A FAMILY MEMBER

532 11 14
                                    

-If I told you I miss you, would you care? If I told you I couldn't live without you, would you be there? If I told you I love you, would you love me back?-

"Depende! Hahaha."

Yan yung nabasa ko ng buklatin ko ang isang papel na nakalagay sa ilalim ng desk ko dito sa classroom. Kanino kaya galing 'to? Baka naman hindi 'to para sa akin. Mali lang siguro ng lagay kung sino man ang naglagay nito.

Kinuha ko naman yung libro ko at nagbasa, mas quiz daw kasi kami ngayon eh hindi ako nakapagreview kagabi dahil sa ginawa namin ni Jaz. Nagpunta kasi kami ni Jaz sa bahay niya, nagkwentuhan buong gabi. Doon na nga ata ako nakatulog eh pero as usual, nagising akong nakahiga sa kama ko dito sa bahay.

"Hoy Megan, hindi mo ba kakausapin yung manliligaw mo?"

"HA?"

"Yun oh!"

Sabay turo ni Grace sa labas ng classroom. Napatingin naman ako sa labas. Si Tom? Bakit siya andito? Wala pa ba silang teacher? Ano kayang kailangan niya?

"Hindi naman ata ako ang kailangan niyan eh. Tsaka busy ako."

"Ay naku Meg ha, pakipot kapa. Kanina pa kaya siya andyan, hindi mo lang pinapansin. Magkagalit ba kayo?"

"Hindi!"

"Yun naman pala eh. Nakuuuu."

"Nagrereview pa ako Grace. Di ako nakareview kagabi eh. Ikaw na makipag-usap dun."

"Fine. Sus!"

Umalis naman si Grace at pinuntahan si Tom sa labas. Kanina pa pala siya dun? Eh bakit hindi niya ako tinatawag o nilapitan? Nakakapagtaka ah. Hindi siya papansin ngayon. Ano kayang meron?

Maya-maya dumating na si ma'am kaya pumasok na din ulet si Grace. Nagsimula na din kami sa quiz namin. Pagkatapos, lunch na. Pumunta na agad kami ni Grace sa canteen. nagutom kasi ako sa quiz eh. Buti nalang yun nireview ko kanina yun yung lumabas sa quiz ni ma'am.

"Ano gusto mong kainin Meg?"

"Gusto ko rice. Gutom ako eh."

"Ayy. Takaw! Hindi man lang nagda-diet?"

"Bakit ako magda-diet? Di ko kailangan magdiet noh."

"Bahala ka nga. Kapag tumaba ka, sige ka hindi na manliligaw si Tom sa'yo."

"Tse! I don't care noh."

"Uyyy. Pikon?"

"Di noh! Upo na nga lang tayo."

"Saan ka uupo? Puno kaya."

"Oo nga noh? Gutom pa naman ako."

"Ayoooown."

"HA?"

"Si Tom oh. Kinakawayan tayo. Tara!"

Oo nga si Tom nga yung nakaupo sa dulo ng canteen. Nasa may glass wall siya nakaupo. Naglakad na papunta si Grace sa kanya kaya sumunod nalang din ako. Wala akong choice noh, kailangan kong umupo para makakain na. Gutom na talaga akoooo eh! >.<

"Dito ka na Meg."

Sabay hila ni Tom sa upuan katabi ng upuan na inuupuan niya. So magkatabi kami ngayon? Tsss. Fine! Upo nalang din ako. 

"Thank you."

Nginitian ko siya at ang laki naman ng sinukli niyang ngiti sa akin. Ano ba? TT_TT

"Sige lang, usap lang kayo dyan. Isipin nyo nalang wala ako dito."

Panunukso naman ni Grace. Akala ba niya kinakausap ko si Tom? Nagthank you lang naman ako ah. Tsk. Si Grace talaga oh. Yung Tom naman kung makangiti wagas. Kanina pa siya ngiti ng ngiti ah. Naalala ko tuloy yung kanina. Ano kaya pinag-usapan nila ni Grace?

BEST SISTER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon