"Hmm.. Mag-ingat ka ha?"
"Opo."
Tumayo na siya at umalis. Ako naman umalis na din. Uuwi na ako para masimulan ko na ang pagbabasa nitong napaka-kapal na libro. Nasa hallway na ako ng makita ko si Tom nakatayo sa dulo ng hallway.
"Hi Meg.."
Pangiti-ngiti pa ang loko. Close ba kami? Tss. Feeling talaga. Kainis!!! Hindi lang pala ako naiinis, galit ako sa kanya. Galit ako kasi pinatay niya ang mga magulang ko!!! Dinaanan ko lang siya. Hindi ko siya pinansin.
"Hindi mo ba ako narinig?"
Hinawakan naman niya ang braso ko. Napahinto tuloy ako sa paglalakad. Ang lakas niya. Ang sakit din tuloy ng braso ko. Napatingin ako sa kanya.
"Bitawan mo nga ako!!"
"Oww.."
Binitawan naman niya ako. At nagpatuloy na akong naglakad papunta sa gate ng school. Magta-taxi nalang ako pauwi. Wala na din ibang tao dito sa school kaya medyo tahimik na.
"I know na alam mo na.."
Halaa! Sinusundan ba niya ako? T_T Akala ko hindi na niya ako sinusundan eh pero bakit nasa likod ko siya? Huminto ako at tinignan siya.
"Tigilan mo na nga ang pagsunod sa akin Tom!"
"Eh kung ayaw ko? May magagawa ka?"
Humakbang naman siya papalapit sa akin. Naku!! Ano bang gagawin ko? Papatayin na niya ba ako ngayon? Lumingon-lingon ako. Wala na talagang tao. ;[[ Hinawakan niya ang braso ko. Eto na naman siya. Bakit ba niya lage hinahawakan ang braso ko?
![](https://img.wattpad.com/cover/1508000-288-k455932.jpg)
BINABASA MO ANG
BEST SISTER FRIEND
Roman pour Adolescents(COMPLETED) Paano kaya kung malaman ng ibang tao ang totoong katauhan ng tinuturing mong kapatid? Ano ang gagawin mo kung malaman mo din ang katutuhanan tungkol sa pagkatao mo? Paano mo haharapin ang mga taong nakapaligid sa inyo?