FIRST DAY

1.5K 21 3
                                    

Pinuntahan nya ako sa bahay bago ako umalis papunta sa school. Lage naman nya ginagawa ito. Araw-araw pumupunta sya dito. Special nga lang ang araw na 'to kasi first day of school sa bagong school ko kaya mejo kinakabahan ako.

"Wag kang kabahan ha! Magkita nalang tayo sa park mamayang 7pm ha."

"Opo!" 

Kunwari sumaludo ako sa kanya at ngumiti. Lumapit naman sya sa akin at hinalikan ako. Umalis na naman din agad sya bago pa sya makita ni mama dito sa kwarto ko. Siguro kasi magtataka si mama bakit andito siya ng ganitong oras.

Kinakabahan talaga ako pero dahil sa nakita ko na si Jaz biglang nawala ang kaba ko. Alam ko kaya ko 'to. Itlog lang ang lahat ng ito. Hindi ako dapat matakot o kabahan.

"Megan! Bumaba kana jan para makapag-almusal na."

Tawag sa akin ni mama. Handa na siguro ang almusal. Anong oras na ba? Ay 6:30am pa lang pala. Medyo maaga pa.

"Opo ma.. Bababa na po ako saglit."

Tinignan ko ulet ang mukha ko sa salamin bago ko kinuha ang bag ko at bumaba na.

"Good morning ma!"

"Good morning Meg. Kain kana baka ma-late ka pa."

"Opo.. Kain na din po kayo."

Umupo na kami ni mama sa dining table at kumain. Maya-maya narinig ko na ang school bus. Agad ko naman kinuha ang bag ko at nagpaalam kay mama.

"Bye ma!"

"Ingat ka Meg. Bye!"

Sumakay na agad ako sa school bus baka kasi mapagalitan ako ng driver. Alam ko kasi marami pa silang susunduing estudyante. Umupo ako sa bandang likod ng school bus. Konti pa lang din naman yung estudyante na nakasakay eh.

***BSF***

O.O

Ang laki ng school. Namamangha parin ako dahil sa laki ng pinapasukan kong school ngayon. Hindi naman kasi gaya ng school ko dati na sa probinsya lang. Kahit private school eh maliit parin yung mga buildings pero dito, and laki talaga. Ang dami pang estudyante.

"Hi. Transferee ka ba?"

Napalingon naman ako nang may magsalita sal ikod ko. Ngumiti sya ng lumingon ako.

"Yes."

"Ako nga pala si Grace Ramos. Ikaw?"

Iniabot niya naman sa akin yung kamay nya para magshakehands. Iniabot ko naman yung kamay ko.

"Ako nga pala si Meg.. Megan Santos."

"Anong grade ka na? Hindi mo alam yung room mo?"

"Forth year na. Eh ang laki kasi ng school hindi ko mahanap yung room ko. Saan ba dito yung 4-Y?"

Ngumiti ako at nagkamot sa ulo ko. Medyo nahihiya parin kasi ako.

"Eh same lang pala tayo ng pupuntahan eh. Sabay na tayo."

"Sure. Thank you ha."

Sabay na kami naglakad papunta sa room namin. Classmate pala kami ni Grace eh. Buti nalang talaga nakilala ko sya. At least, may bago na akong friend at classmate. Siguro mababait naman yung mga classmates namin.

Umakyat kami sa hagdanan. Nasa 4th floor pala yung room namin. Buti nalang talaga hindi masyadong mataas yung heels ng sapatos ko kundi lagot ako. 

"Dito na tayo!"

Sabi ni Grace at pumasok na sa classroom. Umupo na sya at tumabi naman ako sa kanya. May ibang estudyante narin dito sa loob ng classroom pero parang busy sila sa pag-uusap nila. Hindi nga nila kami napansin ni Grace ng pumasok kami eh. 

BEST SISTER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon