"Good morning!"
Narinig kong may nagsalita. Pikit pa kasi yung mga mata ko pero sure ako na si Jaz ang nagsalita. Boses pa lang nya kilalang kilala ko na.
"Mmmm."
Nagtaklob naman ako ng kumot. Kahit nakapikit ako pero alam ko na madilim pa sa labas. Bigla ko nalang narinig yun snowball na tumunog. Halaa! Pinatugtog ba yun ni Jaz? Kinuha ko yung kumot na nakataklob sa mukha ko at minulat yung mga mata ko. Nakita ko nalang yung ballet dancer sa loob ng snowball sumasayaw pero wala na si Jaz. Umalis na naman basta-basta? Tinignan ko nalang yung snowball hanggang sa makatulog ulet ako.
"Megan!! Gumising ka na."
Sigaw ni mama habang kinakatok yung pinto ng room ko. Anong oras na ba kasi at masyadong minamadali ako ni mama.
"Opo ma. Gising na po ako."
Tumigil narin siya sa pagtawag at pagkatok sa pinto. Tinignan ko naman agad yung alarm clock na nasa bedside table. Naku! 6:30am na pala! Hindi pa ako nakakaligo. Waaaaaah! Pero teka, bakit hindi ito nag-alarm? Aish! Bahala na nga yan.
Nagmadali naman akong naligo, nagbihis at bumaba na. Kumain ako sabay ni mama. Hindi ko na ata naramdaman na kumain ako dahil sa pagmamadali ko. Bigla kasing dumating yung school bus eh.
***BSF***
Mabilis tumakbo ang oras at ngayon pauwi na kami. Nasa loob na ako ng school bus. Katabi ko ngayon si Grace nang mapansin ko na sinisiko nya ako. Napatingin naman ako sa kanya bigla.
"Meg, tignan mo si Tom. Ang gwapo diba?"
Tumingin naman ako dun sa tinuturo ni Grace. Hindi ko naman kilala kasi kung sino yung sinasabi nyang Tom. Siguro yung lalaking naka upo sa likod ng upuan ng driver yun si Tom. Wala kasing ibang lalaki na nakaupo sa unahan namin ni Grace eh tsaka malabo naman na maging babae si Tom diba? Wala namang babae may pangalan na Tom. Hohoo!!
"Diba Meg? Hoy! Magsalita ka naman."
"Ah eh.. Hindi ko naman nakikita yung mukha nya Grace."
Paano ko naman kasi sasabihin na gwapo eh nakatalikod kaya si Tom. -_-
"Eh basta Meg gwapo si Tom. Hehe."
Ngumiti nalang ako sa kanya. Ano ba naman kasi ang sasabihin ko? Siguro crush ni Grace yung si Tom kaya ganun nalang ang paghanga niya. Hindi pa naman kasi ako nagkakaroon ng boyfriend eh. As in NBSB ako! Hindi ko pa kasi priority ang mga boys. ^_^
Huminto yung school bus at tumayo si Grace. Andito na pala kami sa harap ng bahay nila. Ang laki talaga ng bahay nila Grace. Parang double dun sa bahay na tinitirhan namin ngayon ni mama.
"Bye Meg. Bukas nalang ulet."
"Bye Grace!"
Nginitian ko si Grace at bumaba na siya. Umandar na ulet yung school bus. Hanggang isa-isa ng bumaba ang mga estudyanteng nakasakay dito. Hindi ko namalayan na andito na pala kami sa harap ng bahay namin. Tingin kasi ako ng tingin dun sa likod ni Tom. Gusto ko kasi makita yung mukha niya kaso hindi naman siya lumilingon.
Bumabas na ako at pumasok na ng gate. Narinig ko naman na umalis na yung school bus.
"Oh Meg, andito ka na pala."
Sinalubong ako ni mama at nangmano naman ako sa kanya. Sabay narin kami pumasok sa loob ng bahay.
Halaa! Bakit siya andito? Diba may araw pa? Tumingin naman ako sa labas. Hindi pa gabi kaya may araw pa. Kanina pa kaya siya andito? Nagulat naman kasi ako ng makita ko si Jaz na naka upo sa living room ng bahay namin.
BINABASA MO ANG
BEST SISTER FRIEND
Teen Fiction(COMPLETED) Paano kaya kung malaman ng ibang tao ang totoong katauhan ng tinuturing mong kapatid? Ano ang gagawin mo kung malaman mo din ang katutuhanan tungkol sa pagkatao mo? Paano mo haharapin ang mga taong nakapaligid sa inyo?