1: Ithalia

91.3K 2.7K 460
                                    

TRIGGER WARNING: Physical Abuse, Violence and Self Harm.

"Tito! Tito! Tama na! Tama na po!" Kahit paos na ako kakasigaw ay wala pa rin siyang tigil na bugbogin ako.

"Yan ang nararapat sa'yo upang magtanda ka!" Umiling-iling ako. At sa huling suntok sa mukha nawalan ako ng malay.

"Tama na!"

"Tama na... t-tama na!" Sigaw ko. Napaupo ako sa kama pero agad din naman akong napahiga dahil sa sakit na naramdaman ko sa bandang balikat.

Huminga ako ng malalim. Tumingin sa kisame. Sanadali. Kailan pa nagkaroon ng puting kisame sa kwarto kung saan ako ikinulong?

Hanggang sa naalala ko ang mga nangyari.

Nasaan ako?

"She's awake... Okay... Got it."

Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses, isang lalaking naka suit na black. Parang isa siya sa mga men in black. Napakalinis niyang tignan sa suot nito, naglakad siya papalapit sa akin. At doon ko lang nakita ang maganda ring features ng kanyang mukha pero nakakatakot ang tingin niya sa akin. Hindi sa paraang pagtingin ni Tito sa akin, ibang- iba na tila ba parang gusto niya akong patayin sa oras na may sabihin akong mali.

Ganon nalang ang gulat ko nang bigla niya akong sakalin. Tinignan ko siya sa mata at nag-aapoy ang mga ito. Tumulo ang luha ko.

"Sino ka?" Pumikit ako dahil hindi ako makahinga, naramdaman ko rin ang hapdi sa balikat ko dahil sa tama ko ng bala doon. Nakahawak ako sa mala-bakal niyang mga kamay.

Mali ba ang napuntahan ko? Mali ba ang nahanap kong tao na akala ko ay makakatulong sa akin? Bakit nila ako ginaganito? I sobbed and gasped for air.

"I do not repeat myself. Answer me!" At marahas siyang bumitaw mula sa pagkakasakal sa akin. Umubo naman ako nang umubo habang hawak-hawak ang leeg ko.

"Now. Speak"

Nanginginig man sa takot. Kinalma ko ang sarili ko at sumagot sa kanya.

"I-Ithalia Wats-son."

"What are you doing inside the car huh?"

Yumuko ako, hindi ko kayang salubungin ang mga mata niyang galit na galit sa akin.

"I-I ..." Tumunog ang cellphone niya at agad niyang sinagot ito. Huminga ako ng malalim at patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko.

"Not yet...okay." Iyon lamang ang mga salitang narinig ko at bumalik ulit siya. Nagsimula na naman akong manginig sa takot.

"What I did, wasn't enough. Get up." Marahas niya akong hinila sa braso papalabas sa kwartong iyon. Ngayon ko lang napansin na may benda pala sa balikat ko kung saan may tama ng baril. Buhay pa ako. Ngunit ang akala ko'y bagong buhay, iyong buhay na malayo sa karahasan at sakit ay mali pala, napunta ulit ako sa ganong sitwasyon. Same pain inflicting by different people. What did I do wrong to be punished like this?

Kung sasaktan lang din niya pala ako sa oras na imulat ko ang mga mata ko. Bakit hindi nalang nila ako hinyaang maubusan ng dugo at mamatay?

I heaved a deep sigh.

"S-salamat." Bulong ko habang naglalakad kami sa kung saan man kami pupunta. Gusto ko lang magpasalamat dahil sa kabila ng lahat, ginamot pa rin niya ako. Bukod sa sarili ko, meron ng ibang tao ang gumamot sa sugat ko.

Mafia Boss 1: Saved By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon