Simula kaninang umaga paggising ko, hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Ewan ko kung bakit naninindig ang balahibo ko sa katawan. May masama kayang mangyayari? Sana wala! :[[
"Hoy Meg! Napano ka dyan?"
Kung hindi nagsalita si Jaz, hindi ako makakabalik sa mundong kinatatayuan ko ngayon. Chos! Kasi naman, ang layo na ng narating ng isip ko kakaisip kung bakit ako kinikilabutan. Ano bang meron ngayon?
"Megan! Ano na? Hindi ka nagsasalita dyan."
"Eh kasi Jaz.."
"Kasi ano Meg? Naguguluhan na din ako sayo. Tsk."
"Kasi Jaz, kinikilabutan ako. Di ko alam kung bakit basta tumatayo lang yung mga balahibo ko oh."
Pinakita ko ung balahibo ko sa kamay. Kumunot naman ang noo ni Jaz.
"Alam mo Meg? Paranoid ka lang siguro."
"Paranoid?"
"Oo paranoid ka. Dahil ata yan sa nagkausap kayo ni Vivian kaya ka natatakot."
"Natatakot?"
Natatakot ba ko? Hindi naman ah. Wala akong dapat ikatakot noh! Sabi nga ni Jaz ako lang yung may kakayahan na talunin ni Vivian kaya dapat si Vivian yung matakot sa akin. Hmp! Itong si Jaz talaga kung maka come up ng theory. Tsk!
"Wag mo na kasi isipin yung si Vivian para di kana matakot Meg."
Bakit ba ang kalma ngayon ni Jaz? Aissh!
"Di ko siya iniisip noh. Kung di mo lang binanggit pangalan nya di ko siya maaalala noh!"
"Fine! Sige na. Kumain kana dyan at mali-late ka na. Baka dumating na si Grace at sunduin ka na nun."
Naalala ko. Ngayon na pala yung field trip namin. Bukas pa uwi namin kasi magcamping kami ng isang gabi sa may Cheavers Forest Camp. Maganda daw kasi doon sabi ni Grace kasi nakapunta na siya kasama yung family at relatives niya.
"Oh bakit ka nakasimangot dyan?"
"Kasi Jaz, di tayo magkikita ng isang gabi."
"Tapos?"
"Mamimiss kita."
Totoo yun. Mamimiss ko talaga si Jaz. Nasanay na ako na gabi-gabi katabi ko siya matulog. Kasama ko siya. Pero ngayong gabi, wala siya. Ayt! Masaya ako at excited para sa trip namin pero malungkot din ako kasi wala si Jaz. :[[
"Mamimiss din naman kita Meg. Kaya lang may mga panahon talaga na kailangan maghiwalay din tayo. Huwag kang mag-alala, bukas magkikita na din naman tayo pag-uwi mo."
Hindi na ako sumagot. Niyakap ko nalang si Jaz. Para kasing ang tagal ng bukas eh. :[[
"Naku Meg! Hindi ka pa nga nakakaalis, ang drama mo na."
"Eh kung sumama ka nalang kaya Jaz?"
Humiwalay naman si Jaz sa pagkakayakap ko. Tinignan niya ako sa mata. At ngumiti.
"Ano ka ba! Hindi ako pwedeng sumama. Field trip nyo yan kaya dapat mag-enjoy kayo. Ikaw."
"Opo."
"Basta mag-ingat ka dun ha? Kapag may kailangan ka, tumawag ka lang."
"Ikaw din Jaz ha, mag-ingat ka din. Wala ako para protektahan ka."
"HAHAHA. Ang arte."
"Jaz naman eh. Tinatawanan mo ko. Hmp!"
"Kasi naman noh. Sino bang di matatawa sa'yo? Kung makasabi ka naman na walang poprotekta sa'kin eh. Wagas."
"Eh basta. Mag-ingat ka!"
BINABASA MO ANG
BEST SISTER FRIEND
Novela Juvenil(COMPLETED) Paano kaya kung malaman ng ibang tao ang totoong katauhan ng tinuturing mong kapatid? Ano ang gagawin mo kung malaman mo din ang katutuhanan tungkol sa pagkatao mo? Paano mo haharapin ang mga taong nakapaligid sa inyo?