ANTIDOTE

595 11 6
                                        

"Ja--jaz...?"

Nanghihina na ako. Naghahabol ng hininga. Nanlalabo na din ang paningin ko. Katapusan ko na siguro. Hawak-hawak ni Jaz ang kamay ko. Nakahiga ako ngayon sa mga hita niya. Andito pa din kami sa bahay ni Luke pero hindi ko na nakikita si Luke. Ramdam ko din na nagaalala si Jaz. Nakita kong kinagat niya ang kamay niya sa may pulso. Ano bang ginagawa niya? Tumutulo ang dugo sa pulso niya na parang isang gripo ng tubig.

"Inumin mo 'to Meg.."

Nilagay niya ang pulso niya sa bibig ko na parang pinapainom niya ang mga dugo na pumapatak galing sa kamay niya. Bakit ba niya ako pinapainom nito? Gagawin ba niya akong bampira? Nagpupumiglas ako para hindi ko mainom ang dugo niya pero wala akong magawa, masyado akong mahina para magpumiglas. At yun nga, nainom ko ang dugo ni Jaz. Isa na ba akong bampira ngayon? Teehee.

"Meg! Meg!"

Huling narinig ko na tawag ni Jaz sa akin bago ako mawalan ng malay. Wala na talaga! Hindi lang ako isang witch ngayon kundi isa na ding vampire! Papatay at iinom ng dugo ng tao. WAAAAAAAHHHH!!! Katakot naman.. >.<

Nagising ako ng maramdaman kong nasisilaw ang mga mata ko sa liwanag. Kahit nakapikit ako! Naamoy ko din ang ulam na niluluto siguro ng kapitbahay namin. Imposible naman kasing niluluto yun dito sa bahay kasi ako lang naman mag-isa dito. Pero hindi eh, feel ko talaga dito sa kusina ng bahay namin nanggagaling ang amoy. Agad akong bumangon. Naalala ko! Kinapakapa ko ang leeg ko. Wala ng sugat. Tumayo ako at humarap sa salamin.

O_O

Kahit bakas ng kagat ni Luke, wala! As parang walang nangyari. Parang hindi lang ako nakagat ng isang bampira. Paano nangyari 'to? Tumatakbo akong lumabas ng kwarto ko at nagpunta sa kusina. Tama nga ako! Dito sa sarili naming kusina nanggagaling ang amoy.

"JAZ!!!"

Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya sa likuran. Nagulat siguro siya pero hindi din. Hahaha! Masaya ako kasi andito si Jaz. Masaya ako na naguguluhan.

"Gising ka na pala?"

Humarap siya sa akin. Hindi naman siya mukhang nagulat. Alam kaya niya na gising na ako? At expected niya na yayakapin ko siya? ~.~

"Ano niluluto mo Jaz?"

"Yung paborito mo. Gutom ka na ba?"

"Medyo! Hehe."

"Sige, ihahain ko nalang 'to. Kunin mo yung ketchup!"

Sabay turo ni Jaz dun sa lalagyan ng ketchup kaya kinuha ko na at naupo na ako. Hinain na din niya yung niluluto niya. ^_____^ Paborito ko nga ang niluto niya. GINILING NA BABOY!!! Kaya pala pinakuha niya sa 'kin yung ketchup eh. Alam na alam ni Jaz na gusto ko nilalagyan ng ketchup yung giniling. Hohoo!!!

Umupo na din siya at pinapanuod akong kumain. Niyayaya ko kasi siyang kumain, ayaw naman niya kaya bahala siya. Kakain nalang ako mag-isa! HAHA! Pagkatapos ko kumain, tinulungan ko na si Jaz magligpit at maghugas ng kinainan ko.

"Jaz, ano bang nangyari?"

"HA? Nangyari saan?"

Nakaupo na kami ni Jaz ngayon sa sala. Nanunuod kami ng TV pero hindi talaga ako nakatingin sa TV kasi nakatingin ako ngayon kay Jaz. Marami akong tanong sa kanya. Maraming bumabagabag sa isipan ko. Tsaka hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanya.

"Doon sa bahay ni Luke. Alam ko Jaz, muntik na akong mamatay pero bakit hindi ako namatay? Anong ginawa mo?"

"Pinainom ka ng dugo ko. Naalala mo naman yung diba?"

"Pero bakit mo yun ginawa?"

"Kasi Meg, ayaw ko mawala ka. Hindi ko kakayanin!!"

Lumingon siya sa akin at tinignan ako sa mga mata habang sinasabi niya yun. Niyakap ko naman siya. Na-touch kasi ako eh! Haha. 

BEST SISTER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon