IT'S WEIRD

767 13 4
                                    

Ang tagal naman matapos ng teacher. Nagugutom na talaga ako.

Bulalas ko sa isipan ko. Yung mga pets ko kasi sa tiyan umiiyak na. Hindi na tuloy ako makaconcentrate sa tinuturo ng teacher. Napansin ata ako ni Jaz kasi tumingin siya sa kinauupuan ko. Hindi kasi kami magkatabi. Tumingin naman ako sa relo ko.

11:59 am

Isang ikot nalang at makakakain na ako. Togoooool naman eh!

*bell ringing*

Yehey! Ngumiti naman ako bigla at tumayo. Hindi pa nga nakakalabas si ma'am pero tumayo na ako pati na yung iba kong classmates. Siguro gutom narin sila. Hehe. Lumapit naman sa akin si Jaz.

"Jaz, canteen tayo."

Niyaya ko naman si Jaz kahit alam ko na hindi naman siya kumakain. Gusto ko lang makasama siya. Pero lumapit din sa amin si Grace.

"Sabay na ako ha. Tayo na?"

Ngumiti naman siya. Nginitian ko din siya at tumango. Tinignan ko naman si Jaz, tumingin lang din siya sa akin. Ano kaya ang iniisip nya? Aissh! Wala na akong oras isipin yun, gutom na talaga ako kaya hinigit ko nalang si Jaz. Sumunod narin naman si Grace.

"Talaga bang hindi ka kakain Jaz?"

Biglang tanong naman ni Grace kay Jaz habang si Jaz naman nakakunot yung noo. Nabigla siguro siya sa tanong ni Grace. Ni minsan kasi hindi pa nakikita ni Grace si Jaz kumain.

"Hindi kasi siya nagugutom Grace."

Ako nalang yung sumagot. Para kasing walang balak sumagot si Jaz. Tapos hinawakan ko ang kamay ni Jaz para ipaalala sa kanya na hindi siya dapat sumimangot. 

"Ahh.. Ganun ba? Sige kain na tayo."

Kumain naman kami ni Grace. Si Jaz uminom lang ng softdrinks. Hindi nga sana siya iinom eh kaso pinilit ko nalang. T_T 

Pagkatapos namin kumain, nagpaalam naman si Grace na pupunta muna siya saglit sa library. Kami nalang ngayon ni Jaz naglalakad pabalik ng classroom. Tahimik na naman siya. Ano naman kaya iniisip nito? 

"Ayaw mo ba kay Grace, Jaz?"

Tanong ko bigla sa kanya. Kahit hindi naman kasi nya sabihin, napapansin ko yun. Para kasing ang layo ng loob niya kay Grace eh. Siguro naiirita lang siya dahil madaldal si Grace pero dapat manggaling talaga kay Jaz yung sagot. Hehe. Para sigurado. ~_^

"Sagot ka naman jan. Para ka namang pipe jan eh."

*poke*

"Jaz!! Ano ba? Hoy!"

*poke**poke*

"Jaz naman eh."

Pangungulit ko sa kanya. Ayaw kasi talaga niya magsalita eh. 

"Ano ba Meg. Para ka namang bata jan eh."

Halaa! Kung bata ako, eh ano nalang siya? Matanda? Hohoo!! Peace Jaz.

"Tumigil kana Meg. Magmadali ka na jan at mali-late na tayo. Tagal mo kasi matapos kumain eh."

Bigla naman ang bilis maglakad ni Jaz. Parang hindi lang siya nakaapak sa lupa kung maglakad. Ang bilis. Naiwan tuloy ako.

"Eh hinay-hinay lang Jaz!! Sasakit ang tiyan ko kapag binilisan ko sa paglalakad. Sige ka, kawawa naman ako.."

Nagpuot pa ako ng lips ha para mukhang kawawa talaga. Haha. Alam ko naman kasi na ayaw ni Jaz na nasasaktan o nagkakasakit ako. Kaya ayun, binagalan naman niya ang paglalakad niya. Galing ko talaga noh? Hoho!

BEST SISTER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon