BLUE MOON

444 9 3
                                    

Simula kaninang umaga napapansin ko na talaga iba ang kinikilos ni Jaz. Parang may pinaghahandaan siya. Si Grace at Tom din hindi ko nakita sa school kahapon. Sabi ng mga kaklase namin nag-out of town daw sila Grace pero bakit hindi nabanggit ni Grace sa akin yun? Si Tom naman walang nakakaalam kung asan siya.

Pinagmamasdan ko lang si Jaz na nakatingin sa labas. Anong meron sa labas? Matignan nga. Sumilip din ako sa labas. Madilim naman. Tahimik. Anong oras na ba? Ah! 6:30pm na pala. Kaya pala nagugutom na ako. Hapunan na.

"Jaz! Kain na tayo."

Mukhang nagulat naman si Jaz. Ang lalim kasi ng iniisip niya. Ano kaya yun?

"Sige Meg, kumain ka na dun."

"Hindi mo ako sasaluhan?"

Pout ng lips si ako. First time na hindi ako sasaluhan ni Jaz kahit wala naman siyang ginagawa. Hindi naman niya sinabing busog pa siya. Ano ba kasing meron ngayon? Tss.

"Sige na Meg. Kumain ka na at pagkatapos pumasok ka na sa kwarto mo. Huwag kang lalabas dun hanggat hindi ko sinasabi."

Okay! Super weird na talaga. Anong sabi ni Jaz? Bawal akong lumabas ng kwarto ko? Tama ba yun? Pero bakit? Bakit? Bakit?

"Jaz? Ano bang nangyayari?"

"Sundin mo nalang ang sinabi ko Meg. Mamaya ko na ikukwento sa'yo ang lahat."

"Okay."

Sinunod ko nalang yung sinabi ni Jaz bago paman siya magalit sa akin. Feel na feel ko na tuloy ang tensyon sa boses ni Jaz. Para siyang kinakabahan na may kinatatakutan na ewan. Hindi ko ma-explain. Natatakot na din tuloy ako. :[

Pagkatapos kong kumain ginawa ko ang sinabi ni Jaz. Pumasok na ako sa kwarto ko. Ano naman ang gagawin ko dito? Tawagan ko kaya si Grace? Oh kaya si Tom? Hindi naman siguro ako makakaabala sa kanila. Kinuha ko na yung phone ko at dinial ko ang number ni Grace. Hindi sumasagot. Si Tom kaya?

Riiiiiiiingggggg... Riiiiiiiinnnggggg...

Wala pa din sumasagot. Asan na kaya sila? Bakit hindi sila sumasagot? Huhu. Ilalapag ko na sana ang phone ko sa bedside table nang biglang tumunog. Si Tom.

"Hello Tom?"

"Meg! Kamusta ka? May nangyari ba sa'yo?"

"Naku! Wala Tom. Nakakaistorbo ba ako sa'yo? Mukhang busy ka eh."

"Hindi Meg, okay lang. Nakita ko kasi may missed call galing sa'yo. Sorry hindi ko nasagot ng tumawag ka."

"Okay lang. May itatanong lang sana ako Tom."

"Ano yun?"

"Si Jaz kasi eh. Ang weird niya ngayon."

"Ah! Kasi Meg, full moon ngayon at blue moon pa."

"So? Anong meron sa blue moon?"

"Hindi mo ba alam na once in every 2 or 3 years lang nagkakaroon ng blue moon?"

"Ano ngang meron sa blue moon Tom? Binibitin mo 'ko!"

"Kapag blue moon kasi lumalakas yung kapangyarihan ng mga hybrid Meg."

Hybrid? Ano nga yung hybrid? Hala! Naku! Si Vivian?

"Ibig mo bang sabihin Tom lumalakas ang kapangyarihan ni Vivian?"

"Tama ka jan Meg. Kaya kung anong pinapagawa sa'yo ni Jaz sundin mo nalang. Don't worry, nakabantay din kami sa'yo."

"Nakabantay kayo? Sinong kayo?"

"Kaming lahat. Tumingin ka sa bintana pero huwag kang masyadong lumapit ha. Silip lang."

Ginawa ko naman yung sinabi ni Tom. Sumilip din ako sa bintana. Ayun siya, kasama niya ba si Grace? Oo si Grace nga yun. May pangiti-ngiti pa. Namiss ko sila.

BEST SISTER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon